chapter 9

4.7K 87 7
                                    

CHAPTER 9

*Lourenz's Pov*

" Bwesit ka talaga! Ano ba bitawan mo nga ako! " inis na inis ako. Kaw ba naman hilahin ng lalaking to ng walang pasabi at magtatakbo kayo sa gitna ng hallway tapos pinagtitinginan pa kayo ng mga tao, di ka ba maiinis? Siguro ikaw hindi kasi nga gwapo sya, cool, titig pa lang matutunaw ka na.. Eeh ako? Naiinis! Sobra!

Ooops! Me sinabi ba akong gwapo sya? Oh well, siguro nga! Tsk.

Simula nang makilala ko sya, madami ng nangyari sa akin. Lahat ng ginagawa nya, napapahamak ako o napapahiya! Hay ewan! Kaasar lang ha?

" Ano ba! Bitawan mo nga ako sabi eh! " pero ayaw nya akong bitawan, ni hindi nga yata nya ako naririnig eh dahil todo ngiti sya na parang baliw hanggang sa nakarating na kami sa classroom namin.

" We're here!  " anunsyo nya sa akin tapos humarap sya pero di pa rin ako binibitawan.

" Siraulo ka talaga! " tapos nagpumiglas ako sa pagkakahawak nya.

" Sungit! " tapos bumelat sya sa akin at binitawan na ang kamay ko then pumasok na sya sa classroom.

Bat ba lagi na lang ako inaasar at ginalit ng taong eto. Umiling iling na lang akong sumunod sa kanya.

Buti na lang at hindi pa ako late kaso katabi ko na naman si Ice na to. Kung pwede lang mag-exchange seat eh ginawa ko na para di ko na sya makatabi at makasama eh.

" Bat ganyan ka makatitig dyan Miss Sungit? Me dumi ba ako sa mukha? " nakangiting sabi nya sa akin as i taking my seat and he try to hold my face pero umiwas ako dahilan para mahulog ang salamin ko dahil sa pag-iwas ng mukha ko.

" Sh***t! " napamura ako sa nangyari. Nasabi ko na bang kaya ako me salamin dahil di ako masyadong nakakakita pag walang salamin? Bukod sa blurred ay nearsighted din ako.

" N-Nasaan na yun! " bumaba ako sa upuan at kinapa kung saan banda nahulog ang salamin ko.

" Mas maganda ka pag walang salamin, Miss Sungit.. " kahit di ko klarong nakikita ang mukha ni Ice, alam kong ngumingiti sya sa pagsabi nun.

Di ko na lang sya pinansin at patuloy lang ako sa pagkapa ng salamin ko. Di ko talaga mahanap.. Asar!

Asan na ba yun? Leche naman! Mahanap ko lang yun, makakatikim ka sa akin, Ice!

" Hey! Anong kinakapa kapa mo dyan? "

" Engot ka ba! Di ba obvious na hinahanap ko ang salamin ko na nahulog?! "

Nakakainis! Di ba nya halatang di ako makakita ng maayos.

" Eto ba? " narinig kong tanong nya tapos tumingin ako sa gawi nya at naaninag kong may kinukumpas sya sa mukha ko. I think it was my glasses.

" Give it to me! " i try to grabbed it pero di ko mahawakan ang kamay nya. Pasalamat lang sya di ako makakita ng maayos.

" Di ka pala makakita ng maayos pag walang salamin. Sorry ha? Di ko sinasadya.. Gusto ko lang hawakan ang mukha mo eh.. " sabi nya sa akin ng sobrang lapit. Ramdam ko yun.. Alam kong malapit sya ng husto sa akin. Baka nga nakaupo din sya para magka-level na kami.

" Please ibigay mo na ang salamin ko.. I can't live without that thing.. " i said with a low and surrendered voice. Suddenly, i feel something in my face. Doon ko nalamang nilagay nya ang salamin ko sa mga mata ko.

" Sorry.. " in his voice, i feel the sincerity pero kahit pa, naiinis pa din ako sa ginawa nya.

" S-Sa susunod kasi umayos ka naman.. Di na nakakatuwa ang pang-aasar mo sa akin eh! " inayos ko ang salamin ko at pati pagkakaupo ko.

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon