CHAPTER 25
Author's Note: May nakamiss kaya? Hmmm, pasensya na kung ngayon lang nakaupdate.. Ngayon lang kasi nakabili ng matinong casing eh. :) Madaming nangyari bago nakabili ako nun e. :D basta long story.
*Lourenz's Pov*
Grabe ha! Matapos nilang pagpustahan ang kaibigan ko, etong si Ice may kalandian ng babae at tuwang tuwa pa yatang magkayakap sila. PDA sila masyado! PDA! Hmp.
Huh?! Ako nagseselos? Fyi naman, bakit naman ako magseselos? For Pete's sake, di ako magseselos. Papatay lang ng malanding babae. Chos lang!
Ano naman ngayon kung me kayakap syang babae?! Eh di magsama sila! Sila na! Bahala na sila. Magyakapan sila hanggat gusto nila! WALA AKONG PAKIALAM!!!
Ilang araw ko na ding iniiwasan ang lalaki na yun buhat nung nakita ko yung eksena na yun. Hinding hindi ko sya mapapatawad. Oo na! Nagseselos ako! Napa facepalm nalang ako kasi naman, hindi kami okey tapos nagawa pa nya yun?! Kahit anong paliwanag nya, di ko na talaga sya mapapatawad! Galit na galit na ako sa kanya. Sila ng casanova nyang kaibigan. Naku lang! Kung di lang ako nakapagpigil baka dagdagan ko ang mga ginawa ko sa kanila nung nakaraan.. Baka di lang sipa at suntok ang matanggap nila buhat sa akin. Amasona man sa paningin nila. I don't care! Sinaktan at pinaikot nila ang kaibigan ko, di ko kinatwa yun! Di ako aasa sa karma dahil ako mismo ang magbibigay ng karma sa mga g*gong yun!
*beep*
Tunog galing sa phone ko. Someone texted me. Matingnan nga kung sino..
*click*
FROM: GORGEOUS
Hmm, si Sophie ang nagtext. Bakit kaya? Binasa ko text nya at ganito ang laman ng message nya sa akin.
' Hi danda! May plan ako for your bff. Gusto ko sana i-make over sya.. Wanna join? It's fun! Gusto ko kasing ipakita sa Enzo na yun na mali ang ginawa nya sa bff mo. Basta! Naeeksayt ako sa mga plans ko. hihi. Ü Just give me a beep if you want. I already talked to her about it. Ciao! Ü '
Napaisip ako dun. Mukhang interesting ang text nya. Makakatulong yun para sa mga binabalak ko kina Ice at Enzo! Hmmm, di naman masama ang mga binabalak ko sa kanila! Tuturuan ko lang ng leksyon ang mga mokong yun. Napangiti ako ng to do. Puputulan ko lang ng ahas! HAHA. Joke lang!
" I'm in.. " Yan ang reply ko kay Gorgeous. Naeexcite din ako sa mga plinaplano nya.. As of now, kelangan nga namin si Gorgeous sapagkat madami syang alam. Makakatulong sya sa amin ni Courtney.. lalo na sa kaibigan ko. Alam kong down na down talaga sya ngayon at nasasaktan sya ng sobra. Kawawa naman ang bespren ko.
Kung pwede ko lang iwala ang nararamdaman nyang sakit, ginawa ko na. Kulang ang comfort at yakap ko sa mga nararamdaman nya ngayon. Ikaw ba naman maheartbroken di ba? Tapos first love pa nya yun. Masakit talaga yun sobra..
**
Nang pumasok ako sa kwarto kung nasaan nandun si Courtney, nakita kong nagulat sya. Di nya siguro inaasahan pero nandito na kami. Kahit anong mangyari, kelangan mapapayag ko sya.. Ni hindi nga ako masyadong sumasagot sa mga tanong nya. Nakafocus lang ang isip ko sa mga future na mga mangyayari sa amin.
Alam kong mahirap papayagin si Courtney sa mga ganitong bagay pero sana pumayag sya sa plano ni Gorgeous! Pretty please kahit di ako pretty. Pumayag sana sya!
Habang hinihintay namin ang final decision nya, tinuon ko muna sa ibang bagay ang isip ko. Pumunta ako ng library. Magreresearch para sa project namin at laboratory exercises..
Umupo ako sa pinakadulong upuan para walang istorbo at tago sa mga estudyante.
Siguro mga 25mins. na akong nakaupo dun nang may biglang kumublit sa akin. Istorbo talaga! Nandito na ako sa dulo, may nakakita pa sa akin. Tiningnan ko ang gumawa nun at nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino yun. Akma sanang sisigaw ako pero madali nyang tinakpan ang bibig ko.
BINABASA MO ANG
When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)
Teen FictionHi. I already change the TITLE OF THE STORY. So, baka magtaka ang iba. Title lang po ang napalitan ko. Pero yung laman, di naman. Pasensya na sa mga errors. Pakiunawa nalang po ;) Salamat sa mga naglagay sa RL nila at sa mga votes nyo. Na-appreciate...