chapter 15.3

3.4K 73 7
                                    


CHAPTER 15.2

*Hilary's First POV*


Andito na ako sa Pinas. Andito na ako sa lugar kung saan ang mahal ko.


When i'm in abroad, i realized one thing na sana hindi na lang ako umalis. Maling mali na umalis ako para makalimot kay Enzo. Err.. That CASANOVA! Alam ko namang casanova sya nung una pa lang eh pero minahal ko pa din sya. Well, i'm stupid right? At kahit magkaibigan kami, walang exception pati ako pinaglaruan nya. Ang sakit dito oh? Ang sakit sakit lang! At sana dumating ang karma ng hambog na yun!

Pero nakamove on na ako, bitter pa nga lang! Oo, nakamove on na talaga ako sa siraulo na yun. At kaya ako bumalik dahil sa isang tao, sa isang taong laging nandyan na iniwan ko dahil kay Enzo. Si Louiice -- si baby boy ko. Ang bestfriend ko.. Ang tunay kong mahal! Tama ang nababasa nyo.. Tunay kong mahal! Kung kelan andun na ako sa states, dun ko pa narealize na talagang si Louiice ang mahal ko. Kelan at kung paano ay di ko alam. Basta nagising na lang ako isang araw na narealize ko na mahal ko sya. Sya pala ang mahal ko. Na di ko kayang malayo sa kanya. Na gusto ko na lagi syang nakakasama at nakikita.

Kaya nang nakauwi na ako, laking tuwa ko dahil makakasama ko na ulit ang baby boy ko.. Sya nga unang tinawagan ko at gustong makita nung pagkalapag ng eroplano. Pero weird, nang makita ko sya, pakiramdam ko hindi sya masaya.. Parang nag-iba na sya. Ang tagal ko bang nawala kaya nag-iba ang nararamdaman ko sa mga kinikilos nya? Siguro? Yata? Di ko alam.. O baka paranoid lang ako?

Balak ko na nga sanang aminin ang totoo kong nararamdaman sa kanya kaya lang.. May isang tao na nagpapadalawang isip sa akin.. Si Lourenz. May nararamdaman akong di maganda sa twing nakikita ko sila ni Louiice na magkasama.. Parang gusto nya si Lourenz. Lalo na nung pinili nyang samahan eto pauwi kesa sa akin. I know bestfriend lang ang turingan namin at di kami magsyota pero di naman sya ganyan dati eh. Pag ako ang nagyaya pauwi kahit me kasama sya, iiwanan nya yun para sa akin pero kanina, hindi.. Sana mali ang kutob ko.. Ayaw kong masaktan muli.. Ayaw kong may ibang babaeng mahalaga sa kanya maliban sa akin. Ayaw ko. Di ko kaya.

*Lourenz's Pov*

Sumilay ang ngiti na lagi kong nakikita kay Ice. Ngiting aso. Biro lang! Ngiting matutunaw ka. Nakakatunaw eh! Ngiting magpapalambot ng tuhod mo samahan pa ng titig na akala mo hinuhubaran ka..

" Talaga? " He grinned. Hindi sya makapaniwala sa sinabi ko.

" H-Ha? Anong talaga? May sinabi ba ako? Wala naman di ba? " Pahamak talaga. Huhu. Sige deny ka muna Lourenz! Konting pakipot pa. Galingan mo umarte.


" May sinabi ka eh! Sabi mo, mahal mo din ako. Narinig ko! Di mo pwede bawiin yun. " Ngumisi sya ng todo. Narinig pala e. Papaulitin pa nya.

May magagawa pa ba ako? " Oo na! Oo na! Narinig mo pala e. Tss. " I said and looked away.


" Anong oo na? " He smirked again.

Err! Nakakairita pag ngumiti si Yelo ng ganito eh. Sarap kutusan! Grr.


" O-Oo na.. "


" Na? "


" Na.. na ano.. na ano nga.. " tss. Ang hirap. Nanlalamig ako. Susmaryosep naman! Ganito pala kahirap umamin. Daig mo pa ang iniimbestigahan sa presinto.


" Ano nga? "


" Na MAHAL DIN KITA! "Sigaw ko sa kanya.


" Sungit talaga! Tama bang sigawan ako di naman ako bingi? Tss. "


When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon