Invi Line: 37

1 1 0
                                    

Kabanata 37





"KAILANGAN ba talaga kasama kami?" Nyx asked. Naunahan niya ako. Kanina ko pa gustong tanungin iyan kay Margaux.

"Oo,bakit kaba tanong nang tanong?" Pag susungit ni Margaux.

"E,kanina pa kasi tayo lakad nang lakad. Sa'n ba tayo pupunta?!" Pasigaw na tanong ni Nyx.

Bakit ba kasi nasama na naman ako sa dalawang 'to? Dapat ay doon na lang ako kay Eury at binabantayan siya.

"Dapat hindi ka na sumama!" Huminto si Margaux at sinigawan sa mukha si Nyx.

"Baho ah?" Kinusot niya ang kanyang ilong.

"Dapat talaga hindi na kami sumama! Tara,Kielle." Hinili niya ang jacket na suot ko.

"Hoy!"

"Hoy ka rin!" Balik na sigaw ni Kielle kay Margaux. Para akong nasa sabungan at hindi alam kung sino ang papanigan. Sa pula ba o sa puti.

"Puro kayo bangayan. Kayo pa ang mag kakatuluyan niyan." Saad ko. Mabilis nag iba ang kanilang reaksyon. Si Nyx na halos dukutin ang lalamunan at si Margaux na halos lumuwa na ang mata sa sobrang panlalaki ng mga iyon.

"Ikaw,minsan ka nalang bumanat ang sagwa pa!" Komento ni Nyx habang hawak ang kanyang leeg.

"Hindi kayo matahimik,e. Ang iingay ninyo. Para kayong pusa't daga." I said ang passed them.

"Hindi ba aso't pusa 'yon?" Rinig kong bulong ni Nyx.

"Oo nga,may sarili siyang version?" Pag tatanong rin ni Margaux.

"Tara na!" Sigaw ko upang mabilis silang mapunta sa magkabilang gilid ko.

I already know where this way is headed. I've been here several times.

"Tuloy kayo." Anang Head Doctor. Hindi lang siya ang narito ngayon. Nasa kanyang harapan ang babaeng nasa mid-ages at maliit.

Umupo sina Nyx at Margaux, ako naman ay nasa kanilang likuran lamang at nakatayo kahit na may bakanteng upuan naman doon sa tabi ng babae. Ayos na ako rito.

Huminga muna ng malalim si Head tsaka kami tinignan at nagsaad.

"May hindi magandang nangyayari dito." Pinag tiklop niya ang kanyang mga palad.  Sa tono ng kanyang pananalita ay halatang hindi niya gusto ang mga nangayayari.

"Doc?" Nyx asked.

"Misis Agsunta, hear them your side." Head said and look at the girl.

Si Misis Agsunta matalim ang tingin kay Margaux. Kay Margaux lamang siya nakatingin pero makahulugan.

"Siya nga ho 'yung tinutukoy ko. Siya ho ang kausap ko no'n" Anang babae na hindi parin inaalis ang tingin kay Margaux.

"What? Anong atraso ko sayo?" Margaux asked.

"Ikaw ang nag tanong sa akin tungkol sa bill mo at ni Eury." Saad niya. Mabilis nan akong napatingin kay Margaux,maging si Nyx.

"Kanina lang kasi namin napansin, habang inaasikaso namin ang pag discharge sakanya rito sa ospital na walang babayarang bill itong si Miss Margaux. At nang i-check namin ang registered account niya rito sa ospital, walang kahit anong bill charges. " Paliwanag ni Head.

"Pa'no 'yun? Magic?" Nyx asked in confused.

"At napag-alaman namin na minsang binisita ni Miss Margaux si Misis Agsunta upang itanong ang kanyang bill. Pero hindi lang kanya ang tinignan niya. She also asked for Eury's charges." Muling paliwanag ni Head. Kalmado ang kanyang boses pero nakakakilabot. Para siyang galit in easy way.

Invisible Line ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon