CHAPTER 12
*Lourenz's Pov*
" BABY BOY! " sabay kaming napalingon ni Ice sa nagsalita papalapit sa amin. Eto din ang babaeng nakita ko nung nakaraan na kasama nya.
" Hilary? What are you doing here? " bat ganun? Tila me pagkadisgusto sa boses ni Ice na pumunta eto roon pero baka guni guni ko lang yun. Girlfriend nya? Baby boy pala tawag nito sa kanya.. Muntik pa akong matawa dahil dun. Baby boy?? Haha.. Baby damulag pwede pa! Ano bang tawagan yan! Sa babae, bebe gurl? Haha..
" Di ka ba masayang pinuntahan kita rito? " sabi nito sabay yakap sa braso ni Ice.
" Di naman sa ganun Hilary.. " Napansin kong napatingin si Ice sa akin pati si Hilary.
" May kasama ka pala Louiice.. " Naging pormal ang mukha nito.
Ay hindi! Hindi! Hindi kami magkasama noh!
" Ahh.. Eeh.. Kaklase ko, si Su -- " Parang alam ko ang sasabihin nya kaya pasimpleng pinandilatan ko sya ng mata.. " Si Lourenz.. " Tapos ngumiti sya ng matamis sa akin, inirapan ko naman sya.
Di ko alam kung bakit pa ako nagsti-stay dun. OP!!
" Lawrence?? Panglalaki yun ah? " Muntik na akong mainis dahil dun.. Mali ang pagpronounce eeeh! It's Louuureenzz.. Nakita kong pinipigilan ni Ice ang tumawa.
" No, Hilary.. It's Lourenz, not Lawrence.. " Pagkokorek nya pati nguso nya ay nagperform pa talaga. Kahit nagkandahaba ang nguso nya sa pagkorek ng pagpronounce, cute pa din sya. Ehem. ehem.. mukhang nasamid ako ah.
" Oh I see.. Hi Lourenz, I'm Hilary, Louiice's girlfriend. " She offered her hand para sa shake hands. Dahil ayaw ko namang maging rude, i accepted it at ngumiti ako. " Nice meeting you.. " Dugtong pa nito.
" Same here. " Kimi kong sagot. Sabi ko na nga ba eh.. Girlfriend nya talaga eto pero bakit ganun? Bat parang kumikirot tong puso ko? " Si-Sige.. I have to go. May pupuntahan pa kasi ako.. " At tumalikod na ako. Di alam bat di ko kayang tagalan ang ganung eksena.
Minsan di ko rin maintindihan ang mga nararamdaman ko.
" Ingat Su -- Lourenz pala.. " Narinig kong sabi ni Ice.
Napailing na lang ako dahil dun.
*Ice's Pov*
" Ingat Su -- Lourenz pala " Habol kong sabi sa kanya nung paalis na sya.
" Hey! Parang engot ka dyan na ngumingiti! " Hilary waves her hand in a front of my face kaya napatingin ako sa kanya.
" Ngumingiti ako? Di kaya! "
" Di daw? Eh kitang kita nga eh.. "
" Tss.. Why did you tell Lourenz that you are my girlfriend? "
" Eh girlfriend mo naman ako ah? "
" Hilary alam mo -- "
" Hey chillax Louiice, girlfriend means babaeng kaibigan para sa akin. Sa kanya na yun kung ano ibibigay nyang meaning sa sinabi ko. "
" Ewan ko sayo.. Ano ba ang ginagawa mo rito? " Pag-iiba ko ng usapan.
" Well, " Umikot sya sa harap ko at ngumiti. " Alam kong matutuwa ka sa ibabalita ko, dito na ako magpapatuloy ng study ko. Lagi na tayo magkakasama, Baby boy.. "
Eto na naman ang nararamdaman ko, ang pagkalito sa dapat kong maramdaman. May isang bahagi ng puso at isip kong nagsasabing tila di ko gusto ang binalita nya.. na di ako masaya dahil palagi ko na syang makakasama. Di ba dapat matuwa ako? Dahil andito na sya.. Dahil andito na ang babaeng lihim kong minamahal. Nandito na ang bestfriend kong matagal na inaantay.. Pero paano si Lourenz? Si Sungit! Tsk. Bat ba iniisip ko pa sya..
" Bakit natulala ka Louiice? Tila di mo gusto ang sinabi ko? "
" No.. Masaya ako.. Masaya akong magkasama tayo lagi. "
" Great! Tara, let's eat meryenda.. "
" Okey.. " Wala na akong nagawa kundi ang magpatianod na lang. We're on our way to canteen nang makasalubong namin sina Jude at Enzo.
" Hilary, ikaw ba yan? " Si Jude agad ang unang nakapansin sa amin. Napatigil kami ni Hilary sa paglalakad at inintay lumapit sa amin si Jude ng husto.
" Yeah, Jude.. "
" Di ka pa din nagbabago, maganda ka pa rin. " Anito.
" Haha! Di ka rin nagbabago, bolero ka pa rin.. "
Nagkatawanan ang dalawa.
" Kamusta naman ang buhay states, Hilary? " Mula sa likod ni Jude, nagsalita na si Enzo. Nakapamulsahan etong lumapit din sa amin.
" Hmmm, good. Enjoy ang pananatili dun.. " Sagot ni Hilary.
" Siguro naman nakalimot ka na sa nangyari sa atin noon? Haha. " Ang sagwa talaga ni Enzo gumamit ng word. Tiningnan ko si Hilary kong ano ang magiging reaksyon nito at di ko inaasahan ang nakita ko, sa halip na magalit o mainis sya sa tinuran ni Enzo. Tumawa lang sya, parang di man lang sya naapektuhan.. Na parang walang nangyari sa kanya at hindi makikitang na-broken hearted sya ni Enzo. Ibang iba sa dati na apektado sya kay Enzo. Bumitiw sya sa pagkakahawak sa akin.
" Haha! Matagal ko ng kinalimutan ang nangyari.. Infact, nung nasa amerika ako, i realize something, may matagal na pala akong mahal pero di ko napapansin dahil nabulag ako sa pagtingin ko sayo.. Anyway, nagkamali lang ako dating iniyakan kita.. Sayang ang luha ko, your not worth it. " Tinap ni Hilary ang balikat nya.
" Oh? Did you here it Enzo? Ouch! " Ang pang-asar na sabi ni Jude.
" Haha! Jude, ouch ka dyan.. As if naman, affected ako.. Psshh! "
" So, sino naman ang tinutukoy mo Hil? "
" Hmm, sooner or later malalaman nyo din.. " Tapos bumalik sya sa akin at inaangkla na naman ang braso nya. Dati rati ginagawa naman nya eto pero ngayon parang naiinis na ako. Sa paningin ng iba baka girlfriend ko na 'to.. Tsk! Ano kaya ang iisipin ni Lourenz sa sinabi ni Hilary? Ayaw kong mag-isip siya nga masama sa makikita nya sa amin.
Erk! Bakit ko pa ba iniisip yun! Naguguluhan na talaga ako!
Lumipas ulit ang mga araw, tulad ng dati, hindi na naman kami nagkausap ni Sungit after nung activity na yun. Pakiramdam ko parang iniiwasan namin ang isa't isa.. Siguro mas mabuti yun para makapag-isip ako kung ano ang nararamdaman ko.
Naging estudyante na rin ng Westbridge si Hilary. Business Management pala ang course nya at nasa 3rd year na sya ngayon. Dito nya pinagpatuloy ang pag-aaral nya.
Ang ex naman ni Lourenz, tila bulang naglaho sapagkat di ko masyadong nakikita. Hmm..
Wala na din akong masyadong balita about sa pustahan namin nina Enzo kay Courtney. Di na kasi ako gaanong pumupunta sa tambayan namin saka sinabi ko na sa kanilang ititigil ko na ang pagpusta ko kahit ayaw nila pumayag.
" Ang lalim ng iniisip mo, Louiice.. "
" Ikaw pala Hilary.. Tapos na klase mo? " Umupo sya sa tabi ko. Nasa ground kami ngayon at umuupo sa isa sa mga benches dun.
" Yep.. Tara, let's go around.. Nakakabore kung dito ka lang nakatunganga eh. " She stands and grab my hand.
" But Hil.. "
" Sige na.. Minsan lang eh.. " I sighed.
" Okey.. " Tumayo na rin ako.
" Yes! " Eto na naman, nakalingkis na naman ang mga kamay nya sa braso ko.
Sakto isang hakbang ko palang, may tumama sa mukha ko na di ko alam kung saan galing. Naramdaman ko na lang na nakaupo ako sa lupa at sapo ang gilid ng labi ko. Nang tingnan ko ang mga kamay ko, may dugo.
" God Louiice! Putok ang labi mo! " Hinawakan ni Hilary ang mukha ko at may hinarap sya. " Why did you do that huh? " Tiningnan ko kung sino ang hinarap nya.
Its Aaron!
** Oops! Sorry kahapon, dapat mag-uupdate ako kaso dami ko gawain kaya di ko agad natapos.. Tapos nagexpire na ung load ko na pangsurf. >:) tss. Ill try to update every other day. Thanks nga pala sa nagvote/like ang comment.
BINABASA MO ANG
When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)
Teen FictionHi. I already change the TITLE OF THE STORY. So, baka magtaka ang iba. Title lang po ang napalitan ko. Pero yung laman, di naman. Pasensya na sa mga errors. Pakiunawa nalang po ;) Salamat sa mga naglagay sa RL nila at sa mga votes nyo. Na-appreciate...