chapter 35

2.6K 53 2
                                    

CHAPTER 35


*Lourenz's Pov*



" Gising ka na pala.. "


" Ice! "

Lumapit sya sa akin. Umupo naman ako sa pagkakahiga ko sa kama. " Buti, okey ka na. Nag-alala talaga ako sayo. Akala ko kung napano ka na e.. Overfatigue ka daw at kelangan mong magpahinga ng ilang araw para mabawi mo ulit ang lakas mo.. " Kinuha nya ang kamay ko pero agad kong binawi yun.


" Ang kapal din ng mukha mo para magpakita pa sa akin! " Nanggigil ako ng mga oras na yun. Gusto ko syang sampalin. Isumbat lahat lahat ng mga ginawa nya sa akin.


" Bhabe.. " He try to hold again my hand but i refused it.


" Wag mo nga akong tawaging BHABE! Ang kapal ng mukha mo, Ice! Ang kapal kapal! " Minasamaan ko sya ng tingin.


" Please, magpapaliwanag ako! Kelangan ko -- "


*PAAAAK*

Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya pero di man lang sya nagulat. Mukhang alam nyang gagawin ko yun sa kanya. Dapat lang! Matapos ng ginawa nya! May lakas loob pa syang magpakita sa akin. Anong inaasahan nyang matatanggap galing sa akin?

" ANO?! Ano na namang kasinungalingan ang sasabihin mo sa akin? Ano na namang dahilan ang idadahilan mo? Ice, nagmukha akong tanga sa loob ng isang buwan! Pinaghintay mo ako sa wala! Sinaktan mo ako! "


" Please pakinggan mo muna ang paliwanag ko. Saka ka na magalit pag nalaman mo ang nangyari.. Sunget naman! Di ko ginusto ang nangyari! I was.. urgh! Naipit ako sa sitwasyon. I have no choice! Sa maniwala ka at sa hindi, yung gabi na yun. Yun ang gabing pinakamasayang nangyari in my entire life! "


" Choice? Ofcourse, you have a choice! We have choices! Kaya wag kang magdadahilan! Isang text lang sana. Kahit yun na lang ang ginawa mo para di ako mag-isip ng masama.. Pagkatapos ng nangyari sa atin, di ka nagpakita. Ano ang gusto mong isipin ko? Bakit mo ba ako sinasaktan ng ganito, Ice!! Bakit?! Sa tingin mo ba maniniwala ako sayo ngayon? No! Sinaktan mo ako ng todo! Ang dami mo ng kasalanan sa akin! Sobrang dami at wala kang ibang ginagawa kundi dagdagan lang eto! " Pilit nya akong hinahawakan pero nagpupumiksi lang ako.


" Babe please! Di mo kasi ako naiintindihan e. Alam ko namang kahit anong sabihin ko, sarado ang isip mo. Kung alam mo lang sana ang totoo.. Kilala mo ako! Seryoso ako sayo! Mahal kita. Di ko magagawa ang mga iniisip mo! Kaya please, makinig ka naman sa akin! "


" Yun na nga e. Akala ko, kilala na kita. Pero mali ako, hindi pala. Pinaglaruan mo lang ako. Di pala kita kilala. " Humiga ako sa kama at tumalikod sa kanya. " Umalis ka na.. Ayaw kitang makita! "


" Pero.. "


" Leave me alone! " Sigaw ko. Ang kulit! Ayaw pang umalis e.


" Okey. If that's what you want! Pero eto ang tatandaan mo, di ako titigil hanggat di mo ko napapatawad! Remember, YOU'RE MINE! Kahit anong gawin mo, sa akin ka lang! " Pagkatapos nun, nakarinig ako ng pagsara ng pinto. Dun, tumulo ang luhang kanina pa gustong umalpas. Kung para saan yun, di ko alam. Naisip ko, pag-iyak na lang ang tanging paraan para kahit papano mabawasan ang sakit na nandito sa puso ko.

Di ko na alam kung papaniwalaan ko ba sya matapos ng nangyari? Natatakot na kong masaktan! Natatakot na talaga akong umasa!

Napapikit ako ng mariin.


" Parte yan ng love. Kaya wag kang masyadong negative. Nakita ko sya, umiyak pagkalabas ng clinic. Mahal ka talaga nya. Alam mo bang bihira ka lang makakita ng lalaking umiiyak sa harap mo? Minsan kasi patago nilang ginagawa yun para di nila ipakita sa mga tao na mahina din sila gaya nating mga babae. " Lumingon ako sa nagsalita. Isang babae ang nakatayo sa gilid ng kama.


When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon