chapter 47

2.2K 48 0
                                    

Lourenz: The Nerdy Rock Princess

written by: PurpleRaindrops

CHAPTER 47

*Ice's Pov*

Naging masaya din ang lumipas na bagong taon sa amin.. sa pamilya ko. Wala na marahil akong mahihiling pa. Kung meron man, yun ay makasama ko ng habambuhay ang babaeng pinakamamahal ko. Oo, maaring maaga pa para sabihin yun pero buo na ang desisyon ko na siya ang gusto kong makasama. Wala nang sasaya sa pakiramdam kundi makasama ang taong mahal mo. Sa lahat ng oras, sandali at pagkakataon. In bad times or even good times. As long as magkasama kayo, nagiging okey ang lahat. Nakakaya niyong harapin ang lahat ng bagay kahit mahirap. Siguro dahil mahal niyo ang isa't isa at may tiwala kayo sa bawat isa.

" Ice, tulala ka na naman diyan. " tinapik ako ni Enzo sa balikat. Tiningnan ko siya saka bumalik ng tingin sa malayo.

" Naisip ko lang. Parang kelan lang nung nakilala natin ang dalawang nerd na nagpabago sa buhay natin. Nagbago sa pananaw natin at sa kung ano tayo. Akala ko dati, si Hilary lang ang mamahalin ko pero everything has changed when i meet Lourenz. It was love at first sight. Hindi mo talaga masasabi ang takbo ng kapalaran na meron ka. Akala mong yun na, hindi naman pala. Tol, madami kaming napagdaanan ni Sunget sa lumipas na mga buwan. Madami ang nangyari pero lahat ng yun, ipinagpapasalamat ko. " nagulat na lang ako nung binatukan niya ako. " Bakit ka ba nambabatok? " naiinis kong tanong sa kanya. This time, siya naman ang tumingin sa malayo. Sa kawalan. Naging seryoso din ang mukha niya na kanina ay nakangiti lang.

" Ang korni mo! Sabihin mo, inlove ka lang talaga kaya nakayanan ninyo lahat ang mga pagsubok na nagdaan sa relasyon nyo. Mabuti nga kayo, nalampasan niyo na. Masaya na kayo. Eh kami ni Sweetcake? Hindi ko alam kung paano ko i-ease ang pain na nararamdaman niya. Paano ako makatulong sa kanya. Akala ko kapag okey na ang relasyon namin, magiging masaya na kami pero hindi nangyari. May pagsubok na namang dumating para sukatin ang tatag namin. Minsan, gusto ko ng sumuko pero kapag nakikita ko siya. Bigla akong nabubuhayan ng loob at napapaisip na hindi dapat ako mawalan ng pag-asa. Ako ang inaasahan ni Courtney, sa akin siya kumukuha ng lakas tapos susuko pa ako. " inakbayan ko siya.

" Enzo, bro, lahat ng nangyayari may dahilan. Siguro sa ngayon, hindi mo pa alam kung ano yun. Basta ang masasabi ko lang, hanggat kelangan ka niya. Wag kang bibitaw. Sa panahon na 'to ay higit ka niyang kelangan. "

" Alam ko. Salamat Ice. "

Hayyy. Alam ko, simula pa lang 'to. Basta ang importante, masaya ako ngayon.

Months has passed. Ang bilis ng oras at mga araw. Summer na. Kahit summer na, may klase pa din sina Sunget. Ako naman, bumabalik balik pa din sa Westbridge para umayos ng papers ko dahil incoming graduating students na ako. Isang taon na lang, tapos na ang apat na taong paghihirap ko. Nakalimutan kong sabihin, nung 2nd semester ay bumalik ako sa Tourism. Yun yung mga panahon na hindi ako pinapansin ni Sunget. Ginawa ko yun to gave her space dahil same course kami kaya graduating na ako ulit, pasalamat na lang ako dahil anak ako ng may-ari ng Westbridge (hehe) but irregular student ako sapagkat hindi ko natapos ang first semester dahil nagshift ako nung umpisa pero ayos lang. Ganun talaga ang buhay eh. Kaya lang naman ako nagshift nun sa Culinary dahil sa kanya eh. Oh kitam? Love ko na nga siya nun sa umpisa pa lang.

" Uy, akala ko ba may sakit ka? Bakit naandito ka? " pagtatakang tanong niya sa akin nung sinalubong ko siya tapos sinalat niya ang noo ko. Sa gate ako nun at hinihintay syang lumabas.

" Okey lang yan. Lagnat lang naman eh. Saka, kasi susunduin kita kaya nagpunta ako dito ngayon. Aray ko naman! Hanggang ngayon ba naman, binabatukan mo pa rin ako? Sama mo talaga. " ayst. Binatukan na naman niya ako. Sadistang nobya talaga siya. Pasalamat siya, mahal ko siya. Kung hindi baka binubugbog ko na siya ng halik.

" You take risk para sa health mo para lang sunduin ako? Ano ka ba naman? Anong utak ba meron ka? Grabe, hindi mo inaalala ang kalusugan mo. " awts. Grabe naman. Concern ba siya sa lagay na yun? With matching batok pa? At insulto.

" Eh, makita lang kita. Okey na ako. Nawawala na ang sakit ko. "

" Korni mo! " napangiti na lang ako dahil hinalikan niya ako sa pisngi. " Yan! Kissperin. Para gumaling ka na. " whew! Yun oh! Narecharge ang katawan ko pero bitin naman kaya ako na mismo ang humalik sa kanya. Sa lips.

" Yon oh! Magaling na talaga ako. Kiss lang ni Sunget. Solve na solve na ako. " piningot niya ang ilong ko tapos hinawakan ko naman ang kamay niya.

" Puro ka talaga kalokohan Louiice Fernandez! Hmp. " hindi na ako nagsalita. Ngumiti na lang ako saka inakay siya sa kotse ko.

Since friday na nun at wala ng pasok, dinala ko siya sa tabi ng dagat para manood kung paano lulubog ang araw. Gusto kong kasama siya habang nangyayari yun.

" Ang ganda ng sunset! " bulalas niya.

" Oo nga e. Kasing ganda mo. " natawa na lang ako nung kinurot niya ako sa tagiliran ko. " Na naman oh! Puro pasa na ako sa mga pinaggagawa mo e. " reklamo ko naman.

" Ang galing mo kasi sumigwey e. " irap naman niya.

" Rawr! Humanda ka sa akin. Masyado mo ng sinasaktan ang boyfriend mo kaya humanda ka talaga! " pananakot ko sa kanya kaya naman agad na bumitaw siya sa pagkakahawak ko at tumakbo. Dahil game na game ako, hinabol ko siya. Ang bilis niya tumakbo pero wala talaga siyang kawala sa akin. Pag maabot ko na siya, alam na! Haha.

" Habulin mo ako! Hahaha. " pang-aasar niya. " Ang bagal mo naman tumakbo eh! Hahaha. " pinagtawanan niya ako.

" Easy ka lang! Maaabot din kita! " sigaw ko naman. Tumakbo siya sa may tubig, hinabol ko rin siya. Hanggang nakita kong parang hapong hapo na siya dahil sa pagod. This it it! Yun na ang pagkakataon ko para maabot na siya ng tuluyan. Hindi na siya makakawala dahil pagod na siya. Agad ko siyang niyakap sa bewang nito nung nakalapit na ako sa kanya ng husto at binuhat siya.

" Uy! Uy! Ibaba mo nga ako! Adik ka! " natatawang sambit niya. Nakatuwa talaga ang moments na ganito. Sarap balik balikan kapag hindi mo na magawa ulit. Moments can be treasured.

" Ayaw ko nga! Hahaha! " maya maya ay tumigil din ako saka inihiga siya sa may buhangin. Tinukod ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid ng katawan niya. Tinitigan ko siya saka nagsalita. " Mahal na mahal kita, my rincess. " i uttered.

" Mahal na mahal din kita, Bhabe. " hay! Sarap naman pakinggang tinatawag niya ako ng ganun. Habang nagkakatinginan kaming dalawa, unti unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya until our lips meet. I kissed her. Mas intimate yun kesa sa halik ko nung nasa parking lot pa kami lalo na at gumaganti din siya. Ok. Dahil good boy ako ngayon, behave muna ako unless siya ang magpakita ng motibo. Haha. Biro lang. Ayaw kong mabuntis siya agad kaya naman tama na yung yakap at halik muna ngayon saka naka-dalawang beses na rin kaming.. Alam nyo na! XD

Sana nga ay ganito na lang kami palagi para masaya. Oo nga pala, i tell you one secret. Naaalala niyo pa ba si Rence? Terrence na detective, lagi silang LQ ng bestfriend ko na si Hilary e. Mukhang may something ang dalawa. Tsk. Tsk. Haha. Infairness, bagay silang dalawa. Sina Aaron at Xynelle naman. Ayun, okey naman sila. Mukhang bumalik ang dating relasyon nila. Good to know that. Wala ng dapat ipag-alala. Ano pa ba? Ah, yung kapatid ko? Ayos naman kaming dalawa. Kahit papaano. Getting to know each other kami.. deeper. Pero may problema siya e. About sa dalawang ex niya, si Stephen at MJ. Naku lang. Lovelife nya yun kaya hindi ako mangingialam, kung saan siya masaya. Susuportahan ko bilang kuya niya. I know she can handle it. Sabi ko pa nga sa kanya, bata pa siya para problemahin ng husto ang mga lovelife na yan. Di na lang siya gumaya sa kuya Ice nya di ba? Haha. Ene-enjoy ang lahat.

**oops! May spoiler. Haha. May nakapansin kaya nun? XD

Itutuloy..

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon