Invi Line: 47

3 1 0
                                    

Kabanata 47








PATULOY ko lamang nilulunod ang sarili ko sa alak. Tinuloy ko ang pag-inom matapos akong ihatid ni Jiyie rito sa bahay.

Magulo ang isip ko ngayon at hindi alam kung ano ang uunahing isipin.

"Nyx, hayaan mo muna siya---"

"Manahimik ka Ursula! Yari sakin 'tong hayop na 'to." Rinig ko ang sigawan sa labas kaya tumayo ako at sinilip kung sino iyon.

It's Nyx with Margaux.

Mukhang nakuha ko ang atensyon nila dahil tumingin sa akin ni Nyx na malalim ang mga matang tumingin sa akin.

"Pasapak ah."

"Kielle!"

Mabilis akong nilapitan ni Margaux at tinulungang tumayo matapos patamain ni Nyx ang kamao niya sa akin. Halatang puno ng galit ang suntok niyang iyon dahil ramdam ko ang pamamanhid ng aking panga.

"Putangina mo kang duwag na supot ka!" He yelled. Dinuduro niya pa ako at akmang susugod muli ng unahan ko siya at ibalik ang sapak na ginawa niya sa akin.

Nag gantihan kami ng suntok hanggang sa parehas ng magkadugo ang aming mga mukha.

"Ang lakas ng loob mong gantihan ako samantalang si Driah hindi mo maipaglaban,bobo!" Sabi niya dahilan upang dahan-dahan ko siyang tigilan at lumayo sa kanya.

I gasped as I wiped the blood from my lips.

"Ano? Tamang chill ka lang rito habang siya asan? Nag aagaw buhay?" Tumayo siya at nilapitan ako.

"Gago! Hari ka ng mga gago." Sabi niya.

"Hindi niya ako kailangan. Kayo naman talaga---"

Muli niyang pinalipad sa akin ang kamao at masama akong tinignan.

"Ako lang epal dito!" Sigaw niya.

"Kung hindi mo siya kayang panindigan hayaan mong gawin ko ang side ko bilang nauna sayo. Babawiin ko siya sayo---"

"NO!" I shouted. Napuno ako ng galit matapos marinig iyon. Naiisip ko palang na hindi na ako ang magiging dahilan ng pag ngiti ni Eury ay hindi ko na kaya. Gusto ko ako lang. Only me.

"LUL MO!" sigaw niya rin kaya mabilis kong dinampot ang kanyang kwelyo at isinandal siya sa pader.

"She's mine. Only mine." Mariin kong saad.

"Pumunta ka ro'n. Samahan mo siyang lumaban at huwag kang mag pakaduwag gaya ng ginawa mo kay Max." He said.

Pero may huli siyang sinabi dahilan upang matagpuan ko na lamang ang aking sarili na tumatakbo papunta sa ospital.

"Nawalan ka na ng Max noon. Huwag mo na hayaang mawalan ka pa ng Eury ngayon."


---

Tanging tango lang ang nagawa ko ng makasalubong ko si Manong Uge.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating sa palapag kung saan naroon ang sandamakmak na bantay sa pinto.

Papalapit pa lang ay naging alerto na sila at nilapitan ako ng isa.

"Kaano-ano niyo po si Miss Eury?" Tanong ng sa tingin ko ay head nila.

"S-she's my..." Saglit akong natahimik para mag isip ng isasagot.

"Girl..." Patuloy ko at matapang na sinalubong ang matitibay niyang tingin.

Invisible Line ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon