chapter 2

7K 127 11
                                    

CHAPTER 02

 

 

*Lourenz's Pov*

 

" Oh kamusta ang unang araw ng pasok beshy? " Tanong ko kay Courtney nung magkita kami ng hapon sa parking lot ng Westbridge.

" Walang nagbago.. " Sagot naman nya.

Nilapitan ko sya kung saan nakasandal sya sa kotse nya. " So, ibig sabihin ng sinabi mo pinagdidiskitahan ka na naman nila? "

Tumango lang sya tapos nagsalita. " Sana Culinary na lang din kinuha ko Lou para hindi tayo nagkahiwalay. Ako lang kasi mag-isa doon kanina eh. "

" Ano ka ba naman? Di ba dream mo ang mag-tour sa iba't ibang lugar kaya nga Tourism ang kinuha mo hindi ba? At saka hindi lahat ng oras kasama mo ako kaya dapat matutunan mong tumayo mag-isa at hindi ako laging nandyan para samahan ka o ipagtanggol sa mga nang-aapi sa atin.. " ang sabi ko naman.


Etong si Courtney talaga! Walang tiwala sa sarili.. Tsk!

" Di daw kasi ako bagay dun lalo na at nerd ako kaya parang naaalangan ako.. "

" Sabi ko na nga eh! Wag mo nga pakinggan mga sinasabi nila.. Maniwala ka doon! Bakit sila ba nagbabayad ng pangtuition mo? Di naman di ba? At saka maganda ka.. maganda tayo hindi dahil sa panlabas nating anyo kundi dahil sa magandang kalooban natin. Lagi mo tatandaan yan! Walang nilikha si God na panget! Lahat ng ginawa nya, magaganda! Okey? Be confident! Be yourself! Be who you are! "

" Salamat Lou ha? Bestfriend talaga kita? Salamat sa mga sinabi mo.. " Sabi nya tapos niyakap ako then i hugged her back.

" Eh kaw? Kamusta naman unang araw mo? " Tanong nya nung naghiwalay kami sa pagkakayakap.

" Sa akin? Wag mo na alamin Courtney. "

" Hala? Andaya mo naman! Hmp. Ako sinabi ko nga eh tapos sayo hindi.. "

" Hayyy.. Oh sya.. sasabihin ko na.. " Kahit ayaw ko talagang ikwento pa dahil nabwebwesit lang ako.

*FLASHBACK*

Dahil unang araw ng klase, di ako nagpa-late.

 

Nang pumasok ako sa kwarto namin kukonti pa lang ang mga estudyante kaya hindi nila ako napansin. Umupo ako sa pinakadulo ng row ng upuan at inopen ang cp ko habang nag-iintay ng professor.

 

Sayang at ibang course kasi kinuha ni Courtney kaya di kami magkasama ngayon.  Baka binubully na naman yun. Wala pa naman ako. Hayyy!

 Nasa ganun akong pag-iisip nang umpisa ng pumasok ang mga ilang students.

Hanggang..

" Oh! Sheeet! Ang gwapo nya! "

" Ano kaya ginagawa nya dito?

 

" Shunga! Malamang dito papasok? "

" Eh hindi ba Tourism yan? Baka naman naligaw! "

" Gaga! Ang laking tao maliligaw dito sa Westbridge! Pero ang gwapo nya talaga! Baka naman nag-shift ng course.. " sagot naman ng isang babaeng narinig ko.

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon