Invi Line: 15

9 2 0
                                    

Kabanata 15





***

KIELLE's Point of View

Kahit hindi ako sanay makipag away ay pilit ko paring nilabanan ang gwardyang ito upang makalayo sina Eury. May katandaan narin siya dahilan upang mabilis siyang mawalan ng lakas.  I was ready to run towards Nyx when suddenly something cold stuck to my neck.

"Don't you dare to run." Anang nakakakilabot na boses. Puno ng pag babanta ang salitang lumabas sa kanya. Dahan-dahan akong lumingon at agad niyang hinampas sa akin ang hawak niyang baril dahilan upang ako ay bumagsak sa sahig.

"Umalis ka na. Ako nang bahala sa kanya." Sabi niya sa gwardya. Sumunod naman ito sa kanya. Tumayo ito at pumasok sa loob habang hawak ang kanyang likuran.

Nang masigurong wala na ang gwardya ay muli niya akong binalingan. Ang nakakatakot na itsura niya kanina ay nawala. Napalitan ito ng walang emosyon niyang mukha.

"Paalisin mo na sila." Utos niya. Kumunot ang noo ko dahil doon.

"Sila." Itinuro niya gamit ang kanyang nguso ang isang direksyon.  I saw Nyx there looking at me. Eury tries to get close to there but Nyx stops her.

Hindi ko alam pero bigla na lamang may lumabas na salita sa aking bibig. Sinunod ko ang kanyang sinabi. Noong una ay natakot ako nang tutukan niya ako ng baril.  But I couldn’t understand myself because I seemed to be pulled by a thorn in the chest and breathing loosely at these times.

"Umalis na kayo,alis na! Ilayo mo na siya." Pansin ko ang mga tingin sa akin ni Nyx. Siguro ay napapansin niya rin ang kakaiba sa akin. Tumango na lamang ako at ganoon rin siya. Hanggang sa makita ko na lamang siya na biglang binuhat si Eury tsaka tumakbo.

"Sorry kung nasaktan kita." Muli akong bumaling sa lalaking nasa harapan ko. He's offering his hands. Walang sabi-sabing inabot ko iyon at ako'y kanyang tinulungan tumayo.

What's happening? Kanina  lang ay sinaktan niya ako at tinutukan ng baril, tsaka inutusang paalisin sila. Ngayon naman ay tinulungan niya ako? Is he insane?

"Are you alright? Napalakas ba ang pag hampas ko sayo ng baril? Pasensya. Pero ginawa ko lamang iyon upang hindi sila makahalata." Paliwanag niya kaya't lalo pa akong naguluhan. His frightening voice was replaced by calm. The fear I was feeling also disappeared and I became reassured.

"Huh?"

"I'm Eurygon. And you are?" He forward his hands.

Kahit naguguluhan ay inabot ko parin iyon at nakipag shake hands.

"Kielle."

"You're friend of my daugther, didn't you?"

"Po?"

"Euryxandriah. My precious one." Saad niya at ngumiti. Tila ba napaka sya niya habang binabanggit ang pangalan ng kanyang anak.

Ngayon ay naiintindihan kona ang lahat. Kung bakit niya ako sinaktan kanina, kung bakit niya ako inutusan na paalisin sina Nyx, kung bakit niya ko tinulungan at kung bakit biglang gumaan ang aking loob sa kanya. He was the father of Eury.

"Tatay ho kayo ni Eury."

"Yes, I am."

"Bakit niyo ginawa iyon? I mean, hindi ko lang maintindihan kung bakit ninyo ako inutusan na paalisin sila, at kung bakit ninyo kami hinayaan na kuhanin si Eury."

Nag lakad siya at pumasok sa loob ng kotse. Inaya niya rin ako kaya ako naman ay sumunod sa kanya.

"Dito tayo mag-usap nang sa gayon ay walang makarinig sa atin." Saad niya habang sinasara ang bintana ng kotse.

Invisible Line ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon