Chapter 196_ Welcome to Japan

591 29 8
                                    


Hello readers. Welcome to book 2. 

Enjoy!


==================

Natawa ng pagak si Enjeru pagkatapos patayin ang tawag. Napailing lang siya.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya sa binalita ni Civ sa kaniya. At least di siya nag-assume. At least tama ang hinala niya. Si Loo lang talaga ang may problema at kailangan nito ng tulong.

Sino naman siya para hindi ito tulungan?

Dapat siyang gumawa ng paraan, pero hindi ibig sabihin ay basta-basta na lang siyang tatalon dito dahil kahit gawin niya yun, hindi pa rin siya nito sasaluin kung patuloy itong matatakot.

Kaya, tatakutin niya ito.

Paano kung tama nga siya na lumayo nga ito para makaiwas at wag ng matakot?

Parang kaya naman nitong makawala sa kaniya. Hindi niya ito papayagan na hanggang don lang yun.

Kailangang may closure. Ganoon.

Isang linggo pa naman. Maghihintay lang siya kung kailan ito babalik. Pero habang naghihintay ay maghahanda siya baka sakaling hindi ito bumalik.

"Gusto mong makipag-matigasan ah. Tingnan natin." Bulong niya sa hangin.


~~~~~


"Good Morning, Japan." Masayang wika ni Enjeru ng makalabas siya sa Airport ng bansa. Sumalubong agad sa kaniya ang maraming modernong struktura ng gusali sa paligid. Ibang-iba talaga sa nakagawian niyang lugar.

Huminga muna siya ng malalim at sinariwa ang paligid. Iyon ang bansa ni Loo. Doon ito nanggaling at ngayon ay sumunod siya. Hindi para tumalon na lang dito kundi para turuan ito ng leksyon.

Limang buwan ang dumaan pero hindi pa rin umuwi si Loo. Inaasahan na niya yun. Baka nga talaga tinakasan na siya nito pero hindi siya papayag.

Hindi siya sigurado kung bibigay ba si Loo pagkatapos ng gagawin niya pero kung ano man ang pasya nito ay ayos lang sa kaniya.

Kung piliin man nitong makasama siya o hindi, tatanggapin niya. Sa ngayon, gusto lang niyang malaman kung ano talaga ang gagawin nito. Kung gaano siya nito kagusto. Kung may gagawin ba talaga ito.

Gusto niyang makita ang lahat ng yun ng personal.

Kaya naghanda siya para sa gagawin. Inayos niya ang backpack na dala. Hindi naman mabigat eh. Tinanggal din niya ang pagkakatali ng mahabang buhok.

Nitong mga nagdaang buwan ay hindi niya pinutol ang buhok katulad ng gusto niya. Gusto niyang maging perpekto ang gagawin niya.

Pumasok siya sa loob at hinanap ang counter doon. Kukuha siya ng ticket papuntang Hokkaido.

Tinungo niya ang isang counter na kunti lang ang taong nakapila at naghintay sandali.

"Good morning, ma'am." Magalang na bati ng babae in Japanese. Naiintindihan niya ito sa totoo lang. Isa sa paghahanda na ginawa niya ay ang matutunan ang Japanese na lenguahe. Kailangang maging perpekto ang paghahanda niya kaya minabuti niyang matuto.

Mula sa accents hanggang sa proper pronounciation ng mga salita. Kumuha talaga siya ng sariling tutor para matuto agad sa maiksing araw lang.

"Good morning, ticket papuntang Hokkaido please. Yung mas maagang flight." Aniya din in Japanese.

Ni hindi man lang nagduda ang steward na hindi siya mula doon. Marahil dahil sa accent niya na perpeketong-perpekto.

Tiningnan nito ang schedule sa computer nito.

"Saang airport niyo po ba gustong bumaba?" Magiliw na sagot nito.

"Alin ba ang pinakamalapit sa Furano?"

"May tatlong airport po. New Chitose, Asahikawa at Obihiro. Ang New Chitose ang may pinakamaagang flight."

"Kung ganoon sa New Chitose na lang ako."

May tinipa ito saglit. "Ngayong two po ng hapon ang flight."

Tiningnan niya ang orasan. Maaga pa naman. Siguro ay maglalakwatsa muna siya sa lugar na yun o matulog sa isang hotel.

"Sige, isang ticket please."

Kinuha nito ang pangalan niya na ibinigay naman agad niya ang passport.

"Half po kayo, ma'am?" tanong nito. Pero agad itong natigilan ng makita ang Nationality niya doon. Saka ito tumingala sa kaniya. Marahil kaya nito nasabi yun dahil sa pangalan niya at sa accent niya. Wala naman siguro sa itsura dahil marami namang haponesa ang mestisa.

"No, pure English ako." nakangiting sagot niya.

"Ang fluent niyo po sa hapones."

"Salamat."

Sapat na sa kaniya yun. Ang ibig sabihin, nagbunga ang pag-aaral niya. Siguradong wala ng maghihinala pa.

"Ito na po mam." Inabot nito sa kaniya ang ticket. "Kailangan niyo pong magdala ng mas makapal na coat." Wika nito. "Hanggang ngayon po kasi ay makapal pa rin ang snow doon."

"Thank you sa tip." Itinago na niya ang ticket at agad na umalis sa airport.

Nagpasya muna siyang maghanap ng makakainan sa lugar na yun. Sinabi niya sa taxi driver na dalhin siya sa isang sikat na restaurant ng lugar na yun na ginawa naman nito.

Pumasok siya sa isang restaurant at naupo sa pandalawahang mesa. Saka naman lumapit sa kaniya ang naka-uniporming waiter at binigyan siya ng menu.

Sinilip niya ang mga menu at napangiti siya. Kahit papaano ay my english translation doon kaya hindi na siya nahirapang magbasa. Hindi kasi ang sulat ng mga ito ang pinagbutihan niya. Kaya niyang magbasa pero hindi lahat. May mga hindi siya maintinidhang character lalo na ang Kanji.

Pagkatapos kumain ay naisipan niyang mag-sight seeing muna. Ang dami rin naman kasing lugar na pwedeng puntahan doon. Sinigurado rin niyang makakapunta siya sa Tokyo Tower.

Nakaakyat na siya sa Eifel Tower at hindi niya palalampasin ang tower na yun. Hinihintay lang niyang dumating ang oras ng flight.


=======================

Next, Chapter 197_ Planado

Updates on 3/31

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon