CHAPTER 36
** may tumama kaya sa hula kung ano ang pabor na hihingin ni Ice kay Terrence? Wala siguro? XD For Valentine Treat ko po ang update na 'to para sa inyo. Enjoy reading!
*Ice's Pov*
" Anong pabor yun? Basta kaya ko e, walang problema sa akin yun.. " Tumikhim muna ako bago sumagot sa kanya. Gagawin ko 'to para sa kanya. I love her.
" Pwede mo bang hanapin ang lalaking 'to para sa akin? " Inabot ko sa kanya ang isang picture ng tinutukoy ko.
" Teka, si Renz 'to ah! Hawig e. At tatay nya ba 'tong katabi nya? "
" Oo, papa yan ni Sunget. Kuha yan 7years ago bago naghiwalay ang mama at papa nya. Gusto ko syang ipahanap sayo kung maari. "
" Depende kung bakit mo sya pinapahanap. " Pinitik pitik pa nya ang litrato.
" Nakwento ni Mama na iniwan daw sina Sunget ng papa nya dahil sa isang babae. Pinagpalit sila ng kanyang papa sa kabit nito. I know Lourenz love her Dad despite of what he did. Though, galit pa rin sya dito. Gusto kong magkaayos silang mag-ama. Matagal ng panahon ng huli silang nagkita kaya alam kong namimiss na nila ang isa't isa. " Kaya siguro galit si Sunget kay Aaron dahil kagaya nya, pinagpalit din ang mama nya sa ibang babae ng kanyang papa. Parang natrauma sya. I am lucky na minahal ako ni Sunget. Buti na lang di sumara ang puso nya dahil sa ginawa ni Aaron at ng papa nya. Kahit nahahalata ko na aloof sya sa mga boys at galit ng konti. " Ano Terrence? Pwede ba? " Hinintay ko ang sagot nya. Baka tumanggi kasi sya. Nagliwanag ang mukha ko nung tumango sya.
" No problem! Madali lang 'to para sa akin. Don't worry, just give me 2weeks. Makikita ko na ang papa nya. Ako pa! Si Terrence 'to e! Iba talaga ang nagagawa ng 'Pag-ibig'. Oh sya, una na ko! Suyuin mo na ang masungit na syota mo, ikaw din! Baka unahan kita. Haha. " Tawa tawang naglakad palayo sa akin ang batang depektib este detective pala. Mabait din pala sya, tuso nga lang. Kahit papaano, bahagyang nawala ang inis ko sa kanya dahil sa pabor na hiningi ko. Kung hihingin ko ang tulong nya para kay Sunget, di ko na kelangan yun. Gusto kong ma-win ulit ang heart nya sa sarili kong pagsisikap. Kasalanan ko naman lahat e. Dapat paghirapan ko. Ang dami ko ng kasalanan sa kanya.
Namimiss ko na yung pananapak nya, pagsusungit at higit sa lahat yung pagnanakaw ko ng halik sa kanya. Nakakamiss talaga yun. Saka yung ano.. yung ano.. pero slight lang! Sayang! Akala ko talaga buntis sya nung sinugod sya sa clinic. Pero one month? At isang beses lang? Nakabuo na ko? Haha. Pag nangyari yun, wala akong mintis. Ang tindi ko talaga kung nagkataon! Pero, bata pa kami. Ayaw kong ilagay sa isang responsibilidad si Sunget na di pa sya handa. Baka lalo pa syang magalit kapag nabuntis sya kaya ayos lang na di kami nakabuo. Madami pang pagkakataon para dun. Ikakasal pa kami. Wahahaha!
Ilang araw na din ang nakalipas simula nung iwan ko sya sa clinic. Kelan kaya nya ako mapapatawad? Nakausap na kaya ni Mama yung mama ni Sunget? Ano kaya ang magiging reaksyon nya kapag nalaman nyang ikakasal na sya? Wooh. Excited na ko. Sobra! Nakahanda na ang engagement party, sya na lang hinihintay ko. Kinakabahan ako. Naku! Seryosohan na talaga 'to at wala ng urungan.
*Lourenz's Pov*
" WHAT?!? Nagbibiro ka ba, Mama?! " Isang araw na din ang nakalipas nung nangyaring mahimatay ako sa music room. Sa sobrang pagpapagod ko at pag-iisip yun ang nangyari sa akin. Tapos ngayon, feeling ko mahihimatay na naman ata ako sa sinabi ni Mama sa akin.
" Mukha ba akong nagbibiro, Lourenz? " Dang! Seryoso nga!
" Ma! Ano ang pumasok sa isip mo na ipapakasal mo ako? At sa ICE FERNANDEZ pa na yun? " Kung minamalas ka nga naman oh!
" Oh? What's wrong with that? He's nice and gentleman. Saka nakikita ko namang okey kayo. Lagi ka nga nya hinahatid dati e kaya di imposibleng di mo sya mahalin. Hindi pa naman kayo ngayon ikakasal eh, pagkatapos na ng graduation nyo. Engagement lang ang mangyayari ngayon.. "
" Nice at gentleman? Weeeh? Baka hambog, bastos at makapal ang mukha kamo.. Ang kulit pa! Sarap ingudngod sa sahig! " Bulong ko.
" May sinasabi ka, Lourenz? " Narinig pa ni Mama na bumulong ako.
" Wala po! " Nakakaasar talaga!
" Bagay kayo ni Ice, anak. Wala naman akong nakikitang masama sa sinabi ko.. " Ang kulit ni Mama.
" Whatever Mama! Di ako magpapakasal sa lalaki na yun. Never! I rather be single forever na lang kesa magpakasal sa Ice na yun! " Talaga!! Matapos ng ginawa ni Ice sa akin, di ko gugustuhing magpakasal sa kanya! The nerve! Di ko sya mapapatawad!
Di ko alam kung ano ang pumasok sa utak ng mama ko at bigla na lang nya akong ipapakasal sa Ice na yun! Arrange marriage. Masaya naman ako na single ako ngayon eh, uhh! Basta ayaw kong magpakasal at isa pa, wala palang alam si Mama sa nangyayari sa amin ni Ice. Hay naku naman! Ano bang nangyayari? Bakit ayaw mawala ni Ice sa buhay ko at ngayon magpapakasal pa kami! Waaah! Nooo way! Ang bata ko pa para magpakasal! Madami pa akong pangarap! Ayaw ko!
" That's final, Lourenz! Sa ayaw at sa gusto mo, mapapakasal ka kay Ice. Di na magbabago yun. Umu-oo na ako sa kanila at ayaw kong mapahiya kapag binawi ko pa yun! "
" Magdedesisyon naman kasi kayo na wala man lang pasabi sa akin e. Mama naman e! Nakakainis ka! Nilagay mo ko sa alanganing sitwasyon! "
" Pagpasensyahan mo na.. Ikaw lang ang iniisip ko. Para din naman sa'yo 'to e. Sa kinabukasan mo, hindi habang buhay makakasama mo ako lagi. Paano na lang kung wala na ako? Anak, iniisip lang kita kaya ko to ginawa. Sige, lalabas na ako. Magpahinga ka na.. " Pagkatapos nun lumabas na si Mama sa kwarto ko. Mixed emotions ang nararamdaman ko. Ginulo ko ang buhok ko sabay salampak sa kama.
Aaaah! Bat kelangang mangyari sa akin 'to? Bakit kelangan akong malagay sa ganitong sitwasyon? Ayaw ko namang suwayin si Mama pero naman e. Bat ganun pa.. Psh.
Teka? Narinig kong ikakasal sya nung isang araw? Does it mean ako yun? My goodness! Plinano nya ba 'to para di na ko makawala sa kanya?! Akala ko ba si Hilary.. Sira talaga yang Ice na yan! Ang labo! Sira talaga! Sira! Siraaaaaa sya! Sobrang sira!
*
" Plinano mo ba 'to? Sinasadya mo ba to, ha? Ice! " Pinagsusuntok ko sya. Di sya nagsasalita. " Bakit mo ba to ginagawa?! Bat mo ba ako pinapahirapan? "
" Di kita pinapahirapan! Alam nating dalawa na mahal mo pa rin ako. Kaya ko 'to ginagawa dahil mahal kita! Bat ba hindi mo yun maintindihan? Bat ayaw mo kong pakinggan! "
" Intindihin? Pakinggan? Matapos ng mga ginawa mo, gusto mong gawin ko yan! Isipin mo nga --- " Nagulat na lang ako nang hinapit nya ang bewang ko at hinalikan ang labi ko. Tinulak ko sya pero niyakap nya lang ako.
" Umphhh. Bastos! " Sa gulat ko, nasampal ko sya nung nagbitiw na sya sa akin. " Ganyan ka ba talaga! Dinadaan mo na lang sa halik at yakap ang lahat! " Sa totoo lang, namimiss ko ang halik nya. Ay! Landi!
" Dahil ayaw mong makinig sa akin. Please, i'm sorry! Pakinggan mo ako, kaya ako nawala dahil sa kapatid ko. " Napatigil ako. Kapatid? Wala naman syang nabanggit na may kapatid sya ah. Sabagay, di ako nagtatanong. " Let me explain okey? Pero mamaya na, pupunta pa tayo sa engagement party natin! Tara! Late na tayo.. Kanina pa nagtetext si Mama sa akin. " Hinila nya ako. He hold my wrist. Uwian ng time na kasi yun. Kahit nagprotesta ako, di pa rin nya ako binitawan. Ang kulit nya talaga! Di nagbabago! Alam kong ngayon ang party tulad ng sabi ni Mama pero ayaw kong pumunta. Di naman ako pumayag e.
" Pwede ba, Ice! Di ako pumapayag na magpakasal sayo saka pwede ba, masaya ka naman kay Hilary ah kaya sya na lang pakasalan mo! Ang sweet nyo nga nung nasa mall e. " Bigla na lang nya akong kinarga at nilagay sa balikat nya. " Waaah! Ano ba! Ibaba mo ako Ice! Siraulo ka talaga! Ano ba! " Pinukpok ko ang likod nya ng kamay ko pero ayaw pa rin akong bitawan. Nakakainis!
" Ikaw ang mahal ko, hindi si Hilary! Bestfriend ko sya kaya wag ka ng magselos dyan, OK! Kahit anong mangyari, ikaw lang ang papakasalan ko! Ang mahal ko! "
" Ako? Nagseselos? Duuuh! In your dreams! Di ako nagseselos nuh! "
" Di daw oh! I love you na lang. Hehe. " Tumakbo ang g*go pagkatapos nun! Tama ba yun? Parang di ako mabigat ah!
Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Sa totoo lang, wala akong makapang galit kahit di ko narinig ang buong paliwanag nya. Ewan. Di ko alam. Naiinis, oo pero galit? Di ko makita sa puso ko.. Aaminin ko, naeexcite ako sa engage party na sinasabi nya! At ang masaklap, nararamdaman ko talagang mahal nya ako! Kyaaaah! ~ Nakakaloka na 'tong nangyayari sa akin! Nadadala na ako ng apoy nyang YELO! Ano daw? Me ganun ba? Nyay!
BINABASA MO ANG
When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)
Novela JuvenilHi. I already change the TITLE OF THE STORY. So, baka magtaka ang iba. Title lang po ang napalitan ko. Pero yung laman, di naman. Pasensya na sa mga errors. Pakiunawa nalang po ;) Salamat sa mga naglagay sa RL nila at sa mga votes nyo. Na-appreciate...