Invi Line: 17

4 2 0
                                    

Kabanata 17





SABI nila, ang sikat ng araw sa umaga ay bitamina. That's why hindi pa ako tumatayo at akin pang ninanamnam ang sikat ni ginoong araw.

"Kielle! Tol!" Pero nasira iyon ng bigla na lamang dumamba si Nyx sa tabi ko.

"Ano ba?!" Iritadong tanong ko. Pinutol niya ang pakikipag bonding ko sa sikat ng araw.

"Nakakatakot! So scary!" Niyakap niya pa ako na parang batang nanonood ng horror movie.

"Layuan mo ako,bakit ba?!" Pilit kong binabaklas ang braso niyang nakayakap sa akin.

"Natatakot ako!" Protesta niya.

"Saan? Bakit? Kanino?"

"Kay Driah!" Mas hinigpitan niya pa ang yakap niya sa akin dahilan upang lalo akong mairita.

"Bakit ba?napano ba?"

"Kielle! Pinapatay niya ako! Pinapatay niya ako gamit 'yong mata niya? Damn it, ang talim ng tingin niya sa akin! Kung tignan niya ako ay parang hindi niya ako kilala."

"What?"

"Totoo!" Napailing na lamang ako at bumangon. Natanggal ko na rin ang braso niya sa akin.

"Huy,huy, aano ka? Huwag kang lalabas baka bigla ka nalang niyang tagain!" Hinihila niya akong muli papasok ng silid.

"Bitiwan mo ako." Utos ko.

"Baka mamatay kang wala sa oras!" Pigil niya at muli akong niyakap.

"Nyx ano ba---bakla ka ba?" Pagkatanong ko no'n ay mabilis siyang kumalas.

"Sinong bakla?" Tanong niya at umayos ng tayo. Dumiretso na siya at nag taas noo.

Tss.

Tuluyan na akong lumabas ng silid at hinanap si Eury. Naabutan ko siyang nasa kusina at nag-aayos ng plato.

"Eury." Pag tawag ko sa kanya. Si Nyx naman ay nasa aking likuran.

Pag kakita sa akin ni Eury ay mabilis niyang itinigil ang kanyang ginagawa at bahagyang umatras. Para siyang takot na takot.

"S-sino ka?"

"Kielle. I am Kielle,Eury." Tinangka kong lumapit ngunit muli na naman siyang umatras.

"H-hindi kita kilala."

"Eury, huwag mo naman kaming biruin ng ganito---"

"Hindi kita kilala! Kayo! Hindi ko kayo kilala!" Turo niya kay Nyx na nasa aking likuran.

"Driah, kaibigan mo kami." Sabi ni Nyx. Mag kapantay na kami ngayon at hindi na siya nag tatago sa aking likuran.

"Hindi. Hindi! Wala akong kaibigan!"

"Eury---"

"Hindi ko kayo kilala!" Umupo siya at sinabunutan ang sarili. Nag simula na rin siyang umiyak.

"Hindi ko naman kayo kilala,e. Hindi..." Patuloy ang pag patak ng luha sa kanyang mga mata. Dumukmo na rin siya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya pero parang nag karoon na lamang siya bigla ng amnesia.

"Driah..." Nilapitan siya ni Nyx at niyakap. Nakatingin lamang ako kay Eury na parang hirap na hirap sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko akalain na isang araw gigising siya at hindi niya kami kilala.

Invisible Line ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon