Invi Line: 49

7 2 0
                                    

Kabanata 49





NAGLILINIS na kami ngayon ng silid habang sina Eury at Tito ay nag uusap sa labas.

Payapa na ang paligid. May pumuntang pulisya rito kanina at si Tita Jiyie mismo ang lumapit sa kanila. Pero bago siya sumama ay muli niyang tinignan si Eury at binigyan ng isang ngiti na isang Ina lang ang makagagawa.

"Ang intense." Komento ni Nyx na ngayon ay winawalis ang mga alikabok.

"That was spectacular." Saad naman ni Margaux. Hinayaan ko lamang sila at nag patuloy sa ginagawa.

"Hoy," mahina akong siniko ni Nyx.

"Gagawin mo pa?" Tanong niya na kina-angat ng aking kilay.

Tumuro siya sa aking likod gamit ang nguso. Lumingon ako ro'n at nakita ang astro-panda na binigay ko kay Eury.

"The spotlight is now yours. It's time to shine,Kielle." Tinapik niya ang aking balikat at kinuha ang hawak kong mop.

I took a deep breath and stepped foot out of the room. I went straight to the bathroom where Manong Uge was. There are also the things I will use.

"Ready?" He asked. Tumango ako at nag buga ng hangin.

---

I just stared at the stars while waiting for Eury to arrive. Kahit init na init na ako ay hindi ko pinansin iyon.

"Max, I know you're watching me now." Mapait akong ngumiti matapos iyon.

"And I know you're happy."

Napatingin ako sa aking telepono ng mag vibrate iyon.

It's Nyx. Saying that they're coming.

Nag tago ako sa sulok at sinuot ang ulo ng mascot. Yeah, in the middle of the moon and stars I was wearing an astro-panda mascot. Sinadya kong pagawan ng mascot ang bear na binigay ko sa kanya. Gusto kong makita muli ang ngiti niya dahil umiyak siya kanina.

Ilang saglit pa ay tanaw ko na mula rito si Eury na nakasakay sa wheelchair habang tulak ito Nyx. Nakasunod sa kanila si Margaux na bitbit ang dextrose ni Eury.

Kita ko mula rito ang pag ikot ng paningin niya sa kabuoan ng rooftop. Bahagya pa akong natawa dahil mukhang takang-taka siya kung bakit siya dinala rito.

Pasimpleng tumingin sa gawi ko si Nyx. Sinenyasan ko siya at muli siyang bumaling kay Eury.

"Ah, ano, Driah. May pag aawayan pa pala kami. Diyan ka muna,ah? Sige bye. Tara na!" Palusot ni Nyx tsaka basta na lang hinila si Margaux.

Go Kielle.

Huminga ako ng malalim at inihakbang ang paa.

"I saw the target, Sir. I am now landing at the rooftop from space. Ready to shot the target." Bigkas ko upang makuha ang atensyon niya. Hindi naman ako nabigo dahil pumihit siya at mabilis na namilog ang mga mata at napatakip sa bibig.

"Euelle..." Panginginig ng kanyang boses.

I showed her my thumbs up and get a paper on my back. Mga letra ito na naka sulat sa papel.

Ipinakita ko ang unang letra at inilipat ulit sa kasunod, hanggang sa matapos ang mabuo ang salitang...

P L E A S E    S H O W    M E    Y O U R      B E A M

Nang matapos ay pinag dikit ko ang aking mga palad at lumuhod na parang nakikiusap.

Ilang saglit pa ay natawa siya habang lumuluha ang mata at unti-unting kumurba ang labing ng ngiting mas mahal pa sa buhay ko.

Invisible Line ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon