chapter 6

4.9K 100 6
                                    

CHAPTER O6

 *Ice's Pov*

" Masakit noh? " Tanong ko sa kanya nung nakakalayo na kami kina Aaron. Tumingin sya sa akin habang nakaakbay ako sa kanya.

" Hindi masakit kundi mabigat ang kamay mo! " Nairita nyang sagot sa akin at inirapan ako. Sungit talaga! Di ko alam kung saan ba eto pinaglihi..

" HAHAHAHA! "

" Anong nakakatawa sa sinabi ko ha? " Tanong nya.

Balak nya sa sanang umalis sa pagkakaakbay ko pero mas hinigpitan ko ang pagkakakbay ko sa kanya sa pamamagitan ng paghawak ng balikat nya.

" Galit ka na agad? Hehe. Ang tinutukoy ko yung nakita mo kanina kung masakit. " I said and i smiled at her but umiwas lang sya ng tingin sa akin.

Sumeryoso ang mukha nya, nakita ko kahit nakaside view sya sa akin. " Okey lang kahit wag mo sagutin. " Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. " Meryenda na lang tayo. " Sabi ko ulit.

" Busog ako.. Kaw na lang. " Tugon niya sa akin.

I feel comfortable sa ayos namin. Madami ngang napatingin sa amin dahil sa nakikita nila.

" Oh my God! Look oh! Ice with nerdy girl. " Narinig kong sabi ng isang babae. Obviously, talagang maririnig mo dahil malakas ang pagkakasabi nya.

Sinadya malamang!

" Gosh! Tingnan mo yung NERD! Enjoy na enjoy at feel na feel na inaakbayan sya ni Ice! Ohh Emm Gee lang! "

Kairita talaga mga ibang students dito sa Westbridge! Ang O-OA! Akala mo napaka-big deal ng ginagawa namin.

"  Maaari mo na akong bitawan dahil wala na naman tayo sa harap nina Aaron.. Tingnan mo nga, pinagtitinginan tayo dahil sa pag-aakbay mo sa akin. "

" Dont mind them! Sa gusto kong akbayan ka eh.. Me magagawa ba sila? Wala di ba? "

Humarap siya sa akin.. 

" Di porke pinagbigyan ko ang drama mo kina Aaron, eh okey na tayo! Madami ka pang atraso sa akin.. You kissed --- "

She stopped talking when i kissed her.. AGAIN without permission and this time sa harap pa ng madaming tao.

Sorry, i can't help eh! Tila may kung ano sa labi nya na natutukso akong halikan sya ulit.

" OH MY GOSH! ICE KISSED HER! SILA NA BA! SHEEET NAMAN OH! HUHU! "

Madami pa akong narinig bukod dun.. Pero isang bagay ang nagpasindak sa akin ng di inaasahan.

" BASTOS! " She slapped me. Pakiramdam ko.. nagmarka talaga ang kamay nya sa mukha ko.

Kung nabigla ang mga naroon dahil magkasama kami, mas nabigla sila nung sinampal nya ako lalo ako mismo.

" S-Sorry.. Nabigla ako. " I tried to explain.. i tried to hold her hands pero tinabig lang nya.

" You stole my first kiss and you do it again in the second time! I hate you! " She gritted. Kung nakakamatay ang tingin, kanina pa siguro ako namatay at nakahandusay sa semento.

Pagkasabi nya nun, tumakbo na sya paalis. Shit! Mas lalo lang talaga syang maiinis sa akin.. Kahit ako nabigla sa ginawa ko eh. Malabo na talagang maging okey kami! Pangalan nga di ko makuha, ngayon pa kayang ninakawan ko ulit sya ng halik. Nak ng ano naman oh!

Shrugged.

Umalis na rin ako dun.

 *Lourenz's Pov*

Papunta na ako sa kotse ko at hawak hawak ko pa din ang labi ko na hinalikan ni Ice. Nakaramdam ako ng kung ano nung hinalikan nya ako.

Parang..

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon