chapter 44

2.1K 43 1
                                    

CHAPTER 44

*Ice's Pov*

" Xhyren! " sigaw na tawag ni Aling Milagros dito. Balak nya sanang sundan eto pero pinigilan sya ni Mang Jessie. Nakatayo lang ako dun. Nagdadalawang isip ako kung susundan ko ba si Xhyren? Alam kong nabigla eto sa kanyang nalaman. Ano ba ang tama?

" Mahal, hayaan mo ng mag-usap ang magkapatid. Hindi habang buhay, maiitago natin ang katotohanan sa kanya. "

" Hindi! Tayo ang nagpalaki sa kanya at tinuring natin siyang parang tunay na anak! Hindi ganun kadaling basta na lang sya kunin sa atin! " pagmamatigas ni Aling Milagros.

Kahit nagmamatigas ang nanay nanayan ni Xhyren, sinunod ko ang dinidikta ng puso ko. Sinundan ko si Xhyren at nagpaiwan si Sunget dun. Mabilis akong tumakbo para mahabol sya.

" Shy! " tawag ko pero hindi sya tumigil. " Hintayin mo naman ako. Mag-usap tayong dalawa. Alam ko naguguluhan ka ngayon pero yun ang totoo. Kapatid kita. Kahit baliktarin man natin ang mundo, kapatid pa rin kita. Pakinggan mo naman ang mga sasabihin ko. Pagkatapos nito, ikaw na ang bahalang magdesisyon. Just give me a chance to speak. " dun biglang huminto si Xhyren at humarap sa akin. Napatigil rin ako sa pagtakbo at unti unting mabagal na paglakad ang ginawa ko palapit sa kanya. Ewan ko ba. Abot abot talaga ang kabang nararamdaman ko ngayong alam na nya.

" Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nararamdaman ko ngayon. Galit? Gulat? Nabigla talaga ako! Pero isa lang ang malinaw ngayon, pareho nyo akong niloko! Ikaw! Bakit ka nagpanggap?! Bakit kelangang paglaruan mo ang nararamdaman ko?! " tila sumbat nyang turan sa akin.

" Hindi ako nagpapanggap. Umpisa pa lang, trinato na kita bilang kapatid! Pinadama ko sayo na importante ka sa akin. Oo, aaminin ko hindi ko sinabi agad ang totoo.. Nagawa ko lang naman yun dahil natatakot ako sa magiging reaksyon mo. Tulad ngayon, ganito ang kinatatakutan ko kaya hindi ko agad sinabi. Naghahanap lang ako ng tiyempo na aminin ang totoo sa'yo pero Shy, hindi ako nagpapanggap sa mga pinapakita ko sa'yo. Gusto kong iparamdam sa'yo at ipaalala na ako ang kuya mo.. " lumapit ako sa kanya ng husto at niyakap sya. " Please alalahanin mo na ako ang kapatid mo. Matagal ng nangungulila sa'yo sina Mama at Papa. Sana maalala mo ang nakaraan mo.. "

" Di ko alam. Naguguluhan na talaga ako. " tinulak nya ako kaya bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. " Hindi ko alam ang iisipin. Dapat ba akong matuwa kasi yung mga tanong na sa isip ko at parang may kulang sa akin ay nasagot na.. Bakit ganun? Nasasaktan ako na hindi ko maintindihan. Half of my life, puro lang pala kasinungalingan ang nakapalibot sa akin. Yung mga pinaniwalaan ko ay hindi pala totoo.. " she began to cry. Gusto ko sana syang icomport pero lumalayo lang sya sa akin.

" Shy, sana maintindihan mo na kaya lang nila nagawa yun kasi mahal ka nila at yun ang sa tingin nila ay tama. May amnesia ka nun at hindi mo matandaan ang pangalan mo kaya siguro nagawa nila yun para hindi ka malito. Kahit nagawa nilang magtago ng totoo sa'yo, sila pa rin ang nagpalaki sa'yo. Sila ang nag-aruga sa'yo at tinuring ka nilang parang tunay na anak. Sila ang gumawa ng mga bagay na dapat kami ang gagawa pero hindi dahil nawalay ka sa amin. Shy, alam ko maiintindihan mo rin ang mga nangyayari later on. Hindi ngayon pero alam ko maiintindihan mo.. Basta lagi mong tatandaan, mahal na mahal ka namin nina Mama at matutuwa sila kapag nalaman nilang buhay ka.. I'm looking forward na sana makasama ka naming ngayong pasko. Take your time na mag-isip. Hindi kita minamadali pero sana kung ano ang sinasabi ng puso mo, sundin mo. Wala akong gusto kundi maalala mo kami. Nasa sa'yo pa rin kung ano ang desisyon mo.. " mahaba kong sabi.

" Kuya Ice.. "

" Aalis na kami ni Lourenz, Shy. Wag ka sanang magalit kina Mang Jessie at Aling Milagros kahit nagawa nila ang bagay na yun. Walang patutunguhan kung galit ang palaging paiiralin ng mga tao. " pagkatapos nun tumalikod na ako. Parang naninikip ang dibdib ko. Sa haba ng sinabi ko, hindi ko na alam kung tama pa ang mga yun. Gusto ko na syang iuwi ngayong pasko pero sa nakikita ko parang malabo pa yung mangyari. Nakakainis! Bakit kelangang mangyari ang mga eto? Pati ako naguguluhan na rin sa mga pinaggagawa ko.

Nang nakarating na ako sa kotse ko, andun na si Sunget. Hinihintay na nya pala ako. Pumasok ako at umupo saka sumandal sa ulunan ng upuan. I closed my eyes.

" Magiging okey din ang lahat, Ice. Hayaan mo lang muna syang mag-isip ngayon. " napamulat ako sa sinabi nya at tumingin sa kanya.

" Alam ko, Babe. Alam ko, maaalala rin nya ako, kami ni Mama. " hinawakan nya ang kamay ko at pinisil ko rin naman yun. Laking pasalamat ko na andyan si Sunget. Mahal na mahal ko talaga sya.

" Tara, umuwi na tayo. Alam kong pagod ka na sa mga nangyari sa araw na 'to. " tumango akong ngumiti sa kanya at pinaandar ang makina ng kotse. Madami ngang nangyari ng araw na 'to. Kelangan ko na ngang umuwi at magpahinga. At kahit saglit lang, iwaglit muna ang mga iniisip ko. Sa dami ng mga nangyari sa pitong buwan na nakalipas, kelangan ko munang magpahinga at magrelax.

' Xhyren, bunsong kapatid ko. ' piping sambit ko sa isip ko. Sana worth it lahat yung mga panahong nangulila kami sa kanya. Gusto ko namang sumaya ng husto ang pamilya ko.

**

" Ice, bisperas ng pasko ngayon, aalis ka! Ano ka ba naman! Tuwing ganitong okasyon magkasama tayong lahat tapos aalis ka. " reklamo ni Mama nung nakita nya akong nag-aayos ng gamit.

" Ngayon lang naman 'to, Ma. Saka sa bagong taon, magkasama naman tayo eh. " nang nilagay ko na ang huling gamit na dadalhin ko, sinipper ko na ang bag para sa isang out of town trip namin ng Sungetbhabe ko.

" Louiice Fernandez! I'm warning you. Wag mong ituloy yan! "

" Ma naman! Huwag ka na magalit, Ok? Minsan lang naman 'to eh. Kasama ko si Sunget, monthsary namin ngayon kaya pumayag ka na. Gusto ko kasing i-celebrate yun na kasama sya sa beach kaya sana intindihin nyo na lang. Binata ang anak nyo eh. Hehe. Hayaan mo na lang ako, please Ma? " natatawa kong wika sa kanya.

" Sweetheart, hayaan mo na lang si Ice na makasama ang girlfriend nya. Tutal para naman makapagsolo din tayo di ba? " pilyong sabat ni Papa kay Mama nang pumasok din eto sa kwarto ko. Ngumiti si Papa sa akin kaya napangiti rin ako. Walang duda. Mag-ama nga kami. Tinapik ako ni Papa at isinukbit ang bag ko.

" Hoy! Ikaw kinukonsinte mo talaga yang anak mo! " ani ni Mama na naiinis.

Wala na ngang nagawa si Mama nung lumabas na ako ng bahay. Isang araw lang naman ang hinihingi ko para magrelax at wag isipin ang mga bagay na gumugulo sa akin. Monthsary namin ngayon ni Sunget kaya nais kong maging masaya kami na magkasama.. Six months na kami ngayon kaya gusto kong maging espesyal 'tong araw lalo na at christmas eve. Ayaw nga nya sana eh dahil wala daw kasama ang Mama nya. Problema ba yun? Syempre kasama ni Tita ang parents ko to celebrate christmas kaya hindi makakapagsolo sina Mama at Papa. Haha. Sorry Pa. Matanda na sila para dun eh kaya yun ang ginawa. Hehe. Ang saya di ba?

Sa isang sikat na beach ko sya dinala. Nagpareserve kami dun ng kwarto at nagpahanda ng lunch pagkarating namin dun. Eenjoyin ko talagang kasama ko sya dun sa mala-paradise na lugar na yun.

" Ang ganda naman rito! "

" Syempre, ako ang pumili eh. " inakbyan ko sya saka hinalikan sa buhok. " Pasok na kaya tayo? Ang init na kasi. "

" Mamaya na.. Ang ganda ng view eh. Ang ganda ng dagat! " tss. Hindi ko sya masosolo ng husto kapag ganito. Hay naku naman! Daming excuses ng masungit na 'to talaga oh!

Humiwalay sya sa pagkakaakbay sa akin at tumayo. Tumakbo sya sa tabi ng dagat at nagtampisaw sa tubig. Habang minamasdan ko sya, may biglang tumawag sa cellphone ko. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag, napangiti na lang ako. Hindi ko inaasahang tatawag sya sa akin.

" Hello, napatawag ka? "

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon