CHAPTER 17
*Aaron's Pov*
" Hachooo! " Panay bahing si Xynelle habang umiinom ng mainit na tsokolate. Paano ba naman kasi ilang minuto kaming nakatayo sa ulan kaya eto panay hatsing sya. Antigas kasi ng ulo nya. Haist. Wala na akong nagawa kundi dalhin sya sa boarding house na tinutuluyan ko para magpalit ng damit bago tuluyan syang magkasakit. Kung ihahatid ko pa sya sa kanila baka ako naman ang di makauwi, ayaw ko namang magstay sa kanila. Siraulo ko noh? Tsk. Mahal na mahal na nga nya ako at sya na nga ang dahilan kung bakit ko iniwan si Lourenz, eto pa ang ginagawa ko sa kanya. Sarap batukan tong ulo ko para bumalik sa tamang pag-iisip at katinuan.
" Ang kulit mo kasi. Yan tuloy, binabahing ka na.. Kung umuwi ka na lang sana, di ka mababasa. " Ang sermon ko sa kanya pero kahit papaano nag-aalala naman ako sa kanya. Afterall, she's still my girlfriend.
" Wag mo na naman ako sermonan. Nandito na tayo. " Sabi nya.
" Ewan. Lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon eh. " Umupo ako sa tabi nya. Yayakapin ko ba sya? Haist. Wag na lang.
" Ginawa ko ang lahat para di ka mawala sa akin. Ano pa ba ang kulang para magising ka sa katotohanan? Wala ka ng Lourenz na babalikan! Wala na sya sayo dahil pinakawalan mo sya! It's your fault! You know that, Aaron. You have to realize that. "
Di ko mapigilang mapayuko. " Alam ko yun! Gago kasi ako! Alam kong nahihirapan ka na pero sana maintindihan mo din na para sa atin 'to. Kapag patuloy mo akong mamahalin, masasaktan ka lang at aasa lalo na at alam mo ang totoo. "
Medyo nagulat ako ng bigla syang tumayo, " Nahihibang ka ba? Di mo ba naisip na pareho lang tayo ng sitwasyon, ikaw mahal sya at ako mahal din kita. Pareho tayong nagmamahal na di kayang suklian kung ano ang nararamdaman natin at ng gusto nating pagmamahal dahil di pwede. Dapat isipin mo din yan! Bago ako ang sabihan mo, yang sarili mo muna! "
Tama sya. Pero.. Ewan.. Natahimik na lang ako. Ayaw ko ng makipagtalo. Nakakapagod lang! Kahit ano naman kasi gawin ko, mahirap pa rin at masakit. Tarantadong puso to kasi. Kabwiset! Bakit kelangan marealize ko pa ang lahat nung wala na sya, oh ano ako ngayon? Nganga? Asar talaga!
Sa sobrang inis ko, sinuntok ko ang pader ng kwarto ko na inuukupahan ko. Dumugo ang kamao ko pero wala akong pakialam. Gusto kong ilabas ang sama ng loob ko. Gusto kong suntukin si Ice! Gusto syang saktan pero di ko naman kaya. Mahal sya ni Lourenz at baka magalit lang sya kapag ginawa ko yun ke Ice. Talagang di mahirap sya mahalin dahil Ice have everything she wants. Kaya sya nitong ipagmalaki sa lahat na girlfriend sya nito. Ginagawa nito ang lahat ng di ko kayang gawin sa kanya dati. Opposite of me. Ibang iba sa akin kaya talaga mahal sya ni Lourenz. Masakit talaga. Pero oras na saktan nya si Lourenz ng Ice na yun, di ako magdadalawang isip na bawiin sa kanya si Lourenz.
" Aaron! Ano ka ba! Bat mo ba sinasaktan sarili mo! " Inaawat ako ni Xynelle. Pinigilan kung ano ang susunod kong gagawin. " Tama na! Tama na Aaron! " Humagulgol na naman sya sa pag-iyak. " Kahit anong gawin mo, kahit ipagtabuyan mo ako, mamahalin at mamahalin kita. Di kita iiwan. " Niyakap ko siya. Pipilitin kong makamove on kahit mahirap.
" Salamat Xynelle. Kahit ganito ang ginagawa ko, andyan ka pa rin para sa akin. "
" Because i really love you. "
**
Kinabukasan, araw ng sabado. Napagpasyahan kong pumunta amusement park ng mag-isa. Wala lang, trip ko lang for a change. Nakakastress ang nangyari kahapon eh. Gusto ko muna magliwaliw.
Habang bumibili ng snack, napansin kong katabi ko pala si Enzo pero di nya ako nakita kasi may kausap sa cellphone. Ang barkada ni Ice.
" Haha. Bro, paano ba yan napasagot ko sya! " Nakaramdam ako ng kakaiba. Kinutuban ako ng di maganda.
Di ko na narinig ang ibang pinag-usapan nila ng kausap nya sa telepono dahil naglakad na eto. Gusto ko sana sundan dahil iba eh. Di ko man alam kung ano ang tinutukoy niya, nakaramdam ako ng di maganda. Kaso baka mapansin nya ako kaya di ko na lang ginawa.
Sino o ano kaya tinutukoy nito na napasagot nya? Wala naman kasi akong gaanong alam sa mga barkada nina Ice kahit sikat sila sa Westbridge.
Napailing na lang akong lumakad patungo sa rides.
*Ice's Pov*
" Haha. Bro, paano ba yan napasagot ko sya! " Sabi ni Enzo sa kabilang linya ng tawag. Sabado ngayon at gusto ko sana muna magpahinga pero binulabog ako ng tawag ni Enzo. Ang sarap pa naman ng tulog ko eh. Mabatukan nga 'tong Enzo na 'to pag nagkita kami.
" Enzo, tigilan mo na yan. Di ka ba takot sa karma? Bago pa mangyari sayo yan eh itigil mo na.. " napahilamos ako ng mukha sa pagsabi ko nun.
" Karma? Di yan uso sa akin tol! "
" Tss. Believe me, iba ang tama ng karma! Baka di mo kayanin. " I heard he laugh.
" Whatever bro. Oh sya! Kita na lang tayo sa school days. I have to go. "
" Okey. " I dropped then the call. Ang tigas talaga ng ulo ni Enzo. Di nakikinig sa akin. Pero paano ako? Problema ko din pala si Lourenz. Paano ko sasabihin na di sya magagalit sa akin? Tama, kelangan ko na talagang masabi sa kanya bago mahuli ang lahat. Bago pa nya malaman sa iba. Napasok pa talaga ako sa sitwasyon na to. Hayyy!
Monday, morning.
Paano ba? Paano ko sasabihin? Patulong naman! Nakakatakot pa naman si Lourenz kung magalit. Naku lang. Huhuhu. Bahala na si Yelo! Kaya ko to! Si Ice pa!
Habang naglalakad ako papunta sa room namin, nakita ko si Hilary sa unahan. Ilang araw ko na din pala syang di nakakausap at nakikita. Namiss ko na ang bestfriend ko. Dami ko ng utang sa kanya dahil kay Lourenz.
Hinabol ko sya at tinawag, " Hilary! " nang makalapit na ko sa kanya, hinawakan ko sya sa balikat dahilan para lumingon sya. " Buti naabutan kita! Kamusta ka na? Namiss kita, bhest! "
" Uhm, okey lang ako! Uhm, sige, mauna na ako, madami pa kasi akong gagawin eh. See you around. " Then inalis nya ang kamay ko sa balikat nya at madaling naglakad palayo sa akin.
What's wrong with her? Iniiwasan nya ba ako? She not even dare to stare at me. Phew! Paranoid lang siguro ako at kung ano ano na ang iniisip ko. Hays. Epekto lang to pag-iisip ko sa problema ko to.
I'll just continue walking and go to my room. Umupo sa upuan at hinintay si Sunget. Wala pa namang time eh.
Tama ang desisyon kong sabihin sa kanya ang totoo. Kelangan nyang malaman, magalit man sya o hindi. Basta. Eto na yung time. Di naman nagtagal at dumating na sya.
" Hi bhabe. " Bati ko sa kanya at mabilis na hinila sya paupo sa katabi kong upuan.
" Hey! Teka lang! Dahan dahan naman. Bakit ba? " Nilapag nya ang bag nya sa armdesk ng upuan nya.
" I have something to tell you. Its really important. " Hinawakan ko ang dalawang kamay nya. Ready na ako, handa na akong aminin ang totoo. Magalit man sya sa akin, ayos lang basta nasabi ko na.
" Teka, di ba yan makapag-intay ng mamaya? " Tanong nya.
" Hindi na kasi eh. "
" Ano ba yan at importanteng importante talaga? "
" Kasi, si Enzo --- "
BINABASA MO ANG
When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)
Teen FictionHi. I already change the TITLE OF THE STORY. So, baka magtaka ang iba. Title lang po ang napalitan ko. Pero yung laman, di naman. Pasensya na sa mga errors. Pakiunawa nalang po ;) Salamat sa mga naglagay sa RL nila at sa mga votes nyo. Na-appreciate...