Kabanata 38
NAG lalakad ako ngayon sa hindi pamilyar na lugar. All I could do was look around and dare to meet anyone I knew to ask where I was.
Nakarating ako sa harap ng isang simbahan. Dala ng kuryusidad kung bakit ako dito dinala ng mga paa ko ay pumasok ako sa loob at doon natagpuan ang babaeng kahit ilang beses ko pang tignan ay hindi ko pag sasawaan.
"Eury..." I was about to approach her when I was suddenly pushed back because the line between the two of us appeared.
"Kielle..." Humarap siya sa akin. Para naman akong naestatwa sa aking kinatatayuan ng makitang ang luha niya ay kulay pula. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa. Gusto kong punasan iyon pero alam kong imposible. May harang sa amin.
"M-mapapatawad mo...mo ba 'ko?" Tanong niya habang patuloy parin sa pagluha ng dugo.
"Dream high my future Attorney..." Matapos sabihin iyon ay bigla na lamang siyang nag laho. Inilibot ko ang aking paningin pero hindi ko siya makita.
"Eury!" Napabalikwas na lamang ako sa aking kinahihigan.
"Huy, napano ka?" Nilapitan ako ni Nyx at tinulungang tumayo.
Panaginip lang.
Nang makatayo ay mabilis kong ibinaling ang aking tingin sa direksyon ng kanyang kama. Naroon siya at payapang natutulog.
"I dreamed about her..."
"Hmm? Really?" I nodded. Muli kong naalala ang panaginip ko kanina lamang.
Panaginip lang 'yon. Hindi iyon totoo.
Sana...
"Kielle..."
"Eury." I'm about to approach her when the line suddenly appears.
"Eury.."
"That's okay. I can manage." Dahan-dahan siyang bumangon pero bakas ang hirap sa kanyang mukha. Kahit na ilang beses ko na siya nakikita sa ganoong sitwasyon ay hindi parin ako sanay. Siguro'y ganito rin ang mararamdaman ng ibang lalaki kung sila ang nasa sitwasyon ko.
"Kielle?"
"Yes,baby?" I answered. Rinig ko pa ang mahinang pag duwal ni Nyx.
Paepal.
"May pera ka ba diyan?"
Bahagyang nakunot ang aking noo dahil sa kanyang tanong.
"Why?" I asked tsaka kinuha ang wallet sa bulsa. Tinignan ko ang lamang niyon at may nakita akong 150 pesos.
"Meron pa naman." Sagot ko.
"Parang nag-crave ako sa milktea.." sagot niya at umiwas ng tingin.
"Sure. I'll buy you." I smiled. Mabilis namang nabaling ang kanyang atensyon sa akin at sumilay ang walang katumbas na ngiti sa kanyang labi.
"Ako rin,Kielle. Huwag mo masyadong taasan sugar level,ah? Salamat." Pagsali ni Nyx.
Pumihit ako sa kanya at seryoso siyang tinignan. Wala na talaga sa lugar ang kakapalan ng mukha ng isang 'to.
"Bumili ka mag-isa mo." Pag kasabi no'n ay dire-diretso na akong lumabas ng silid. I'll buy milktea only for my baby.
Nang makalabas ng ospital ay mabilis akong pumunta sa milktea shop. Alam ko na ito dahil nadaraanan ko ito sa tuwing papunta rito noong nag-aaral pa ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/258718910-288-k740550.jpg)
BINABASA MO ANG
Invisible Line ✓
Novela JuvenilTo those of us who are just normal creatures, it is painful when we find out that the person we love is not feeling well. We see them complaining from pain in their body. Sometimes, we think and say, "sana ako na lang. Sana ako na lang ang nahihirap...