CHAPTER 10
*Ice's Pov*
" Oh ano natahimik ka Ice? " Tanong ulit ni Jude. " Paano na si Hilary? "
" Anong paano? Eh She just my Girl BESTFRIEND na isa din sa mga pinaiyak ni Enzo. " I said and i stared Enzo.
" Anong pinaiyak? Pasalamat pa nga sya dahil pinagbigyan ko pa syang maging kami 'no! " React agad ni Enzo sa sinabi ko.
Bestfriend ko si Hilary turn to be my first love, need ko pa bang e-elaborate kung paano? Kaso nasa state na sya ngayon for some reasons at isa na dun ang paglimot sa ginawa ni Enzo sa kanya. Siraulo kasi si Enzo kahit bestfriend ko na, pinapatos pa nya at pinaiyak. Buti na lang at di ako nagalit kay Enzo dahil dun. Kasalanan din kasi ni Hilary, alam naman nya ang pagkatao ni Enzo, nagkagusto pa sya dito. Kahit sinabihan ko ng wag, sige pa din.. Sinunod nya ang gusto nya kaya ang nangyari nasaktan sya at umalis patungong states. Ewan ko ba kung ano merong 'tong si Enzo at lahat ng mga babae nagkakagusto sa kanya, nagkakandarapa.
" Ulol! " Nasabi ko na lang at tumayo na sa pagkakaupo.
" Oh saan punta mo? Umiiwas ka naman ba? Di mo pa rin maamin sa sarili mo na may gusto ka sa bestfriend mo? " Sabi ni Jude.
Actually, di ko talaga inaamin sa kanila na may gusto ako kay Hilary dahil alam ko namang tutuksuhin lang nila ako. Ewan ko ba kung paano nila nalaman yun samantalang wala naman akong pinagsabihan ng ganun. Siguro nga talagang matalas ang pang-amoy nila.
" Uuwi na! " Sagot ko nung palabas na ako ng pinto. I don't dare to take look back at them, i just waved my hand to say goodbye.
" Kj mo talaga! " Narinig kong sigaw pa ni Jude sa akin.
Bahala kayo dyan! Uuwi na talaga ako. Tsss.
Paano nga ba si Hilary? Hindi ko na ba talaga sya gusto ngayon at si Lourenz na ang gusto ko?
Siguro? Ata? Ewan?
Sa tagal ba namang nawala ni Hilary baka nawala na din siguro ang pagtingin ko sa kanya na matagal kong tinago sa kanya. I don't dare myself to tell her the truth.. I hate rejection.. that's the reason.
Papalapit na ako sa motorbike ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag..
Tiningnan ko kung sino ang tumatawag pero numero lang ang nakalagay.
" Hello? " Tanong ko sa kabilang linya as i answered the call.
" Louiiceeee! I miss you bhaby boy! I'm back! Do you miss me? " Iisang tao lang ang tumatawag sa akin ng buo kong pangalan at tumatawag sa akin ng bhaby boy..
" Hilary? Kaw ba 'to? "
" Yeah Louiice! Finally, i'm back from states.. " Di ko man sya nakikita pero alam kong todo ang ngiti nya. Bigla.. Biglang nakaramdam ako ng di maipaliwanag na damdamin, saya dahil nandito na ulit ang first love ko.. Pangamba dahil di ko alam. Basta yung feeling na di mo ma-explain.. Ganun!
" Kelan ka umuwi? " Tanong ko.
" Hmmm, 15mins. ago.. Di na ako makapag-intay at tinawagan agad kita to inform you na narito na ako. I really miss you bhaby boy.. Nasaan ka ba ngayon? "
" Nasa Westbridge ako.. Bakit? "
" Okey. Just wait me there! I'll be there at 15mins. Gusto ko kitang makita eh.. " Then binaba na nya ang tawag without my answer. Masyado nya talaga akong namiss ahh!
Tapos na ang tawag pero parang lutang pa din ang utak ko.
Nandito na sya.. Ano ba talaga ang dapat kong maramdaman?
BINABASA MO ANG
When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)
Teen FictionHi. I already change the TITLE OF THE STORY. So, baka magtaka ang iba. Title lang po ang napalitan ko. Pero yung laman, di naman. Pasensya na sa mga errors. Pakiunawa nalang po ;) Salamat sa mga naglagay sa RL nila at sa mga votes nyo. Na-appreciate...