chapter 1

8.7K 143 12
                                    

CHAPTER O1

*Lourenz's Pov*

Few months ago..

Masaya ako kahit papano naging okey ang pag-enroll namin ni Courtney sa Westbridge College kahit nung una pinagdiskitahan kami ng mga studyante dun, buti na lang may tumulong sa amin sa pag-asikaso sa pag-enroll kaya agad natapos.

Hirap maging alien este maging nerd.. Inaapi at kinukutya pero wag ka! Lumalaban ako sa mga umaalipusta sa akin pati sa bestfriend ko.. hindi ako basta nagpapatalo.

Ganun ako, ayaw kong inaapi kahit ganito lang ako.

" Lou, paano, uwi na ako? Magkita na lang tayo next week sa pasukan ha? " Paalam sa akin ni Courtney.


" Sige, ingat ka ha? "

" Sure. Kaw din. "Aniya.

Habang papunta na ako sa kotse ko, may nakita akong grupo ng mga lalaking nagtatawanan.. Pamilyar sa akin yung isang lalaki.. parang..TAMA! Sya nga! Sya yung lalaki kanina sa Admin Office, yung pinuri nya yung pangalan ni Courtney tapos ininsulto din pala nya. Animal ang ugali! Enzo ata name nya.. Habang nagngitngit ako sa inis sa lalaking yun, taas noo pa din akong dumaan sa harap nila.

" Oy Enzo di ba yun yung kasama ng babaeng pinuri mo kanina? " Narinig kong sinabi ng isang kasama nya. Alam kong sinadya nila ang pagkasabi nun para marinig ko.

" Yeah! " Sigurado yung Enzo ang sumagot nun.

" Namutla talaga yun kanina ah.. " Dagdag pa ng kasama nya.

" Syempre kaharap nya kaya si Enzo Perez! Ang gwapong gwapong si Enzo. Haha! " Pagkasabi nya nun, narinig kong nagtawanan sila.

Di ko na lang sila pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad nang may biglang nabangga ako. Dahil dun, kumalat ang hawak kong mga papel sa daan. Narinig kong napamura ang nakabanggaan ko at ako naman ay dali daling pinulot ang mga kumalat na papel.

" Mag-ingat ka naman Miss. " Palatak nito tapos tinapik tapik pa ang damit na akala mo naman may dumi doon. Magsosorry pa naman ako pero wag na!

" Ako pa ngayon? Eh ikaw etong hindi tumitingin sa daan! Ang lawak kaya ng kalsada. Hmp. " Sagot ko.



" Ang engot kasi! " Narinig kong bulong nya.

" Ano sabi mo ha? "

" Wala! " Lumakad na eto at nilagpasan lang nya ako.

Ang bastos ng lalaking yun! 

Sinundan ko sya ng tingin at nakita kong papunta eto sa direksyon kung saan ang Enzo na yun. KAYA PALA! Nagsama ang mga hambog at walang modo!! Grrr.

" Oh Ice! Huli ka na naman! " Narinig kong sabi ni Enzo sa kanya.


Ice pala pangalan nya! Hmp. Bagay kasi parang yelo din sa sobrang cold. Ni di man lang nagsorry at umalis lang. Kasalanan ko din pala! Hindi ako tumitingin sa daan, magsosorry pa naman sana ako pero ganun pinakita nya. Nawalan na ako ng gana! Walang modo. Bastos. Walang respeto. Basta. Nakakabadtrip.


" Pasensya naman! May pinuntahan pa kasi eh. "

" Never mind! Teka, mukhang nagbanggan kayo nung nerd na yun ah? " Sabi pa ni Enzo na nakanguso sa direksyon ko.

Pagkarinig ng Ice na yun, tumingin sya sa gawi ko na parang nafreeze ako sa kinatatayuan ko dahil nanatili pa din akong nakatayo dun. Kumindat at ngumiti sya sa akin!


" Oo eh! Mukhang engot na naglalakad. " Ngumisi sya pagkasabi nun at nakaharap pa talaga sa akin!


Ang kapal talaga! Sa sobrang inis ko, umalis na ako dun at baka kung ano pa magawa ko sa mga lalaki yun.

Habang sa daan, sakay ng kotse ko, naalala ko ang pagtitig ng Ice na yun sa akin parang me naramdaman akong kakaiba. Pa.. Parang natutunaw ako sa mga titig nya! HALA!

Never mind!

Ayaw ko magpaapekto sa titig na yun.. Hanggat maari gusto ko talagang umiwas sa mga lalaki. Galit ako basta lalaki! Mga manloloko kasi! Mahilig mang-iwan. Magpaasa. Pafall. Kapag minahal mo na ng sobra, sasaktan ka.

Pinagpalit ni Papa ang Mama ko sa isang babaeng kakakilala lang nya 7years ago.. iniwan kami! Ang sakit nun! Halos mawalan ng pag-asa si Mama na mabuhay pero dahil nandito pa ako, kinaya nya ang lahat. Kinaya namin na wala si Papa sa tabi namin. Lumaki akong may galit sa ginawa nya.

Noon kay Papa lang ako galit at hindi ko nilalahat ang mga lalaki hanggang sa nakilala ko si Aaron. He's my first boyfriend and my first love. Boyfriend ko sya nung 4th year HS ako. Akala ko mahal nya talaga ako kasi pinaramdam nya talaga sa akin na mahalaga ako. Nagtiwala ako sa kanya at naniwala sa mga pangako nyang hindi nya ako sasaktan at paiiyakin pero akala lang talaga yun dahil hindi pa kami nakaka-limang buwan, pinagpalit nya ako sa maganda at sosyalerang babae. Brineak nya ako at sinabing he deserves better than me! Oh di ba?

Grabe parang nainsulto ako.. Lam nyo yun? Akala ko kasi tanggap nya kung ano ako.. yung pagiging nerd ko, di pala dahil naghanap sya ng maganda at sosyalera.. Sabagay kumpara kasi sa akin ng pinagpalit nya, hamak na mas bagay sila.

Sobrang sakit! Parang nabasag yung puso ko na di na maayos kahit kelan.

Kaya simula nun, ipinangako kong di na ako magmamahal. Dahil alam kong masasaktan rin ako. Ayoko ng umiyak. Ayoko na umasa.


*Ice's Pov*

ICE FERNANDEZ

Ako yan! Ako si Ice.

Ang cool ng pangalan ko nuh? Kasing cool ko. Pwera biro.. yun sabi nila eh.. ang cool ko daw.. Dahil barkada ko si Enzo, madaming nagsasabing Casanova din ako! No no! Iba ako.. Tahimik ako, medyo at di mahilig sa babae. Good boy kaya eto!

Kanina, nakuha ng nerd na yun ang atensyon ko. Nung una nainis talaga ako dahil nabangga nya ako pero nung tiningnan ko ang mga mata nya, may napansin ako. Maganda ang mga mata nya ngunit tila nababalot eto ng kalungkutan. Di ko alam pero parang gusto ko sya kilalanin at alamin kung bakit? Bakit may lungkot sa mga mata nya?


Sabi ni Enzo, barkada daw eto ng Courtney na nakilala nila na nagenroll sa WC.. Kaya ibig sabihin, sa iisang school kami mag-aaral! Magkikita kami araw araw Interesting eto.. I'm looking forward for it!


SI ICE NASA PIC

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------->>

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon