Invi Line: 11

7 2 0
                                    

Kabanata 11





"KIELLE, patapos na kami. Kanina ka pa nakikipag titigan diyan sa pagkain mo."

Tinignan ko lamang siya at hinawakan ang kutsara't tinidor, hindi para kumain. Kung hindi para ilagay iyon sa lababo.

Kahit nakatalikod ay alam kong sinusundan nila ako ng tingin. Gusto kong tamaan ng hiya pero mas na nanaig sa akin ang pag kairita at pag kainis kay Margaux.

Lumabas na lamang ako at nag patuloy sa paglalakad. Bahala na kung saan ako dadalhin ng aking paa. Hindi ko rin kabisado ang lugar dito. Para itong makalumang subdivision at sa dinaanan namin kanina, nakita ko ang iilang bahay na nakatayo rito. Ang iba ay parang wala pang nakatira.

Sa ilang minutong pag lalakad, huminto ang paa ko sa isang madilim na parte nitong lugar. Sa hindi kalayuan ay may narinig ako ingay. Ingay ng mga tubo at tambutyo ng motorsiklo.

May ano roon?

Dala ng kuryosidad ay dahan-dahan akong nag lakad papalapit roon ng walang ingay. Nag tago ako sa mga damo kung saan tiyak kong hindi ako makikita.

Nang makita ko ang naroroon, parang gusto ko na lamang umatras at huwag na silang tignan. Marami sila. Nahahati sa dalawang grupo na sa tingin ko ay mga gang.

Bakit may ganito sa lugar na 'to?

Gusto ko mang umalis ay parang napako na ang aking paa sa kinatatayuan ko. Hindi ko maigalaw ang aking binti at ramdam ko ang lumalabas na pawis sa akin. Tila ba nag init ang aking katawan kasabay ng pag iinit ng aking ulo, na para akong nasa impyerno. Isang tao lang ang naaalala ko kapag nakakakita ako ng ganitong grupo. Sila ang dahilan kung bakit ako iniwan ng babaeng mahal ko.

Max...

"Hayop kayo---hmmp!" Hindi ko naituloy ang aking sasabihin ng bigla na lamang may nag takip ng aking bibig.

"Sshh! Umalis na tayo rito." Bulong niya habang tumitingin sa paligid.

"Kielle,umalis na tayo rito." Doon ko lamang nakilala kung sino siya. It's Nyx. Gusto ko pa siyang tanungin kung ano ang ginagawa niya at kung paano niya nalaman na ako ay narito.

Maingat kaming nag lakad ng sa gayon ay hindi kami marinig ng dalawang panig na mag sisimula ng gulo.

Pero nawala ang pag iingat na iyon ng bigla na lamang tumili ang kasama ko.

"Ano 'yon?!" Rinig kong tanong ng isa sa grupo.

"Nyx!" Pagalit na bulong ko.

"Pre,dinapuan ako ng ipis, takte!" Nandidiring saad niya habang pinapag pagan ang kanyang batok.

"Sino 'yan? May tao ba diyan?!"

"Lagot na."

"Pre,Kielle. Takbo na. Takbo!" Natatarantang saad niya dahilan upang ako rin ay mahawa sa kanya.

Sabay kaming tumakbo. Habang may daan ay tumatakbo kami para lang hindi abutan.

"Hoy! Pag hindi kayo huminto, lulumpuhin namin kayo!" Sigaw ng isa at hinampas sa daan ang hawak na tubo at lumikha iyon ng ingay, dahilan upang mag sarado preno kami ni Nyx.

"Ay! Punyetang buldog!" Nagulat na sabi ng kasama ko kaya mas lalo ko pang ipinikit ng mariin ang mata ko. Lintek.

Unti-unti kaming lumingon sa mga punyetang german sheperd.

"Hi? Hehe.." kahit hindi niya sabihin ay ramdam ko ang pinag halong kaba at niyerbyos na nararamdaman ni Nyx ngayon.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ng isa sa kanila na malaki ang katawan. Mas nadoble ang kabang nararamdaman ko ng paglaruan niya ang kanyang kampit na hawak.

Invisible Line ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon