Invi Line: 13

6 2 0
                                    

Kabanata 13





"KIELLE, siya pala 'yon. 'Yung kinukwento sa atin ni Driah, siya pala 'yon---"

"Ano ho ang desisyon niyo,Madam?" Naputol ang bulong ni Nyx ng mag tanong ang Dean.  We are the only ones left here because Margaux has already been brought to her classroom.

"Kukunin ko siya."

"Po?!" Nyx loudly asked.

"Kukunin ko siya. Uuwi na siya sa amin."

"Hindi po siya sasama sainyo." Sa sinabi kong iyon ay bumaling siya sa akin, at ako'y tinaasan niya ng kilay.

"And who are you again?"

"Kielle. Her friend." I offer my hand but she just stared at it.

"And I am her mother." I slightly laughed and pocketed my hand.

"Correction, step-mother." I emphasis the word 'step' on her to waken up on reality.

"How dare you---Dean,sino ba 'to?!" Halata sa mukha niya ang insultong natanggap mula sa akin.

"A-ah,Madam. I forgot to say that they are our exchange student."

"Exhange student,huh? E kung ibalik ko kaya kayo sa pinanggalingan ninyo?"

"Hindi niyo po pwedeng gawin 'yan. Unang-una, wala pang approval ng supervisor ng Australia. Pangalawa, hindi po kayo ang Dean para ibalik kami sa aming pinanggalingan. Sa pag kaka-alam ko, ang asawa po ninyo ang may ari ng eskwelahang ito,at hindi kayo. Mas may karapatan pa si Eury kumpara sa inyo. Hindi rin ikaw ang legal na asawa." Mahabang paliwanag ko. Mukha namang hindi makapaniwala ang step-mother ni Eury sa kanyang narinig.

"Bilang bagong asawa ng tatay niya, sa tingin ko ay sapat na ang karapatan ko bilang sunduin siya at iuwi siya sa amin,tama?" She changed the topic.

"Wala po kaming karapatan,tama. Pero kay Eury parin po ang huling desisyon kung sasama siya sainyo." Magalang na sabi ko. Kahit hindi mukhang kagalang-galang ang babaeng 'to, mas matanda parin siya sa akin.

"Yes. Maliban na lamang kung may sasabihin kayo sa kanya upang hindi siya sumama sa akin?"

"Ah, Excuse lamang po. Hindi po kami ganoon, kagaya ng iniisip niyo. Hindi na rin po namin kailangan may sabihin kay Driah, upang hindi sumama sa inyo." Pagsali ni Nyx sa usapan.

Ngumiti sa amin ang step mother ni Driah at lumapit ng bahagya tsaka nag-saad.

"Kapag kinontra niyo pa ako, hindi ako mag dadalawang isip na sampahan kayo ng kaso at sabihin na kayo ang kumid-nap sa anak ko." May halong pag babanta sa kanyang boses, pero kahit na ganoon ay hindi ako takot.

I'm about to say something as a defense but she rapidly stopped me.

"And, one more thing. Kakampi ko ang tatay niya. Sabihin ko lamang sa ama niya na bawiin ang anak niya at ibalik kayo sa bansa niyo, gagawin niya. Understood?"

Niyukom ko na lamang ang aking kamao at itinikom ang aking bibig. Kahit na may magagawa pa ako ay pinilit ko na lamang manahimik para kay Driah. Pwede ko siyang sagutin pero hindi pwedeng bumalik kami sa Australia, lalo na ngayon at kailangan kami ni Eury.

Pinabalik na kami sa aming mga silid aralan matapos iyon. Sabay kami ni Nyx dahil iisa lamang ang aming daraanan. Mas mauuna nga lang akong pumasok sa kanya, dahil dalawang room ang pagitan namin.

Invisible Line ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon