Kabanata 39
"HUY," napalingon ako kay Nyx matapos niyang tampalin ng mahina ang braso ko.
"Matulog ka na. Ako naman mag babantay sa kanya."
"Ayaw ko. Gusto ko pag mulat ng mata niya ako una niyang makikita. Dalawang araw niya na ring hindi namumulat ang mga iyon." Saad ko at muling bumaling kay Eury na mahimbing na natutulog.
Dalawang araw na siyang tulog. Hindi pa siya gumigising mula no'ng nangyari noong nakaraan. I miss her. I miss her smile. Dalawang araw ko na ring hindi nasisilayan ang ngiti niyang walang katumbas.
"Tignan mo nga 'yang eyebags mo,oh," he pointed at my eyes.
"Mukha ka nang pandang nakasinghot ng pinag babawal ba gamot." Komento niya. Napangiwi naman ako dahil doon.
"Kulang lang ako sa tulog pero sakto sa puyat."
"Wow." Bahagya siyang napalayo sa akin.
"Wow na wow. Sobrang wow. Pinaka wow. Super duper ultra mega wow!" Pinagtampal niya ang kanyang kamay.
"Ano,walang tulugan? Bakit ikaw ba si Master Showman?"
Napailing na lamang ako at tinalikuran siya.
"Huwag ka ng maingay." Saad ko. Muli kong pinag masdan ang natutulog na si Eury. Ang lalim ng pag hinga niya kahit natutulog siya. Para bang hirap na hirap.
"Tumawag na ba siya sayo?" He asked.
"Who?"
"Prof." Saglit pa akong hindi nakasagot bago umiling. Naalala ko ang huling nangyari bago pa ito.
"May update na ba sa Mommy mo?"
"W-wala pa.."
"What? Bakit hindi mo sila tawagan?" Tumayo siya at ako'y hinarap. Tuloy ay nakatingala ako sa kanya ngayon dahil naka-upo ako at siya'y nakatayo sa harap ko.
"What should I say? What should I do? What should I react? Nahihiya ako,Nyx. I really don't know how to...tss." tinakpan ko ang aking mukha dahil sa iritang nararamdaman. Naiinis na naman ako sa sarili ko.
"Alam mo? Totoo ang sinabi ni Driah." He pointed at me.
"Bakit mo nga naman tinatanong kung anong gagawin mo? Hindi mo alam? Why you didn't know? 'Cause you didn't aware? C'mon,Kielle. Problema 'to. Dapat ay solusyonan mo. Hindi ka ba makapag desisyon mag-isa?"
Wala akong sinabi. Nanahimik lamang ako dahil may narealize ako sa sinabi niya. Para akong tinamaan sa mga iyon at mas tinanong pa ang sarili kung bakit hindi ko alam ang gagawin.
"Ang buhay natin ay umiikot sa pag dedesisyon. Pag dedesisyon ng tama at mali, ng nararapat at hindi. Kailangan mo lang maging bukas at lawakan ang isip para makapili ka ng tamang gawin." He added. Parang hindi si Nyx ang kausap ko ngayon dahil ang Nyx na kilala ay puro lamang kalokohan. May side rin pala siyang seryoso kaya nakakapanibago.
"Hindi ko alam.." I whispered.
"Tss. Panay ka kasing hindi alam." Sa tono ng boses niya ay para siyang nauubusan na ng pasensya.
"Alam mo. Hindi ka lang sigurado."
Napatingin ako sa kanya ng marinig iyon. He's terribly right. Hindi ko makapag desisyon ng tama dahil hindi ako sigurado.
"Hi." Saad ng doktor na kapapasok lamang. Mabilis siyang lumapit kay Eury na siyang kinakunot ng noo ko.
Mabilis akong tumayo at muli siyang binatak palayo.
BINABASA MO ANG
Invisible Line ✓
Teen FictionTo those of us who are just normal creatures, it is painful when we find out that the person we love is not feeling well. We see them complaining from pain in their body. Sometimes, we think and say, "sana ako na lang. Sana ako na lang ang nahihirap...
