CHAPTER 13
*Ice's Pov*
Tumayo ako at pinahid ang konting dugo sa gilid ng labi ko.
" Ano ba ang problema mo at nanununtok ka? " mahinahon na sabi ko pero ang totoo naiinis ako. Wala naman akong ginawa sa kanya para suntukin nya ako ng ganun.
" Problema ko? Ikaw ang problema ko! " matigas at mariin nitong sabi sabay turo sa akin.
" Ako? Wala naman akong ginagawa sayo ah! " Ano ba problema nito! Nakakaurat!
" Sa akin wala! Pero kay Lourenz, meron! Kelan mo pa sya niloloko? "
Doon lang nag-sink in kung bakit nya ako sinuntok. Alam ko na ang dahilan.. Isa pa tong problema, di pala alam nito na di naman talaga kami totoong magsyota ni Sungit siguro akala nya namamangka ako sa dalawang ilog. Tsk. Di ko namalayang nakalapit na sya akin at kwenelyuhan ako.
" Hey! What are you doing? Bitawan mo nga si Louiice! " nakita kong pilit pinapalis ni Hilary ang kamay ni Aaron sa damit ko.
" Di ka pa ba nakokontento kay Lourenz ha Ice! " bakas sa mga mata nya ang matinding galit sa akin.
" Pwede ba bitawan mo nga ako! Mali ka sa inaakala mo! Hindi ko niloloko si Lourenz! " dahil wala naman talaga kaming relasyon. Gusto ko sanang idugtong yun pero di ko nagawang isantinig.
" Hindi? Paano mo maipapaliwanag ang paglalampungan nyo ng babaeng eto? " sabay turo kay Hilary.
" Ano ba ang nangyayari ha? Di ko kayo maintindihan? Louiice! What's going on?! "
" Hilary, wala kang kinalaman dito! "
" Wala? Ano tong sinasabi ng lalaking to! "
" So, di pa alam ng babaeng 'to na may iba ka ding syota?! "
" Pwede ba! Hilary is not my another girl. She's my bestfriend kaya wag mong bigyan ng malisya ang ginagawa namin! Wag kang basta basta nambibintang ng tao! " pinalis ko ang kamay nya sa kwelyo ng damit ko at inayos eto.
" Talaga lang ha! Sa ngayon, papaniwalaan ko yang sinabi mo pero oras na malaman kong tama ang hinala kong niloloko mo si Lourenz.. Ako ang makakaharap mo! "
" Bakit? Wag kang umastang boyfriend ka pa nya! Baka nakakalimutan mo, iniwan mo si Lourenz at pinagpalit sa iba. Kaya don't act that Lourenz still yours! Mahiya ka naman sa gf mo sa pinaggagawa mo ngayon! " tila naubos na ang pasensya ko dahil sa kanya.
Nagtiim bagang siya. Matalim ang mga tingin na pinukol nya sa akin bago sya umalis ng walang sabi sabi.
Ako naman ay dali daling kinuha ang bag ko at aalis na dun.
" Wait Louiice! Ano ang nangyayari? Bat galit sayo yung guy na yun? " tanong ni Hilary na sinundan ako.
" Not now.. Saka na tayo mag-usap Hil. May gagawin pa ako. " di ko na hinintay ang sagot nya at tumakbo na ako. Narinig kong tinawag pa nya ako pero di ko na sya nilingon pa.
Dami kong iisipin ngayon. Argh! Its my fault kaya nangyayari to. Pinasok ko ang sarili sa alanganin sitwasyon na di nag-iisip. Ako etong basta pumasok sa eksena at nagpanggap na boyfriend ni Sungit. Kaya eto ako ngayon, namomoblema.
*Lourenz's Pov*
Di ko na mabilang kung ilang beses na ko napabuntong hininga habang nakaupo roon sa labas ng gate ng Westbridge. Madaming nagdadaang estudyante ang napapatingin sa akin dahil nakaupo ako roon. Mataman ko lang tinitigan ang kotseng nasa harap ko.
" Wala ka talagang pakisama! Ano sasakyan ko ngayon pauwi? " paglabas ko ng gate, nakita ko na lang na flat ang isang gulong nito. Ang hinuha ko, pinagtripan eto ng mga estudyante dun na walang magawa sa buhay.
BINABASA MO ANG
When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)
Teen FictionHi. I already change the TITLE OF THE STORY. So, baka magtaka ang iba. Title lang po ang napalitan ko. Pero yung laman, di naman. Pasensya na sa mga errors. Pakiunawa nalang po ;) Salamat sa mga naglagay sa RL nila at sa mga votes nyo. Na-appreciate...