chapter 15.2

3.5K 78 7
                                    

CHAPTER 15.2


*Lourenz's Pov*

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Jusko! Bakit ba nainlove ako sa kumag na 'to eh! Grr. Wala naman akong makitang dapat ikagusto ko sa kanya eh.

" Dito na tayo.. " sabi nya.

Salamat naman dito na kami sa bahay. Di ko na kering kasama si Ice nang matagal.. Para akong matutunaw eh. Titig pa lang nya bibigay ka na, tapos hahalikan ka pa? Saan ka pa? Ako na! Ako na talaga! Ako na ang inaabuso ng yelong 'to! Pasalamat siya at mahal ko siya. De joke lang!

" Tanggalin mo na nga 'tong lintik na posas na 'to! Ang sakit sakit na talaga.. " Nairita kong sabi. Di ko sasabihin kung paano kami pumasok sa kotse kanina sa Westbridge nang nakaposas. Iimagine nyo na lang.. As in di ko sasabihing sa driver's seat ako dumaan. Nakakairita lang eh.. Pagsabihan pa kong ginagahasa ko daw siya sa posisyon namin ng dumaan ako sa kanya. Oh di ba nakakairita? Kaya ayaw ko sabihin eh.. NakakaHB lang! Kasalanan ko bang nakaposas ako at dun nya ako pinadaan. Siya lahat may pakana nito eh. Siya.

" Oh yan! " Tinanggal nga nya eto bago ako bumaba ng kotse nya.


" Salamat naman at nakawala rin! Nakakairita lang kasama ka kung alam mo lang! " wika ko.

" Oh talaga? Di kasi halata eh.. " He smirked at me. Pang-aasar na naman nito.

Bumaba ako sa kotse. " Tigilan mo na nga ako, Ice. Kanina ka pa! Pikon na pikon na ako! Umuwi ka na nga! " Papasok na ako ng bahay ng hilahin nya ako. Ang bilis naman nya nakababa ng kotse. Flexible ah?

" Saglit lang! Ang sungit sungit mo talaga kaya mahal na kita eh. " Ang lapit na naman namin sa isat isa. Oh tukso layuan mo ako!

" Niloloko mo ba ako? Kanina parang mahal mo na ako tapos ngayon mahal na? Okey ka lang? Padoctor ka na kaya! " Naiinis kong sabi sa kanya.

" Oo parang nga kanina eh ngayon MAHAL NA KITA! Okey? At isa pa, di ba sabi ko akin ka lang dahil gf na kita.. Di na kelangan ng gamot kasi ikaw na ang doctor at gamot ko. "

" Shut up! Tigilan mo na nga ako! " Sabay tulak ko sa kanya. " Sino nagsabi sayong gf mo ko at pag-aari? Nababaliw ka na! Ni hindi nga kita gusto at mas lalo di kita sinagot dahil di ka naman nanligaw sa akin. Kuha mo?! "

" Pssssh! Kelangan pa ba talaga manligaw? Di na kaya uso yun ngayon? Tapos alam ko naman gusto mo ako eh.. Wag ka nga pakipot Sungit. " Binelatan pa ako ng kumag. Grabe. Sasakit na ulo ko at parang mauubusan na ako ng dugo dahil sa kanya.

" Aarrgh! Bwesit! Maloloka na talaga ako sayo. " Sinapak ko nga, kaya ayun napabitaw sya sa akin.

" Aray ko naman! " Di ko pinansin at tinalikuran ko sya para papasok na ng bahay pero di pa nga ako nakakahakbang nang hinawakan na naman nya ako. This time, kamay ko naman ang nahawakan nya kaya humaharap ulit ako sa kanya.

" Ano na naman ba? " Inis na inis na ako. Promise!


" May nakalimutan ka.. Salamin mo. " He waves it at my face then i grab it. " Saglit lang.. Bat ba nagmamadali kang pumasok? Di pa nga tayo nag-uusap ng maige eh. Iniiwasan mo ba ako? O ayaw mo na ako makasama ng matagal? "

" Both.. Bitawan mo na kasi ako. Kanina pa eh! " Nagitla na lang ako ng bigla nya akong yapusin ng mahigpit. " Ice, ano ba! Baka may makakita sa atin! Ano pa ang isipin! "


" Please hayaan mo na lang ako na yakapin kita. " Dahil medyo mataas siya sa akin ay kinailangan pa nyang yumuko.

Pinatong nya ang baba nya sa balikat ko habang yakap ako. " Lourenz, totoo ang lahat ng mga sinabi ko kanina. Ngayon ko lang narealize nung nakasama kita buong araw. I love you, Sungit. " Habang sinambit nya yun, ramdam ko ang hininga nya sa punong tenga ko. " Please akin ka na lang.. Please say you love me too. Siguradong sigurado na ako sa nararamdaman ko. Please.. Lourenz please. " Humiwalay siya sa akin pagkatapos pero hawak pa din nya ang mga kamay ko.

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon