Invi Line: 41

2 1 0
                                    

Kabanata 41







THIRD PERSON's Point of View

Matapos makahakbang palayo sa kanya ni Kielle ay doon niya naramdaman ang tunay na kirot. Hindi rin niya gusto ang naging desisyon pero kailangan niyang gawin dahil nararamdaman niya na ang nalalapit na pag tatapos. Alam niya na kung saan patutungo ang storya nilang dalawa. Kung ano ang magiging katapusan nito, at kung sino ang tunay na maapektuhan sa dulo.

Buong akala niya ay magiging madali para sakanya ang hindi nakikitang linya sa pagitan nilang dalawa. Pero akala niya lamang iyon, dahil mas lalo niya lang pinahirap ang sitwasyon.

Tuluy-tuloy na pumatak ang luha sa kanyang mata kasabay ng pananakit ng kanyang ulo. Wala siyang ibang magawa kundi ang indahin ang nakapanghihinang sakit na kanyang nararamdaman.

Sa tuwing aatake ang sakit niya ay tanging pagtulo lamang ng luha ang kanyang magawa. Sinusubukan niyang maging malakas kahit katawan niya na mismo ang sumusuko. Namimilipit sa sakit, at pag sigaw upang maibsan ang karamdaman.

Paano niya ngayon lalabanan ang nakamamatay na iyon kung wala na ang nag-iisang dahilan kung bakit kinakaya ang lahat? Tinaboy niya ang nag-iisang dahilan kung bakit siya nag papatuloy. Pinaalis niya ang kanyang pahinga sa nakakapagod na mundo. Pinalaya niya ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi ang intindihin siya. Kahit ayaw niya ay sinukuan niya si Kielle na mahal na mahal siya.

"Eury,Eury. Relax. Relax." Mga salitang paulit-ulit niyang naririnig sa doktor sa tuwing aatake ang kanyang kinatatakutan.

Mabilis siyang pinigilan ng sandamakmak na nurse. Tuloy, mas naramdaman niya ang nakakabaliw na sakit na nag sisimulang mag pahinto ng kanyang mga kalamnan.

Tumingin siya sa taas at pinagmasdan ang kalawakang gawa ni Kielle. Sumilay ang kapirasong ngiti sa labi kasabay ng pagpatak ng luha sa kanyang kaliwang mata.

Idinako niya rin ang paningin sa ibabang parte ng kanyang kama kung saan nakapinta ang batang lalaking nag hihintay sa kanya.

Sa mga oras na ito ay si Kielle lamang ang tanging nasa isip niya.

Bumaling siya sa pinto kung saan panay naroon si Kielle at siya'y hinihintay. Pinanonood siyang mapag tagumpayan at malabanan ang delubyo.

Pero sa pag kakataong ito ay hindi si Kielle ang naabutan niya g nakamasid doon. Parang huminto ng ilang segundo ang pagtibok ng kanyang puso ng makita kung sino ang naroon.

Ang taong ayaw niyang makita kahit kailan. Hindi niya inaasahan na darating ang taong 'yon sa ospital.

Nag tama ang kanilang mga mata. Sa gitna ng makikipag laban sa pag atake ng kanyang sakit ay dumagdag pa ang takot at kaba ng makita niyang ngumiti ang taong nasa pinto. Para siyang naubusan ng enerhiya. Mas bumagsak ang kanyang katawan at nanghina.

Ramdam niya ang unti-unting pagbigat ng talukab ng kanyang mata. Hanggang sa matagpuan niya na lamang ang kanyang sarili na naglalakbay sa kalawakan kasama ang mga bituin.

Sa hangganan ay tanaw niya ang pamilyar ng bulto, pero hindi ng tao. Her astro-bear.

Palapit pa lamang ay rinig niya na ang pag-hum nito ng pamilyar na tono.

Hindi siya natakot kahit ang mga nangyayari ngayon ay imposible. Hindi niya naisip iyon sa mga oras na ito.

Niyakap niya mula sa likod ang malambot na bagay. Ipinikit niya ang kanyang mata, dinama ang sarap sa pakiramdam. SHe felt safeness.

Invisible Line ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon