Kabanata 30
GUMISING ako ng iniisip ang nangyari kahapon. Ni hindi ko na siya nagawang lingunin at basta na lamang akong lumabas ng silid upang puntahan ang naka tokang banyo sa akin upang mag trabaho.
Hindi gaya kahapon, mabilis ang naging kilos ko. Ngayon, para akong robot na paubos na ang baterya.
Hindi parin kami nag uusap mula kagabi. Hinintay ko siyang bumalik kagabi para sana makapag usap kami kahit saglit lang, pero natulog siya kaagad. Wala na akong nagawa dahil hindi ko naman siya pwedeng pigilan na matulog.
"Kielle,ikaw ba'y ayos lang?" Tanong ni Manong Uge. Narinig ko iyon pero hindi ako sumagot. Pati pagbuka ny bibig ay wala akong gana. Para akong tinatamad ngayong araw.
"Kielle,ayos ka lang ba?" Ulit niya. Pero hindi ako sumagot at nanatili lamang na tahimik.
"Kielle."
When I heard that I quickly turned around and saw her standing near the door. She was looking directly at me. The expression on her face was different from yesterday.
"Eury." Bumalik ako sa ginagawa.
"Can I?" Itinuro niya ang loob ng banyo kung saan ako nag lilinis. Tumango naman ako at nag patuloy. Dahil nakayuko ako, kita ko mula sa baba kung paano niya hinubad ang kanyang sapin sa paa at pumasok sa banyo.
"Suotin mo 'yan."
"Madudumihan. Doble trabaho pa. Ayos lang 'yan." Pangangatwiran niya.
"Madudumihan rin ang paa mo. Suotin mo na,Eury."
"Hija,suotin mo na." Pagsali ni Manong Uge sa usapan. Kinuha niya ang tsinelas ni Eury at itinapat iyon sa kanyang paa. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sundin kami.
"Maiwan ko na muna kayo rito. Eury,kung babalik kana sa iyong silid, ipatawag mo lang ako."
"Ako nalang po ang mag babalik sa kanya." Tinignan muna ako ni Manong Uge tsaka tumango at iniwan kami ni Eury dito.
"Hindi ka kumain?" She asked. I just nodded and go back to work.
"Meron akong dala dito--ah!"
"Eury!" Akma ko siyang lalapitan nang siya ay mabuwal, pero iniharang niya ang kanyang kamay. Dahan-dahan siyang tumayo habang gumagabay sa pader sa kanyang gilid.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa pati narin ng konsensya. Hindi ko man lang siya matulungan tumayo sa tuwing siya ay madadapa o mabubuwal.
My grip tightened on the mop. I averted my gaze and bit my lower lip hard.
"Ito oh." May iniaabot siyang paper bag sa akin. Kinuha ko naman iyon tsaka siya tinapunan ng saglit na tingin.
"Masakit?" Imbis na mag pasalamat sa kanyang binigay, kinumusta ko siya at tumingin sa kanyang tuhod na tumama kanina sa sahig. Namula iyon at kitang-kita dahil maputi siya.
"Hmm..a bit?" Pinagpagan niya ang kanyang tuhod at muling ibinalik ang tingin sa akin.
"Thank you." Bahagya kong itinaas ang paper bag.
Saglit kaming nabalot ng katahimikan. Pero mabilis niyang binasag iyon.
"Kielle?"
"Maupo ka muna." Ibinaligtad ko ang timbang walang laman para siya ay maka-upo. Iyon lang kasi ang bagay na pwedeng pag-upuan rito. Sinunod niya naman ang aking sinabi. Umupo siya sa timba at pinaglapat ang kanyang mga palad.

BINABASA MO ANG
Invisible Line ✓
Teen FictionTo those of us who are just normal creatures, it is painful when we find out that the person we love is not feeling well. We see them complaining from pain in their body. Sometimes, we think and say, "sana ako na lang. Sana ako na lang ang nahihirap...