CHAPTER 15.5
*Lourenz's Pov*
(Nga pala! Baka mapagkamalan nyo pa rin name ni Lourenz na boy ha? It's pronounces as *Lu.renz* not Lowrence na *Lawrence* na panlalaki. Panggirl version to.Lol.)
" I-Ice! Ano b-ba! " Tinulak ko ulit si Ice. Napatigil sya dahil dun at inaayos ang pagkabutones ng blusa ko. Nagtaka rin ako sa ginawa nya. Di dahil nabitin ako noh! LOL.
" Kahit di ko na kayang magpigil kapag kaharap ka o kasama kita. Kaya ko pa ring magpaka-Gentleman at mahal kita. Ayaw kong magtake advantage at gumawa ng bagay na ikakagalit mo. I respect you as my girlfriend. Sorry Bhabe.. Mali ako, di na mauulit. Kalimutan mo na lang na ginawa ko 'to. Sana wag ka magalit. Nadala lang kasi ako ng emosyon ko. Sana din wag mo isiping binabastos kita. Sorry! " Seryoso nyang sabi sa akin na titig na titig pagkatapos nun ay umayos sya ng pagkakaupo at nang butones nya. Tahimik syang nagmaneho muli.
Ako, tahimik rin. Tumuwid ako ng pagkakaupo at tumingin sa labas ng bintana. Huminga ako ng malalim. Hay! Nakakagulat yung ginawa nya. Siguro kung tinuloy nya talaga yun, hmp! Di ko na alam ang mangyayari. Baka nagawa nga namin yun.
Muntik na talaga. Muntik ng may mangyaring di dapat sa aming dalawa. Nakuu!
Sa buong biyahe, tahimik lang. Walang kumikibo sa aming dalawa. Nakakapanibago kapag tahimik si Ice. Sanay akong nagsasalita sya palagi. Daldal ng kung anu ano. Gusto kong magalit sa kanya dahil sa ginawa nya pero deep inside, humanga pa rin ako sa kanya. Kasi di nya pinairal ang tawag ng laman. Ansabe? Ano daw? Basta, kinontrol nya pa rin ang kanyang sarili sa kabila ng lahat.
Lumipas ang ilang sandali, tumigil ang kotse nya sa isang malaking bahay. Actually, mansion sya. Napakagandang mansion. Fully furnished at may magandang hardin din. Kanino kaya bahay 'to? Bakit kami narito? Lumingon ako sa kanya, nakababa na sya ng kotse. Bababa na rin sana ako nang binuksan nya ang pinto ng kotse at inalalayan ako pababa.
" S-Salamat.. " ani ko. Nakakailang.
" My pleasure, Bhabe. " Ngumiti sya.. ngiting lagi kong nakikita sa kanya. Bumalik na ang Ice na palagi kong kasama. Yung palaging kumukulit sa akin.
Lumapit kami sa gate at nagdoorbell sya.
" Kaninong bahay to? " Di na ako nakapagpigil na magtanong sa kanya. Curious e.
Bago sya nakasagot ay may bumukas na ng pinto. Pumasok na kami saka sya sumagot sa tanong ko.
" Bahay namin.. "
Napa- " Oh! " na lang ako. Wala akong ma-say eh. Sa sobrang ganda ng bahay nila, wala akong masabi. Doble ang laki sa bahay namin. Sa hinuha ko, sobrang yaman nila. As in sobra at nakumpira ko yun nung nakapasok na kami mismo sa loob. Andaming antique na gamit at puro ginto. Andaming paintings ng mga sikat na pintor. Whew! Nakakatakot kapag nadaplisan mo baka mabasag o masira.
" Welcome sa bahay namin. Feel at home. Wala sina mama ngayon eh, nasa business trip sila ni Papa. Balak pa naman sana kitang ipakilala pero di bale may next time naman eh. " Ipakilala? Agad? Naks naman! Ganito na ba talaga sya kaseryoso? Oh sige, sya na! Siya na talaga! Siya na ang laging nagpapakilig sa akin. Sya na ang laging gumagawa ng bagay na ni minsan di ginawa ni Aaron sa akin. Geez. Bakit ko pa ba iniisip yun? Shemay talaga eh!
" Saglit lang ha? Ikukuha kita ng maiinom.. Baka nauuhaw ka na. " Binitawan na nya ako at tumungo na sya sa.. kusina siguro. Malamang, kukuha daw ng maiinow di ba?
" Ice, wag na -- " Nawala na sya. Di na nya narinig ang sinabi ko.
Inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng mansion. Ang gara talaga. Nakakalungkot siguro magstay dito kung kakaunti lang kayo sa bahay na to sa sobrang laki ng bahay nila. Five floors pa sya. Nakuu lang! Di ko alam na ganito pala sila kayaman. Grabe! Nakakalula!
BINABASA MO ANG
When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)
Teen FictionHi. I already change the TITLE OF THE STORY. So, baka magtaka ang iba. Title lang po ang napalitan ko. Pero yung laman, di naman. Pasensya na sa mga errors. Pakiunawa nalang po ;) Salamat sa mga naglagay sa RL nila at sa mga votes nyo. Na-appreciate...