•••••
"Sa bawat araw na lumilipas, isa lamang ang gusto ko. Iyon ay ang manatili siya sa piling ko. Pero minsan, naisip ko. Masyado akong makasarili para hilingin iyon. Masyado kong mas ginagawang komplikado ang sitwasyon namin dahil alam ko naman ang misyon niya rito sa mundo. Iyon ay ang mahalin lamang ako,pero hindi ang manatili sa tabi ko. Sabi nila, kung mahal mo ang isang tao ay lapitan, yakapin tsaka mo sabihin na siya ay mahal mo. Pero ako? Nayakap ko lamang ang bisig niya, sa huling araw niya pa. Lahat tayo ay lilisanin ang mundo. May nauuna lamang, pero walang ni isa ang matitira dito. Sa ating pag-alis ay walang ni isang materyal na bagay ang ating babaunin,dadalhin, o maski bibitbitin. Tanging memorya, alaala at respeto lamang ang pwede nating madala hanggang sa kabilang buhay. Masakit isipin pero iyon ang totoo. Iiwan natin ang mundong unang pinag mulatan ng ating mga mata. At mag hahanda dahil dito rin huling sasara ang talukab ng ating mata hanggang sa madilim at blangko na lamang ang ating makita. Sabi nila, kasabay ng pag tatapos ay ang bagong simula ng yugto. Bagong kabanata ng pagsubok na hahamon sa atin upang masubok ang sarili nating katatagan, na tumayo sa ating mga paa at mag patuloy sa agos ng buhay. Pero sa pagsubok na 'yon? Nag sakripisyo ako kahit na mahal na mahal ko pa ang tao. Ang pag mamahal ay pag sasakripisyo. Pag sasakripisyo sa pagitan niyo para lamang hindi na lumala ito. Para lamang masabi na mahal mo ang isang tao kahit gaano kalayo pa ang pagitan niyo. Ang pag mamahal ay hindi lamang pag sasakripisyo para sayo o para sa kanya. Pag sasakripisyo rin ang pag mamahal para sa tadhanang mayroon kayo. Kaya't marapat lamang na sulitin mo ang bawat araw na nariyan pa siya. Nakikita mo, nakakasama, nahahawakan at natititigan mo. Dahil masyadong maiksi ang buhay at pananatili natin rito sa mundo para magsayang ng segundo o minuto."
-Kielle
•••••

BINABASA MO ANG
Invisible Line ✓
Novela JuvenilTo those of us who are just normal creatures, it is painful when we find out that the person we love is not feeling well. We see them complaining from pain in their body. Sometimes, we think and say, "sana ako na lang. Sana ako na lang ang nahihirap...