---- Dedicated to sa isa sa mga favorite kong author ^______^
CHAPTER O8
*Aaron's Pov*
" Naiirita na ako Xynelle sa kakulitan mo! Di ba nga sabi ko di nga ako nagseselos dun! Kanina ka pa talaga sa mall! " nakauwi na kami at lahat lahat, di pa rin tumitigil si Xynelle sa kakadada na nagseselos daw ako kina Lourenz. Syempre di naman ako engot na sabihin kong 'OO' kahit na parang ganun nga ang nararamdaman ko.
Di ko nga talaga tiyak kung para saan ang nararamdaman ko..
- Dahil ba mahal ko pa din si Lourenz?
Pero imposibleng mahal ko pa sya, si Xynelle na ang gf ko ngayon..
- Dahil ba mas cool si Ice kesa sa akin? De joke lang.. ignore this option.
O
- dahil na-iinsecure o bitter ako kasi mabilis akong napalitan ni Lourenz.
Inis.. dahil di ko matanggap na ganun ganun lang ako kalimutan ni Lourenz, ang mga pinagsamahan namin dati?
Ewan ko lang. Di ko rin maintindihan kung bakit ko nararamdaman yun sapagkat ex ko na si Lourenz. Kahit ako hindi ko mapangalanan o matukoy ang tunay kong nararamdaman.
" Kung hindi, bat ganun ang reaksyon mo kanina? Di ba parang pagseselos yun? "
" Grabe ang kulit mo! Saan mo ba namana yan! Paulit ulit na lang! Sirang plaka ka na! Sinagot na ngang hindi eh patuloy pa din sa pangungulit! Kung wala ka ng masabing matino bukod dyan, mas mabuting umuwi ka na lang sa inyo! Wala na ako sa mood makipag-usap sayo! Nakakawalang gana! "
Pagkasabi ko naman nun ay sya naman ang pagbago ng anyo ni Xynelle. Ang pagiging makulit nya sa akin kanina ay naging paglalambing na ngayon.
" Sorry Aaron.. Sorry kung makulit ako.. Promise di na mauulit. Di na ako mangungulit at maniniwala na ako sayo.. Nainis lang ako kanina dahil akala ko nagseselos ka sa nangyari sa mall eh kaya kinukulit kita. " sabay lapit at yakap sa akin.
Lagi namang ganun eh! Pag alam nyang naiinis na ako saka sya nagkakaganun.. Parang superhero na nagtratransform pero syempre hindi ganun yun inihalintulad ko lang para mas maintindihan nyo ang tinutukoy ko.
Di sa pagmamayabang, head over heels ang pagka-inlove nya sa akin simula nung nagbreak sila nung ex nya.. Enzo 'ata ang name, syempre another story na yun..
" Next time kasi wag na mangulit pag sinagot ko na.. Paulit ulit na lang kasi kaya tayo nagkakaganito lagi eh. "
" Kaya nga sorry di ba? "
" Lagi na lang. "
Ganun talaga! Magsorry sya, okey agad kami.. Lagi kaming ganun kung minsan nakakasawa na kasi nga paulit ulit na lang. Napakaselosa kasi sya lalo na at pagdating kay Lourenz. Bakit pan ya pagseselosan ang nerd na yun?
*Xynelle's Pov*
Alam ko.. Nararamdam kong hanggang ngayon may pagtingin pa si Aaron kay Lourenz kahit di man nya aminin sa akin. Nakikita ko yun sa kilos nya at sa mata nya kung paano sya tumingin rito. Kanina, nung nasa mall kami halatadong naiinis sya sa nakita namin kahit ilang beses nyang dineny sa akin.
Swerte ng Lourenz na yun at si Ice pa talaga ang naging syota nya. Ang akala ko nung una magpinsan sila pero alam kong imposible at pinatotohanan yun nang tinanong ko para makasigurado. Nung isang araw ko lang nalaman na sya pala si Ice na barkada ni Enzo.. na ex boyfriend ko.. na minsan akong pinaluha at sinaktan. Well, that's was before! Si Aaron na ang new LOVE ko at mas mahal ko sya kesa kay Enzo kahit na minsan napasama ako sa mga koleksyon nya. Ang CASANOVANG si Enzo Perez! Kaya nga kahit alam kong me pagtingin pa si Aaron para dito ay pilit kong binabalewala dahil mahal ko talaga sya.. Kaya kong magbulag-bulagan para sa kanya.. Kaya kong mag-hintay kung kelan nya ako mamahalin uli ng lubusan nang wala na syang nararamdaman para kay Lourenz.
BINABASA MO ANG
When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)
Teen FictionHi. I already change the TITLE OF THE STORY. So, baka magtaka ang iba. Title lang po ang napalitan ko. Pero yung laman, di naman. Pasensya na sa mga errors. Pakiunawa nalang po ;) Salamat sa mga naglagay sa RL nila at sa mga votes nyo. Na-appreciate...