chapter 15

3.9K 77 3
                                    

CHAPTER 15

*Ice's Pov*

" Oh ano? Uwian na! Pwede mo na sigurong tanggalin na ang lintik na posas na 'to! " halos magkandausok ang ilong ni Sungit ng sabihin nya yun sa akin habang inaayos ang salamin nya gamit ang isang kamay na di nakaposas.

" Grabe ka naman! Di ko pa nga nasulit ang ganito nating sitwasyon eh. " mapang-asar kong sabi.

" Kung ikaw nag-eenjoy, ako hindi kaya tanggalin mo na kasi 'to. Ang sakit sakit na kaya ng kamay ko! "

" Kiss mo muna ako! " nakangisi kong sabi.

" Ano?! Sira ka talaga noh?! " pinaghahampas na nya ako ng kamay nya at ako naman sinasangga eto. Ang tapang talaga nitong babae na 'to at ang lakas pa makahampas. Amazona ata 'tong si Sungit eh! Daig pa ako kung manakit eh!

" Kalma ka lang nga! Ang sungit sungit mo talaga! " tapos hinila ko siya sa kung saan.

" Hoy Hoy! Saan mo na naman ba ako dadalhin? Para mo lang akong aso ah! "

Di ako sumagot at patuloy lang ako sa paglalakad hanggat napatigil ako sa may isang pinto.

" ICE!!! Argh! "

" Ano ba Sungit! Sakit sa tenga ang sigaw mo! " reklamo ko.

" Bastos ka talaga! Bat mo ko dinala dito?! "

" Uy! Di kita dinala dito! Napasama ka lang kasi nakaposas tayo dalawa at isa pa, naiihi ako noh! " sabi ko naman.

" Eh di tanggalin mo na to! Bat kelangang isama mo pa ako! Bastos ka talaga! " di ko siya sinagot at pumasok na ako sa CR ng mga lalaki. May mga iilang estudyanteng lalaki pa dun na pinagtitinginan kami. Pagtataka at pagkagulat ang mga nasa mukha at mata nila bago sila lumabas ng banyo.

" Ice! " she hissed.

" Hehe. Wag ka na kasi umangal! " bulong ko naman bago pumasok sa cubicle.

" Nakakadiri! Ehh.. Nakakainis talaga! Bastos! Manyak! Pervert! " kahit nasa loob na ako ng cubicle dinig ko pa rin ang bulong nya.

" Ang ingay mo.. " lumitaw ang ulo ko sa konting nakasingaw na pinto kasi di nakasara sapagkat nakaharang ang mga kamay naming nakaposas.

" WAAAAAH! Bastos! WAAAH! Tulong! Bastos! "

Anak ng tipaklong! Ang ingay ng babaeng 'to! Gusto nya bang maeskandalo. Dali dali ko siyang hinila papasok sa cubicle at no choice na.. hinalikan ko siya para tumahimik.

" Uhmmphpp --- " pumalag siya pero dahil malakas ako di nya ako nakayang itulak.

Ang sarap nya talaga halikan! Haha. Di nakakasawa. HAHAHA.

Hanggang sa di siya kumilos kaya binitawan ko na siya.

" Mabuti naman tumahimik ka na.. Nakakairita na kasi kaingayan mo. " at lumabas na ako sa cubicle kasama siya.

" Bastos ka talaga! "

" Sige mag-ingay ka pa! Baka di lang halik ang magawa ko sayo. " nakita kong parang nangilabot siya sa sinabi ko at natahimik bigla.

Good! Di ko mapigilang ngumiti ng todo.

Tahimik lang siya hanggang sa lumabas kami patungong parking lot pero napatigil ako sa paglalakad nang makita ko kung sino ang nakasandal sa kotse ko. Si Hilary.

Pagtataka ang unang nakita ko sa mukha nya. Siguro dahil sa sitwasyon naming dalawa ni Lourenz.

" Louiice? " umayos sya ng tayo.

" O-Oh.. Hilary, bakit andito ka pa? "

" Hinintay kita para sabay sana tayo umuwi kaya lang.. " pinasadahan nya ng tingin kaming dalawa. " kaya lang mukha busy ka at may kasabay ka na.. "

" Its not what you think -- " agad na sagot ni Sungit pero agad ko ding sinalo.

" Hil, I'm sorry next time na lang siguro. "

" Okey, sige. " nakita ko ang lungkot sa mukha nya sa sinabi ko at nang nakalayo na si Hilary saka naman nagsalita si Sungit.

" Nakita mo ba reaksyon ng girlfriend mo? Bat mo sinabi yun? Sira ka talaga! " sabay batok sa akin.

" Aray ko naman! Nagger ka na nga, amazona pa! For your information.. " sabay duro sa akin sa noo.

" Ano ba! " tinapik nya kamay ko.

" Bestfriend ko lang si Hilary at di GF. Hindi ko sya GF. Okey? At saka pa, yaan mo siya kaya na nyang umuwi mag-isa kahit di nya ako kasama. " I walked towards to my car after that.

" Ganyan ka pala! Hmp. Ang gaspang din ng ugali mo! " Narinig kong sabi nya mula sa likod ko na nakasunod sa akin.

" Di naman ah! Nagsorry naman ako eh.. Saka ikaw gusto ko kasama ngayon. "

" Ano yun? Tapos bukas siya naman? " sarcastic nyang sabi.

" Oh? Don't tell me gusto mo kaw palagi kong kasama? Haha. Kung hihilingin mo sa akin yun, why not? "

" Siraulo ka talaga! Wala akong sinabing ganun! Slow mo pala eh! Di mo nagets mine-mean ko. "

" Hmmm, obviously hindi at ayaw kong intindihin ang mga sinabi mo. Ang mahalaga sa akin ngayon ay kasama kita buong araw. Nag-enjoy ako kahit sinasaktan mo ako at inaaway. " Gusto ko rin naman sana kasabay si Hilary kaya lang nauna kong gustong kasabay si Sungit. Gusto ko syang kasama ngayon at isa pa nangako ako sa Mama nya na babantayan ko anak nya.. Ahhh! Basta! Ang hirap naman ng sitwasyon ko na 'to! Kelangan ko na sigurong mamili between them. Para di na ako mahirapan ng ganito.

*Lourenz's Pov*

Speechless ako sa mga sandaling yun after sabihin ni Ice yun sa akin. Ang mahalaga daw sa kanya ngayon ay naeenjoy siya sa ginagawa namin.. na kasama ako. Kung girlfriend nya ako, i'm sure kikiligin ako sa mga mabulaklak nyang sinasabi kaya lang malayong mangyari yun at imposibleng kiligin ako. Ako? Kikiligin? Ano siya siniswerte? Sinabi ko lang yun.. Pero di ko sinabing kikiligin talaga ako.

Sa totoo lang, inis na inis ako sa pinaggagawa ng kumag na 'to. May posas pang nalalaman para di daw kami magkahiwalay. Duuh! Ang weird lang nya! Ganun na ba talaga siya kadisperado na makasama ako?! Okey lang siya?? Pero sa katagalan ng sitwasyon namin parang naeenjoy na ako. Weird nga eh.. kaya lang nung pauwi na kami, nakita namin si... si Hilary. Bestfriend nya daw? At hindi girlfriend.. Ewan ko lang pero naapektuhan ako sa reaksyon ng Hilary na yun. Dahil sa akin di sila sabay umuwi, si Ice yelo kasi na 'to! Daming pakulo sa buhay.. Ang gulo nya! Alam nyo ba yun?! Pati ako nahahawa sa kaweirduhan at kamongoloidan nya! Haha. Joke lang!

" Uy! Ano tinutungatunganga mo dyan? Tara na! Sakay na! Ang bigat mo kaya hilahin kung alam mo lang.. " Ice snap his finger in my face at dun parang natauhan ako.

" Wag mo na ako ihatid! May kotse ako! "

" Tss. Yaan mo na! Ihahatid na kita.. Wag ng makulit! Baka halikan kita ulit dyan eh! Ang sarap mo pa naman halikan! Lambot ng labi mo. Hahaha! "

Argh! Manyak talaga 'tong lalaki na to. " Manyak ka! Argh! " sasapakin ko na sana siya kaya lang napigilan nya ang kamay ko.

" Oh! Oh! Masakit na ha! Masakit na dyan! Dito naman sa kabila. Nakakarami ka na kasi dyan.. " sabay bago ng posisyon ng ulo. Gusto kong matawa sa ginawa nya. Sinapak ko nga. Haha.

" Yan! Pantay na ang sakit. " tapos ngumiti siya. Yung ngiting nakakapanghigop ng lakas.. Yung para kang matutunaw at nauupos na kandila.. " I really enjoy what happen today. Tara pasok na.. " yakag nya na pumasok sa kotse nya.

Yung ngiti na yun.. may iba akong nararamdaman. Di kaya?

-----
Charaaaaaan! Haha. Yeeah! Si Ice talaga oh.. :))) Iloveyou Ice. hehehe. 

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon