Kabanata 33
ITO ang masasabi kong ayos na ang lahat. Maluwag na ang galaw ko na tila ba hindi na ako tatamaan pa ng konsensya. My breathing became loose as if the stone that had been blocking my breathing for a long time had been removed.
"Kakainin niya kaya 'to?" Nyx asked and raise the pancake that he was holding.
"Hindi naman maarte sa pagkain si Eury. Kakainin niya 'yan." Sagot ko sakanya nang nakangiti. Ilang araw na rin matapos naming makapag-usap. Tinotoo niya ang kanyang sinabi. Nakaramdam kami sa una ng pagka-ilang pero mabilis ring nawala iyon. We're bestfriends. Hindi namin kayang tiisin ang isa't-isa. Parehas na naming nasusubaybayan ang pag tatagumpay ni Eury sa bawat pagsumpong ng kanyang sakit.
"Hindi naman halatang inlove ka 'no? Tuluyan ko kayang punitin 'yang labi mo?" Sinubukan niya pang hawakan iyon pero inilayo ko.
"Pahawak." Iniabot niya sa akin ang hawak na paper bag at binukas ang pinto.
Upon entering, natagpuan namin si Eury na nakatingala sa kisama ng kanyang silid. Pinag mamasdan ang kalawakang ginawa ko para sa kanya.
"Eury." I called her. Her attention quickly turned to me and her unmatched smile flashed. It was as if a thousand voltages were approaching my body every time she showed me her smile that could not be replaced by anything.
"Baby!" She raised her hand and slightly slant her head. Mas dumagdag iyon sa pag taba ng aking puso. Kung may salamin lamang rito, makikita ko ang aking sariling repleksyon na namumula na parang kumain ng sili.
"How's my girl?" I asked and went to her front. May espasyo parin sa pagitan namin. Hindi parin kami pwedeng lumapit sa kanya.
"Doing fine---"
"Ehem. May tao dito, ehem." Kunwaring pag ubo ni Nyx. Ang kamao niya rin ay naka tapat sa kanyang bibig.
Lumapit ako sa kanyang harapan.
"Tabi tabi po." Sabi ko habang nakatingin sa baba na parang nag papaalam sa isang nuno.
"Sipain kaya kita paangat?" Binatak niya ang dulo ng aking damit dahilan upang ako'y mahinto sa pang-aasar.
Nakunot naman ang aking kilay at tumingin sa pinaka mamahal kong girlfriend.
"Eury, inaaway niya ako." Sumbong ko sa kanya habang naka-pout at tinuro si Nyx na nasa tabi ko.
"Awayin mo pa,Nyx." Utos naman niya kaya mabilis na nag iba ang aking reaksyon.
"Sure,babe---"
Mabilis kong hinawakan ang kanyang kwelyo at matalim siyang tinignan.
"Gusto mo bang ipukpok ko sa ulo mo 'yong dextrose?" Pag babanta ko pero mukhang walang epekto iyon. Ni wala ako nakitang kahit anong bakas ng takot sa kanyang mukha.
"Driah, inaaway ako." Tumingin siya sa aking likuran kasabay ng pag turo niya sa akin.
"Huwag mo nga siyang awayin,Kielle."
My mouth barely opened after that. Binitawan ko ang hawak kong si Nyx.
"Eury! Bakit ka ganyan?!"
"Why?" Hindi parin nawawala ang kanyang ngiti sa labi.
"Nakaka-inis ka!" Pag mamaktol ko na parang batang nag tatampo sa kanyang magulang.
"I miss you."
Unti-unting sumeryoso ang nakalukot kong mukha.
"What? Come again? Can you say that again loudly?"
![](https://img.wattpad.com/cover/258718910-288-k740550.jpg)
BINABASA MO ANG
Invisible Line ✓
Teen FictionTo those of us who are just normal creatures, it is painful when we find out that the person we love is not feeling well. We see them complaining from pain in their body. Sometimes, we think and say, "sana ako na lang. Sana ako na lang ang nahihirap...