CHAPTER 49
*Lourenz's Pov*
Pagkagraduate ko, tatlong buwan ang nagdaan ay nakapasok agad ako sa isang hotel. Isa akong chief dun. Til that day, hindi pa rin nagpapakita si Ice sa akin. Kinakabahan ako na nagagalit sa kanya. He left me hanging.. again but i trusted him. Alam ko may dahilan kung bakit nawala sya ng walang paalam. Hindi ko lang alam kung ano yun. Basta nagtitiwala ako sa kanya.
Tiningnan ko ang singsing na binigay niya sa akin nung engagement namin. Kapag nakikita ko yun, alam ko, sigurado ako na babalikan niya ako. Ang di ko lang alam ay kung kelan.
" Chief Lourenz, may complain yung dessert mo. Hindi daw masarap. " tumigil ako sa pag-carving nang lumapit ang manager sa akin. Nagulat naman ako. Ilang buwan na akong nagtatrabaho dun pero ngayon lang na may nagreklamo sa ginawa ko. Nakakapagtaka naman.
" Sigurado po kayo, Sir? Imposibleng di masarap yun. Maayos ang pagkakagawa ko nun.. " paggigiit ko.
" Puntahan mo na lang sa table nila para malaman mo. Kausapin mo ng maayos. Ayaw kong may gulo sa hotel na 'to. Ayusin mo yan. Okey? " tumango na lang ako. Marahil ay hindi talaga masarap ang pagkakagawa ko nung dessert.
Papalapit na ako sa naturang table na tinutukoy ni Manager sa akin. Isang lalaking nakatalikod ang natanaw ko. Naka-pormal attire eto na may maiksing buhok. Solo etong nakaupo dun.
" Sir? Nagcomplain daw po kayo na di masarap ang ginawa kong dessert? " ilang hakbang ang layo ko sa kanya. Hahakbang pa sana ako pero..
" Stop! Don't dare to come closer. " Antipatiko! Parang lalapit lang ng husto eh. Arte. " Yes, i am the one who complaining about your dessert. Masyadong matamis ang ginawa mo. Nakakaumay. Chief ka di ba? Dapat inaalala mo din ang kalusugan ng kumakain ng pagkain. " Teka? Eh talaga namang dapat matamis yun eh! Sino ba 'tong hinayupak na 'to! Ayaw akong palapitin sa kanya ng husto. Kahit humarap man lang siya sa akin. Hindi yun puro likod ang nakikita ko.
" Sir, talaga namang matamis ang dessert na yun. Kung talagang may sakit ang kakain nun o bawal sa kanya yun, dapat hindi niya kainin. Hindi naman sa lahat ng oras, ibubunton nyo ang sisi sa gumagawa. Responsible din ang kumakain nun dahil katawan niya yun. " panira ng araw 'tong lalaki na 'to. Pangaralan pa ako. Eh siya ang kumakain e. Nakakayamot!
" Ganun ba? " tumayo eto pero hindi pa rin humaharap sa akin. Bastos lang! " Di ko gusto ang hotel na 'to. Makaalis na nga! "
" Teka! " habol ko sa kanya. " Sir! " pero hindi niya man lang naririnig ang pagtawag ko. Walang lingon likod siyang tumungo sa pinto ng hotel.
Nung palabas na siya, may napansin ako. May kapareho siya kung maglakad. Hindi ako maaaring magkamali. Bakit hindi ko agad nakilala ang boses nito?
" Ice! " mabilis akong tumakbo palabas para habulin siya pero huli na. Nawala na siya. Wala na siya sa labas ng hotel. Ang bilis maglakad! Ang ipinagtataka ko lang, bakit ganun? Kung talagang si Ice siya, dapat magpapakita siya sa akin? Eh bakit parang.. ewan! Basta! Naguguluhan ako. Di ko maintindihan.
Hindi ako maaring magkamali. Si Ice talaga ang lalaking nagreklamo pero bakit? Napailing na lang ako dahil hindi ko alam ang sagot sa tanong ko.
Papasok na sana ako nang may humarang sa akin. Muntik pa akong mapasigaw sa gulat dahil dun. " Ano ba, Terrence! Papatayin mo ba ako sa gulat? Siraulo ka talaga! " reklamo ko habang nakahawak sa dibdib ko. Nakakainis talaga 'tong detective na 'to. Nagiging hobby na niya ang manggulat. At ako naman, hindi pa nasanay.
" Hehe. Sorry! " inirapan ko na lang siya at tuloy tuloy na pumasok sa hotel. Isinalangwalang bahala ko na lang ang nangyari. Marahil ay hindi naman talaga si Ice yun. Namamalikmata lang ata ako dahil sa sobrang pagka-miss ko sa kanya. Hindi naman ganun si Ice, na may pagkabastos at antipatiko.
" Anong ginagawa mo dito? "
" Kakain. Tapos sabay sundo sa'yo. " sumabay siya sa akin sa paglalakad.
" Naks! Afford ah? Yumaman ka na pala? " sarcastic kong sabi.
" Anong akala mo sa akin? Poor? At kelan naman ako naging mahirap? " agad nitong react sa akin. Pumunta pa eto sa harap ko at dinuro ako. " Ikaw ha? Porke chief ka dito, gaganyanin mo na ako. May karapatan din akong kumain dito noh? " tinapik ko ang kamay niya at naglakad muli saka nilagpasan siya.
" Pwes, kainin mo dito ang pinakademand at pinakamahal na pagkain kung hindi ka poor. Ako ang gagawa para sa sa'yo. " panghahamon ko sa kanya. Agad naman siyang sumunod sa akin saka gulat na gulat na hinarangan uli ako.
" Ano?! Nagbibiro ka ba? Ang mahal mahal kaya ng mga pagkain dito! "
" Hindi! Sabi mo, hindi ka poor. Eh di mayaman ka kaya alam ko, kaya mong bayaran ang ihahain ko sa'yo. Angal ka? "
" Lourenz naman! Wag naman ganyan! Naka-graduate ka na at lahat lahat, sadista ka pa rin! " nagsmirked na lang ako at nag-grin sa sinabi niya.
" Tigilan mo nga ako! Pupunta punta ka rito para kumain tapos magrereklamo ka. Tse! "
Wala na nga siyang nagawa. Lahat na pinakamahal at in demand sa hotel restaurant na yun, ginawa ko. Bilang kapalit na rin yun sa nagwalk out na costumer. Pinagalitan kasi ako dahil umalis yun at nagreklamo sa ginawa ko. Buti na lang dumating si Terrence kaya nakabawi ako. Ang bilis ko talaga mag-isip. Kung wala siya dun, wala akong idadahilan kay Manager. Haha. Sorry, Terrence! Trabaho lang, walang personalan. Natatawa na lang ako dahil halos gumastos siya ng 20,000 sa lahat ng pagkaing niluto ko sa kanya. Hindi pa naubos yun kaya tinake out niya ang iba. Butas ang bulsa niya sa akin. Panay nga reklamo sa akin dahil inubos ko daw ang pera niya.
" Loko ka talaga! Sinubo mo pa ako sa pag kain ng marami at paggastos. "
" HAHA. Sorry. Ganun talaga! Ganti ganti lang. Oh siya, sige! Salamat sa paghatid. Sa uulitin. " ngumiti siya at kumaway saka pinasibat ang kotse niya.
" Sumusubra ka na talaga. Sige, bye. "
Nang mawala na sa paningin ko ang kotse niya saka naman pumasok ako sa bahay. Kahit nagtatrabaho na ako, hinahatid niya pa rin ako. Sabi niya, hanggat hindi bumabalik si Ice, hindi siya titigil na paghatid sa akin.
Ang kulit niya pero wala na akong magawa. Okey na rin yun. Tipid sa gas. May libreng driver pa.
Pass 11pm na ng gabi na yun. Tulog na si Mama. Mga ganung kalimitang oras ako kung umuwi. Night shift kasi ako. Agad akong naghubad ng damit at nagtungo sa banyo. Pinuno ko ng maligamgam na tubig ang tub saka lumusong dun. Isang oras akong nagbabad dun bago matulog.
Mga 20minutes na ako dun nang magring ang phone ko. Nagtaka ako dahil hatinggabi na. " Sino naman kaya ang tatawag sa ganitong oras? Ah, baka si Terrence. " umahon ako saka nagtapis at tumungo sa kama ko kung saan ang phone ko nakalagay. " Oh, bat napatawag ka? " hindi ko na tiningnan ang tumatawag sa pag-aakalang si Terrence nga yun.
" I miss you. " parang tumigil ang oras ko sa nagsalita sa kabilang linya. " Namiss kita ng sobra. " hindi agad ako nakareact. Ang lakas ng dagundong ng dibdib ko. Kahit hindi eto nagpapakilala, malakas ang kutob ko na siya yun.
" I-Ice? "
" Yup. It's me! " nabitawan ko ang phone ko dahil pagharap ko sa may veranda ng kwarto ko. Andun si Ice. Nakasandal, kumakaway sa akin at may hawak ng cellphone sa kabilang kamay. Nakangiti sa akin. Totoo pala ang hinala ko kanina, si Ice nga ang nasa hotel na yun! Sa suot nitong damit.
Binuksan niya ang pinto dun at pumasok sa kwarto ko. " I-Ice? Ikaw ba talaga yan? " hindi siya sumagot, sa halip ay kinabig niya ako at hinalikan sa labi. Si Ice nga ang nasa harap ko. Jeez! God knows how much i miss this guy.
BINABASA MO ANG
When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)
Teen FictionHi. I already change the TITLE OF THE STORY. So, baka magtaka ang iba. Title lang po ang napalitan ko. Pero yung laman, di naman. Pasensya na sa mga errors. Pakiunawa nalang po ;) Salamat sa mga naglagay sa RL nila at sa mga votes nyo. Na-appreciate...