chapter 7

4.5K 101 8
                                    

CHAPTER O7

 *Ice's Pov*

Alam kong nakakahiya ang ginagawa ko pero i have no choice! Kelangan kong makuha ang atensyon nya para kausapin na nya ako.. ilang beses na akong nag-attempt na kausapin sya pero patuloy pa rin nya akong iniiwasan.

Bumalik sya sa kinaroroonan ko.

" Ano bang ginagawa mo ha? Nakakahiya ka! Tumayo ka na nga dyan! " She gritted.

" No, i won't! Unless.. Unless pinapatawad mo na ako. Look! Di ko naman talaga sinasadya yon eh! Basta natempted lang ako na halikan ka. " Bahala na si Batman maging maitim man ang buwan!

" So ganun lang yun? Natukso ka lang na halikan ako? Eh manyak ka pala talaga eh! " Galit na galit na sabi nya.

Naramdaman kong madami ng tao sa paligid namin at nakikiusyoso sa nangyayari. Kelangan ko talaga gawin eto para mapatawad nya ako. I admit kasalanan ko naman talaga eh!

" Di naman sa ganun yun.. " Hay. Ang hirap magpaliwanag  Ano ba dapat kong sabihin? Bat ba kasi ang sungit ng babae na 'to! Pati pangalan ipinagdadamot pa! Nakaka-2nd base na ako hindi ko pa din alam pangalan nya. Wooh! Di ko rin maintindihan kung bakit ko eto ginagawa! Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nagka-interes ng sobra sa babae.. at sa babae pa na 'to na ubod ng SUNGIT!! Wala syang ginagawa para magkaganito ako pero ewan ko ba, she find so much interesting to me..

Hinawakan ko ang mga kamay nya habang nakaluhod ako. Lumingon lingon sya sa paligid.

" Nakakainis ka talaga! Lagi mo na lang ako nilalagay sa kahihiyan! "

" Please patawarin mo na kasi ako! Di ko na uulitin. Promise! " Next time magpapaalam na ako haha! Para di mo masabing ninakaw ko. Atleast nagpaalam ako di ba? Halos umuusok na ilong nya sa galit.

"  Tumayo ka na sabi eh! "

" Ayoko nga hanggat di mo ko pinapatawad!

" PATAWARIN MO NA MISS.. MUKHANG SERYOSO NAMAN ATA YUNG LALAKI EH! " Sigaw nung isang lalaking nakikiusyoso. Tama ka Kuya. Galing ni Kuya e.

" Ehh.. " Sabi nya.

" Sige na please.. " Hinigpitan ko pa lalo ang paghawak sa kamay nya.

" Tumayo ka na kasi ehh.. " Sabi nya sa akin in low and surrender voice.

" Pinapatawad mo na ako? " Tanong ko pero hindi sya sumagot iniripan lang ako. Sungit talaga!

" I take that as a YES, Miss Sungeet! "

" Shut up! " Tumayo ako.

" Hehe Sorry! PEACE! "

Tinalikuran nya ako at naglakad muli sya na parang walang nangyari.

" Uyy! Salamat ah? " Habol ko sa kanya tapos niyakap ko sya mula sa likod. Nabigla sya sa ginawa ko pero di agad sya nakahuma.

Bat ba ganito ang nararamdaman ko? Hindi kaya talagang gustong gusto ko na sya?

Me narinig akong naghiyawan at nagbulong bulungan.

" Ayy! Ang sweet ng guy oh! "

" Gwapo talaga nung lalaki! " Sabi rin ng isa.

" Seryoso talaga si Boy sa Girl oh! Kakainggit naman.. " Sabi naman nung isa.

 *Lourenz's Pov*

" Uyy! Salamat ah? " Narinig kong sigaw nya nung tumalikod na ako. Napakakulit talaga nya kaya no choice ako kundi patawarin sya. Kahit parang labag sa puso ko.. Eh paano nakakainis na talaga sya! Dalawang beses na nya akong ninakawan ng halik!

Pero nagulat na lang ako nung niyakap nya ako bigla mula sa likod.

Bigla na lang...

Bigla na lang.. Bigla na lang akong nakaramdam ng di maipaliwanag na pakiramdam.. Para akong nakuryente.. yung nanginginig ewan ko kung bakit.

" U-uy? Ano ka-ka ba! Bitawan mo nga ako! " Sinunod naman nya ang sinabi ko pero para pa rin akong timang na.. na di maintindihan ang nararamdaman ko.

" Dyan ka na nga! " Dali dali akong bumaba gamit ang hagdan na katabi ng escalator. Sinundan nya pa rin ako.

" Eyy! Sama ako! " Sigaw nya habang ako naman nagmamadali sa pagbaba.

" Tantanan mo na nga ako! Pinatawad na kita! Ano pa ba gusto mo! " Ganting sigaw ko rin sa kanya.

" Pero.. i want you to be my friend! " Sigaw nya ulit.

Kakaloka ang ginagawa namin sa mall.. Agaw eksena! Di ko talaga sya pinapansin kahit anong tawag nya sa akin.. Nakakapikon kasi talaga!

Wait! Si Courtney yung pasakay ng kotse ah, since glass ang entrance at exit ng mall natural na makikita ko yun di ba?

Nakalabas na ako ng entrance pero huli na ang lahat nakasakay na sya ng kotse at ang nakita kong huling pumasok ay si Enzo.. Talagang tama ang nakita ko. Magkasama nga silang dalawa!

" Bakit kaya sila magkasama? Teka --- Anak ng tipaklong! Ano ba! "

Mamamatay talaga ako sa gulat sa mga pinaggagawa nya. Bigla na lang nya akong hinawakan sa balikat.

" Sabi ko kasi intayin mo ko eh pero ang bilis mo talaga maglakad! Ano bang hinahabol mo? "

Hinarap ko siya. " Hoy! Bakit magkasama si Enzo at si Courtney ha? Bakit? "

" H-Ha? Eh! Pagkakaalam ko may date sila eh.. "

" May nakapagsabi sa aming Casanova yan! Ano ang binabalak nya sa kaibigan ko ha? " Dinuro duro ko sya.

" D-Di kita maintindihan.. " parang namumutla sya.

" Malaman ko lang na may ginawang masama yang Enzo na yan sa kaibigan ko! Humanda kayong dalawa sa akin! " Pagkasabi ko nun tumalikod na ako at umalis. Himala naman at di na sumunod ang makulit na yun.

Pinagsabihan ko na si Courtney, bakit pumunta pa rin sya sa date nila? Naku naman! Baka mapahamak lang sya! Di sya nakinig sa sinabi ni Te Lexa.

*Ice's Pov*

Para akong nawalan ng kulay sa sinabi ng masungit na yun.

Parang nagdududa na sya kay Enzo.

Lintek lang! Tiyak madadamay ako pag once malaman nya ang binabalak ni Enzo at sa pustahan.. Pag nagkataon, mas lalo syang magagalit sa akin!

Anong gagawin ko?  

Kahit hindi ako may pasimuno nun tiyak madadamay pa rin ako dahil kasama ako.

Di ko na sya sinundan nung umalis na sya.

*Aaron's Pov*

" Aaron, di ba si Lourenz yun at yung bf nya? " Sabi ni Xynelle sa akin. Weekend ngayon at nasa mall kami. Medyo tinatamad pa ako pumunta pero sadyang mapilit si Xynelle.

" Saan? "

" Ayun oh! " Nakita kong madaming tao sa kinaroroonan nila na tinuturo ni Xynelle. Nagulat pa ako sa nakita ko, nakaluhod si Ice habang hawak ang kamay ni Lourenz. Kung titingnan mo parang nagpropropose si Ice. Ano bang ginagawa nila? Agaw eksena! Sa lahat pa ng mall, dito pa..

Dahil medyo malayo kami, di ko narinig ang pinag-uusapan nila.

Nakita kong tumayo na rin maya maya si Ice tapos umalis si Lourenz at sinundan sya then niyakap sya mula sa likod.

Ang sweet nila!

Kayo na PDA! At ako na ang bitter.

" Tara na nga! Wala tayo sa sinehan para manood ng ganyan! " ang naiirita kong sabi kay Xynelle.

" Wait! Ang sweet nila noh? Gumawa pa ng eksena sa mall. Tss. "

" Anong sweet dun? "

" Bat ba parang bitter ka dyan? Nagseselos ka sa kanila? "

" Ako? Hindi ah! "

Nagseselos nga ba ako? Siguro? Ewan.. Di ko na rin alam!

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon