Invi Line: 29

6 2 0
                                    

Kabanata 29











PANIBAGONG sikat ng araw ang sumilaw sa akin dahilan upang ako'y bumangon sa aking kinahihigan. Tahimik pa ang paligid. Tanging huni ng ibon at hampas ng hangin lamang ang maririnig.

Nakangiti akong tumayo at nag-unat. Ngayong araw na ito. Kakaiba ito kumpara sa mga nagdaang araw. May trabaho ako ngayon!

Binaling ko ang direksyon ng aking tingin sa kama kung saan naroroon si Eury. Payapa pa siyang natutulog na parang anghel.

Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya na may trabaho na ako. Sigurado akong matutuwa ito dahil noong mga sumunod na araw, bawat punta ko rito, isa lang ang lagi kong sinasabi at binabalita sa kanya. Iyon ay ang wala pa akong nahahanap na trabaho.

Wala kaming pasok sa eskwelahan ngayon dahil sabado. Ibig sabihin ay mag hapon ko siyang mababantayan---o, erased that. Mali ako. May trabaho nga pala akong gagawin ngayon, kaya dapat ay maayos ang ipakita kong performance. Ang sarap lang sa pakiramdam na sa bawat pag mulat ng iyong mata sa umaga, may nag hihintay nang gawain saiyo at hindi mo na kailangang isipin kung ano ang gagawin mo.

I have already arranged our meal. Most of them are fruits and vegetables to give her body a unified source of energy. My every move was careful and refined. I don't want to disturb her when she sleeps.

Matapos mai-ayos ang lahat, tumayo ako ng maayos at sinilip ang natutulog na si Eury. Kailangan ko na siyang gisingin dahil oras na para siya ay kumain.

"Hey, sleepy head. Wake up!" Nilakasan ko ang aking boses dahil mayroong distansya sa pagitan namin.

"Sumikat na ang araw. Gising na rin ang mga anghel, ikaw na lang ang hindi." Dagdag ko pa at bahagyang natawa.

"Eury, gising na. Masamang pinaghihintay ang pagkain---"

"Gising na ako." Inaantok na sabi niya tsaka bumangon habang kinukusot ang kanyang mata.

"Good morning." Bati ko sa kanya with my fully beamed.

"Morning." Balik na bati niya tsaka nag hikab.

"Kumain ka na. May gana ka na ba?" Itinuro ko ang inihanda kong pagkain. Tumingin naman siya sa rito at kinagat ang kanyang pang-ibabang labi.

O,hell. Don't do that again. You're tempting me---never mind.

"Oranges and apples in the morning?" She asked with her natatakam na itsura.

"Yes. Fresh."

"O, give it to me---O." Tinangka niyang lumapit habang nakalahad ang dalawang kamay,pero mabilis rin siyang napa-atras. Alam ko kung bakit.

"Ahm, lalabas nalang muna ako. Tapos ay kuhanin mo ito. Papasok nalang ulit ako kapag nakuha mo na." Lumabas ako at iniwan roon ang kanyang pagkain. Hindi kaming pwedeng mag lapit kaya ako na nag mag a-adjust. Hindi naman pwedeng siya pa ang palabasin ko dahil siya ang pasyente. And one more thing, maliit lang ang metro nang silid na iyon.

Nang makita kong nakuha niya na ang kanyang pagkain, muli akong pumasok at bumalik sa aking pwesto kanina.

"Let's eat?" She nodded with her beamed.

"How's the---are you okay?" I stammered. Bigla na lamang nag-iba ang reaksyon ng kanyang itsura. Nakatingin siya sa hawak niyang apple.

"What's wrong?"

Tumingin siya sa akin, tsaka umiling.

"Nothing. Let's eat." Sabi niya. Muli naman akong ngumiti at nag patuloy sa pagkain.  But before long I saw through my peripheral vision, that she had gotten off her bed and laid down the tray where her food was.

Invisible Line ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon