chapter 11

3.3K 72 2
                                    

CHAPTER 11

*Ice's Pov*

Ang hirap naman ng ganito.

Gusto kong kausapin 'tong katabi ko pero hindi pwede. Eh kasi naman di ba sabi ko, hindi ko na sya kukulitin..

Kanina ko pa sya minamasdan at tutok na tutok sya sa pakikinig sa prof. namin.

Mukhang gusto na talaga kita Miss Sungit.. Mukha lang naman. Ehh.. Si Hilary ang mahal ko.. Iba ang mahal sa gusto di ba? Di ba? Di ba? Sabi ng isip ko tapos bigla na lang sya lumingon.

Kaya nagkatinginan kami saglit pero agad din kami nagbawi ng tingin. Sabay din kaming nabigla nung tinawag kami ng prof. namin.

" Padilla.. Fernandez. "

So, Padilla pala apelyido nya? Kaano ano nya si Kylie at ni Daniel Padilla? O ni Robin? Pinsan nya ba yun? O Tito? Kung anu-ano na pumapasok sa isip ko. Haha!

" Two of you, two of you will be the partner in our laboratory activities for the whole semester. No exchange of partners okey? " sabi ng prof. namin.

Di ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis sa sinabi nito. Kung kelan umiiwas ako sa masungit na ito saka naman kami pinaglalapit. Di ko alam kung ano dapat kong maging reaksyon..

" Later ang unang laboratory activity natin so prepare na kayong mga magkapareha.. " anunsyo ulit nito sa amin.

*Aaron's Pov*

Padaan kami ni Xynelle sa laboratory room ng mga cullinary arts students ng makita ko sina Ice at Lourenz, tila may ginagawa silang cake. Sila ba ang magpair?

" Aaron? "

Nauntag ako ng tinawag ako ni Xynelle, hindi ko pala napansing napatigil ako sa paglalakad kaya binalikan nya ako.

" S-Sorry.. Tara! " pero bago kami maglakad lumingon sya sa kung saan ako nakatingin kanina. Alam na nya kung bakit ako napatigil sa paglakad. Di sya kumibo o nagsalita man lang, hinawakan lang nya ako sa balikat at ngumiti sya. " Okey lang yan.. Nandito naman ako eh.. " napilitan akong ngumiti dahil dun. Kelangan ko na talagang ibaling ang pagtingin ko kay Xynelle ng tuluyan dahil ako lang masasaktan pag patuloy pa akong umasang mahal pa ako ni Lourenz. Talagang karma ko na to sa ginawa ko dati sa kanya..

*Lourenz's Pov*

Nasa room na kami kung saan gagawin ang activity ngayong araw. Ayon sa prof. namin, gagawa daw kami ng simpleng cake lang. Magkatabi lang kami ni Ice habang nagdidiscuss si Maam sa amin, ni wala kaming kibuan kahit nung mag-umpisa na ang activity namin. Paano kami magkikibuan eh di ba nga nag-iiwasan na kami? Bahala na.. Gagawin ko kung ano gusto ko sa cake ko.

Pero sabay pa kaming napahawak sa supot ng harina nung kunin ko yun. Nuh ba yan! Napatingin tuloy ako sa kanya na nakatingin din pala sya sa akin. Napabitiw ako sa supot at iniba ko ng tingin ang mga mata ko. Doon natapat ang paningin ko sa bintana ng room at nahuli kong dumaan sina Aaron at Xynelle. Nakalingkis ang mga braso ng babae kay Aaron. Sweet ah!

Binaling ko muli ang tingin ko sa ibang direksyon.

Ang hirap naman dito! Nakakastiff neck! Nakita kong nag-umpisa ng magmasa ang katabi ko ng harina. Hmp! Talagang sinosolo nya ang paggawa ng cake ah!

" Ms. Padilla, anong ginagawa mo at nakatayo ka lang dyan? Pair activity etong ginagawa natin pero heto ka at nakatayo lang.. Bat hindi mo tulungan si Fernandez? Dagdag points din ang teamwork! " hindi ko napansing nakalapit na pala ang guro namin. Sinita nya ako dahil nakita lang nya akong nakatayo sa gilid ni Ice. 

Tumalikod pagkatapos nun ang prof. namin at pumunta naman sa ibang pair para mag-inspection. Nakakailang naman kasing ako ang unang kumausap o magsalita sa kanya lalo na at sya na ang may sabing iiwasan na nya ako tulad nang gusto ko.. Anong gagawin ko? Baka masita na naman ako?

" Pakikuha naman yung itlog dun sa lagayan. Salamat. " bigla nyang sabi sa akin. Ni hindi sya tumingin ng sinabi nya yun.

" Sige.. " pagkasabi ko nun ay kinuha ko ang itlog at inabot sa kanya. Tahimik lang nya etong kinuha sa akin. Ang awkward naman! Sa totoo lang, hindi ko maipaliwanag pero nakakamiss talaga pangungulit nya sa akin.

*Ice's Pov*

Parang gusto kong matawa ng sinita ni Maam si Sungit pero sa totoo lang naalangan talaga ako dahil kami ang magkapareha. Di ko alam kong paano ang tamang pag-approach sa kanya kaya pinakiusapan ko na lang sya na kuhain ang itlog sa lagayan habang nagmamasa ako ng harina. Pagkatapos nun pareho na naman kaming natahimik.

" A-Ano gusto mong flavor ang ilagay natin dito? " tanong ko na lang to break the silence between us.

" Ehh.. Kahit ano na lang.. " sagot nya.

Okey lang naman siguro kung kausapin ko sya di ba? Tutal nasa activity kami ngayon.. Act like formal. Haha.

" Chocolate want mo? "

" Okey lang din.. "

" Sige yun na lang. " humarap ako sa kanya at ngumiti. I know, nabigla sya sa inakto ko at pagngiti.

" O-Okey.. " she looked away.

Natapos ang gawa namin ng maayos at nagustuhan naman ng prof. namin ang presentation kahit simple lang. Sa buong oras ng laboratory, kimi lang sa pagsagot at pagsalita si Sungit kahit nung lumabas na kami ng kwarto.

" Lourenz! " napatigil sya sa paglakad at sabay kaming napalingon sa kung saan nanggaling ang pagtawag.

" Ano ginagawa mo dito? " sabi nito. Dun ko lang namukhaan kung sino ang tumawag sa kanya.. Si Courtney! Ang babaeng pinagpupustahan namin ni Enzo. Ang bestfriend nya!

Pero bat ganun? Tila may di pagkakaunawaan ang dalawa.

" Galit ka pa rin ba? Pwede ba tayo mag-usap? " tapos tumingin sa akin saglit si Courtney.

Lourenz pala pangalan nya. Babaeng Lawrence? Kaya siguro ayaw nya sabihin name nya sa akin dahil parang lalaki. Haha
Biro lang yun.

" Saka na tayo mag-usap, Courtney.. May gagawin pa kasi ako. " tumalikod agad si Sungit nang pagkasabi nun.

" Lourenz! " tinawag sya ni Courtney pero hindi na nya nito binigyan ng tingin. Nakita ko ang pagkalungkot sa mukha ng kaibigan nya. May tampuhan nga silang dalawa. Tiningnan uli ako ni Courtney bago sya umalis na rin.

Sa di maipaliwanag na dahilan, sinundan ko si Sungit kung saan sya nagtungo. Nakita ko syang naglalakad sa hallway.

" Sungit! " tawag ko at napalingon sya sa akin. Nung nakalapit na ako ng husto sa kanya, di pa rin sya nagsalita.

" Bat di mo kinausap bestfriend mo? " mataman nya akong tiningnan.

" Wala ka na dun! Kung ano man problema namin ng bestfriend ko, you out of it! " tinalikuran nya ako at naglakad muli.

" So, Lourenz name mo? Finally, nalaman ko din! Nice name Sungit! " sinabayan ko sya sa paglalakad.

" Pwede ba? Wag mo nga akong asarin! Akala ko ba tatantanan mo na ako! "

" Di naman kita inaasar ah! Eh.. " napakamot ako ng batok. " Eh.. Ano.. Di ko matiis na wag ka kausapin eh! Pero i'm sure, namiss mo ako! " inextend ko ang kamay ko para akbayan sya.

" Kapal ng mukha mo! Asa ka namang namimiss kita noh! " Sabay hampas sa braso ko. " Bitawan mo nga ako! " tinulak nya ako kaya napabitiw ako sa kanya. Napatawa na lang ako sa ginagawa ko. Namiss ko talaga ang pangungulit sa kanya.

" Tantanan mo na nga ako! " sasagot pa sana ako pero napatigil ako ng may tumawag sa akin.

" BABY BOY! "

** tommorow po ang next update.. :)

click the external link para sa ch. 12 >:D naka private kasi..

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon