Dedicated kay Ms.Aly :)) one of my favorite author here in wattpad :)))
CHAPTER 29
*Ice's Pov*
" Please? " Pero di sya sumasagot sa kabilang linya. Para na ata akong.. bakla sa ginagawa ko. I cried. Kanina pa. Sinuntok ko pa si Enzo dahil dito pero wala e. Nasasaktan pa rin ako. Di ko matanggap na nakipagbreak si Sunget sa akin. Matatanggap kong galit sya sa akin dahil involve ako sa pustahan pero break up? Hindi.. Hindi ko matatanggap. Ngayon lang ako nagkaganito dahil sa babae tapos? Masasaktan pa ako ng todo? Do i deserve this? Kelangan ba talaga akong masaktan dahil minahal ko ang sungit na yun? If yes, why? Sa isang pagkakamali, nawala na sya sa akin.
" I-Ice.. " Medyo nabuhayan ako ng loob nung nagsalita na sya. Kanina ko pa kasi sya tinawagan pero di sya nagsasalita. Di nya ako kinakausap. Nakikinig lang sa akin.
" Please? Wag ka ng makipagbreak sa akin. Kahit cool off na lang.. Kahit wag mo akong pansinin o kausapin basta wag ka na lang makipagbreak. " Para na akong sira sa mga pinagsasabi ko. Parang pareho lang ata sa break up yun e.
" I'm sorry, Ice. Sana maintindihan mo.. "
" Di ko maintindihan, Lourenz. Ayaw kong intindihin dahil nasasaktan lang ako! "
" Just let me go.. Just accept the fact na walang mangyayari sa relasyon natin. "
" Please naman oh? "
" I'm sorry.. " Puro na lang sorry! sorry Ice! SORRY! Bat yun na lang lagi nyang sinasabi?
" Mahal kita! Mahal na mahal.. "
" Mahal din kita.. " Magsasalita pa sana ako kaso biglang naputol ang tawag. Pinutol nya.. Tinawagan ko ulit sya kaso out of coverage na ang phone nya. Di ko na sya makontak. Mahal nya ako pero bat ganun? Di ko talaga maintindihan o talagang ayaw ko lang intindihin? Ayaw ko lang intindihin na mas timbang ang bestfriend nya kesa sa akin. Dapat intindihin na bago lang ako dumating sa buhay nya at si Courtney ay kasama na nya noon pa.. Hay! Selfish ba ako? Makitid ba ang utak ko para di yun intindihin?
Di ko alam.
I comb my hair. I cried hardly. Di ko alam kung bat umiyak pa ako.. Dahil nasasaktan ako ng sobra.. Oo tama yun, dahil nasasaktan talaga ako.
Lumipas ang mga araw na di ko na gaanong nakikita si Lourenz pagkatapos ng conversation namin. Nasesense ko na iniiwasan nya ako. Pinakamasakit na parte sa lahat.
Hanggang umabot sa linggo ang di ko pagkita sa kanya. Nasaan na ba sya? Kamusta na kaya sya? Miss na miss ko na sya.. Soooooobra!
" Sunget naman e! Wag mo naman akong taguan! Kahit makita lang kita, okey na ako. "
Dumating ang first week ng September, halos one month ko na syang di nakikita. Talaga ngang iniiwasan na nya ako, ni di na rin sya pumapasok sa mga subject namin. Di ko naman matanong sa mga teachers kasi natatakot din ako sa magiging sagot. Ano ba yan! Duwag ko talaga. Duwag na makulit!
" Sino kasama mo sa Acquaintance Party bukas? " Tanong ni Jude.
" Wala. Bakit kelangan ba talagang may kasama? Eh kayo, kayo na lang kasama ko.. " Sabi ko.
" Aww! Tayong dalawa? Si Enzo, may ka-date e. Ang sagwa naman tingnan kong tayong dalawa lang.. "
" Adik neto! Anong masagwa dun eh magkaibigan naman tayo.. Batukan kita dyan e! " Lokong Jude 'to. Di kami talo no!
" Haist. Di na lang siguro ako pupunta, acquaintance lang naman yan e. Para lang yan sa mga first year.. Sa mga baguhan.. "
" Bahala ka! Kahit mag-isa ako, pupunta pa rin ako. Ayaw ko naman kasing magstay sa bahay dahil iisipin ko lang si Sunget.. "
BINABASA MO ANG
When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)
Teen FictionHi. I already change the TITLE OF THE STORY. So, baka magtaka ang iba. Title lang po ang napalitan ko. Pero yung laman, di naman. Pasensya na sa mga errors. Pakiunawa nalang po ;) Salamat sa mga naglagay sa RL nila at sa mga votes nyo. Na-appreciate...