Kabanata 14
"WHAT?!"
"Itatakas natin siya."
"WHAT?!"
"Itatakas natin siya."
"WHAT?!"
"Itatakas natin siya---"
"Seryoso ka diyan?!" Kanina pa siya nag o-over react. Parang hindi siya makapaniwala sa aking sinasabi.
"Oo."
"Paano,sige nga? Ni hindi nga natin alam kung saan siya nakatira."
"Nyx, bago ko sabihin sa iyo ang plano ko, pinag-isipan ko munang maigi. Hindi natin alam kung saan siya nakatira, pero pwede nating alamin." I explained. Kanina pa ako nag papaliwanag sa kanya dahil kanina parin siya tanong ng tanong.
"How?"
"Itatanong natin sa school."
"WHAT---"
"Isang what mo pa, wha-what-whatin na kita." I threatened him and pointed to his mouth. I grabbed my bag and turned my back on him.
Rinig ko ang tawag niya sa akin sa likod pero hindi ko iyon pinapansin. Dire-diretso lamang ako sa pag lalakad dahil baka magsarado na ang dean's office. Hapon na rin kasi at kakaunti na lamang ang nakikita kong estudyante sa paligid.
Nang makarating ay kaagad kong binuksan ang pinto. Naabutan ko si Dean na inaayos ang kanyang papel at inilalagay ito sa loob ng kanyang bag.
"Dean." I called him and sat on the chair in front of his table.
"Kielle. What are you doing here? Bakit hindi ka pa---bakit hindi pa kayo umuuwi?" Nag iba ang direksyon ng kanyang tingin ng bumukas ang pinto. Hindi ako lumingon dahil alam ko namang si Nyx iyon.
"We need something."
"And what is this something?"
"Student address."
"Sorry but, hindi ko pwedeng sabihin that's private." He continued arranging his belongings and I on the other hand and got hot -headed. We are wasting time.
"Dean. Kailangan namin ang address ni Eury. Kailangan niya kami. Kung hindi niyo sasabihin, mapipilitan kaming pakielaman ang mga gamit niyo." I said with authority. Alam kong wala akong karapatan para pag bantaan ang Dean pero sa mga oras na ito, magagawa ko.
"Sorry Kielle. But, hindi talaga pwede---" natigil siya sa kanyang sasabihin ng hampasin ko ng malakas ang kanyang lamesa dahilan upang gumawa ito ng ingay.
"Dean, gahol na kami sa oras. Sabihin niyo na. Kailangan niya kami."
"Hindi pwede---"
"Dean, kung anak na babae niyo po ang nasa panganib ano ang gagawin niyo?" Tanong ni Nyx. Tumingin sa kanya si Dean at matagal bago sumagot.
"I'll save her."
"Ganoon din po kami. We need to save her. Hindi niyo po naiiintindihan ang sitwasyon,Dean. Pero kailangan po talaga naming malaman kung saan siya nakatira at ang saktong address. Alam kong wala kaming karapatan dahil unang-una, exchange student lamang kami rito. Pangalawa, estudyante lamang kami. Pero kailangan kami ng kaibigan namin. Hindi namin kukuhanin ang kanyang address dahil trip lang namin, o gagawing kalokohan. Ayaw ko kayong utusan pero isipin niyo nalang para ito sa isang estudyante ng paaralang ito. Isipin niyo na lamang ang kaligtasan ng isang mag aaral niyo dito." Mahabang pahayag niya. Hindi ako nag sasalita at nanatili lamang ang aking tingin kay Dean.
BINABASA MO ANG
Invisible Line ✓
Teen FictionTo those of us who are just normal creatures, it is painful when we find out that the person we love is not feeling well. We see them complaining from pain in their body. Sometimes, we think and say, "sana ako na lang. Sana ako na lang ang nahihirap...