chapter 37

2.7K 52 5
                                    

CHAPTER 37

** I named this chapter as 'The Engagement Party' and so far, dito talaga ako kinilig habang tinatype eto. kekeke ~ btw, thank you talaga ke Ms. Jocelyn Jandayan. Lam nyo na! :) Sya ung pinaloadan ako para lang makapag-update ako.. Eeh! Nakakahiya naman pero salamat talaga! Nag-aupdate naman talaga ako basta may load aketch. :) Enjoy reading! Nawa'y kiligin din kayo gaya ng nararamdaman ko. ahehe. Lovelots! Mwah! Mwah! Tsup! Tsup. XD

*Lourenz's Pov*

" Di ako bababa at kahit anong gawin mo, di ako papayag sa mga plano mo! Kung gusto mo, ikaw na lang! Mag-engage ka mag-isa mo! " Cross arms kong sagot sa kanya. Ang kulit nya! Tama bang ikidnap ako para lang pumunta sa engagement party na yan!

" Ang kulit mo naman! Tara na kasi! Ilang oras na tayo dito. Hinihintay na tayo sa loob ni Mama at Papa pati ng mama mo. " Minasdan ko ulit ang lugar kung saan hineld ang party. What the fudgeebar! Parang Manila Hotel ang peg sa laki. Naisip ko, gumastos ng malaki talaga si Ice para dito. Nasabi nya sa akin na sa loob ng isang buwan, inayos nya to ng mag-isa. Hmp. Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Di ko rin alam kung dapat ko bang paniwalaan na kinausap sya ni Rence para layuan ako ni Ice ng isang buwan kapalit ng impormasyon tungkol sa kapatid nya. Makausap nga ang unggoy na yun.. At bat naman nya gagawin yun? Kung talagang ganun nga ang nangyari, talagang walang balak si Ice na iwan ako? Hmp. Ewan.

" Ayaw ko nga, di ba? Ayaw! Ayaw! AYAW KO! OKEY! " hmp! Why so he makulit ba! Eh ayaw ko nga e. Asar!  Bata pa po ako para sa engagement na yan o kasal man yan! Kahit may nangyari na sa amin, di pa rin ako makikipag-engage sa Ice na 'to! Naiinis pa rin ako sa kanya!

" Ayaw mo talaga? " Ulit nya. Di ba sya makaintinding ayaw kong pumasok.

" Ayaw nga e. " Tumingin ako sa kabilang side. Madami ng tao dun. Hinuha ko mga business partner ni Mama yun at pamilya ni Ice pero sobra naman atang dami. Bigatin pa. Naku ha! Mukhang may nililihim 'tong Ice sa akin. Ay! Ayaw ko talagang pumasok dahil makikilala ko na ang parents nya. Eh nakakahiya!

" Okey. Ikaw din! " Nagtaka naman ako nang pumasok sya sa kotse. Iuuwi na ba nya ako? Good! Mabuti naman di na sya mangulit. Masunurin din pala 'tong yelo na 'to eh.

Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na nangyari. Niyakap nya ako at hinalikan. Kinilabutan ako bigla. Pumasok kasi sa isip ko ang nangyari sa amin sa kotse nung nakaraang buwan. Habang tinutulak ko sya, padiin naman ng padiin ang halik nya. Oh my gelly! Ayaw ko ng mangyari ulit yun! Bat ba may pagka ano tong si Ice.

Di na ako makahinga pero sige pa din sya sa paghalik sa akin. Susmaryosep! Napapikit na lang ako ng dahan dahang bumaba ang halik nya sa leeg ko. Shit! Eto na naman.. Bago pa ako mawala sa katinuan, inipon ko lahat ng lakas ko at tinulak sya. Shocks! Nanginginig ako.

" Ano ba! " Angil ko.

" Ano? Kung ayaw mong pumasok sa loob, eh di dito na lang tayo sa kotse. Itutuloy ko ang ginagawa ko kahit pigilan mo pa ako! " Patay kang bata ka Lourenz!

" Tarantan --- "

" Mamili ka Sunget, papasok ka o dito tayo gagawa ng baby! " He grinned. Anak ng tokwa naman! Blackmail 'to at talagang seryoso sya! Ayaw ko naman makulong dito na kasama si Ice nuh! I have no choice! Kinagat ko ang kamay nya na nakahawak sa akin saka madaling lumabas sa kotse nya. Kaso hinabol nya ako. Niyakap nya ako mula sa likod at binuhat. Pinagsusuntok ko sya pero sadyang makulit, ayaw akong bitawan.

" Sadista ka talaga! Tama bang mangagat ka! Kaw kaya kagatin ko! Hmp. "

" Hayaan mo na kasi ako! Gusto ko ng umuwi, pagabi na oh! Ice, please. Let me go! Ayaw ko talaga! "

" No! " Lagot na! Paano na 'to?! Wala na ba talaga akong kawala sa kanya?! " Pinapili kita pero wala kang pinili. Kelangan mong pumili! Sa ayaw at gusto mo, kelangan mong mamili. Bakit? Bhabe, di mo na ba ako mahal? Kaya ayaw mong ma-engage sa akin.. Mahal na mahal kita.. " Nanayo ata mga balahibo ko sa batok sa sinabi nya at sa hininga nya. Whew!

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon