CHAPTER 45
** sa palaging nagtatanong kung may update na ako o kung kelan ako nag-uupdate, walang SPECIFIC DATE kung kelan basta nag-aupdate lang ako nito kapag on mode ako magsulat. :) Matuto po sana kayong maghintay kasi isa isa ko po kasing inaupdate ung mga kwento ko. Madami kasi. Hehe. Kaya nga tinatapos ko na ang iba para hindi ako kulitin ng ibang readers at konti na ang iaupdate ko. Salamat! Enjoy readers! And btw, read nyo din po ung MY HIGH SCHOOL EX GIRLFRIEND. Thank you! ^^
*Ice's Pov*
" Hello, napatawag ka? " tanong ko sa kabilang linya na tumawag sa akin.
" Nangangamusta lang! Hahaha. Masama ba? Baka kasi patay ka na eh." dinig kong tawa niya. Sarap batukan kung nandito lang siya at kaharap ko. Lakas mang-asar eh.
" Buhay pa ako. Ulol! Oh ano na? Kamusta kayo ni Courtney dyan sa Baguio? Paskong pasko kaya malamig na malamig dyan. Naka-score ba? " biro kong sabi.
" Siraulo! Ano ka! Di ako katulad mo noh? Gentleman kaya 'to! " dama ko ang pagmamayabang niya sa kanyang tono ng pananalita. Natawa na lang ako sa sinabi niya.
" Oo na! Ikaw na! Pag casanova kasi playing safe daw para hindi sumabit. Haha. " biro ko ulit. Ganti ganti lang yan e.
" Uy! Uy! Noon yun, ngayon hindi na. Good boy na kaya 'to noh! At saka, ginagalang ko si Courtney kaya wag mong isipin na naka-score na ako sa kanya.. Matagal ko ng ginawa yang iniisip mo kung gago akong lalaki. OK? "
" Haha. Ok ok, Enzo. Chill lang ah! Alam ko yun, labs na labs mo si Courtney eh.. Di ka gagawa ng bagay na alam mong ikakagalit niya at kung nagawa mo nga yung sinasabi ko, i'm sure papanindigan mo naman yun dahil mahal mo siya. Di ba? "
Pagkatapos naming mag-usap ni Enzo, tiningnan ko si Sungit na busy sa pagtatampisaw sa tubig dagat. Tumayo ako at lumapit sa kinaroroonan niya. " Babe.. " lumingon siya sa akin.
" Hmmm, sinong tumawag sa'yo? " tanong niya na nakatingin sa akin.
" Si Enzo lang. Nangangamusta ang unggoy. " ngumiti siya tapos lumapit ako ng husto sa kanya. Bahagyang nabasa pa nga ang suot ko na pantalon dahil sa talsik ng tubig pero hinayaan ko na lang. Napakaganda niya talaga kahit simple lang ang suot niya. Ang babaeng kinukulit ko dati ay ngayon ay gf ko na. Siya yung babaeng ang hirap kunin ang pangalan. Siya ang napakamasungit na babae na nakilala ko. Pero kahit anong imperfections na meron siya, hindi na mahalaga sa akin yun. Mahal ko siya kung ano pa siya. Kahit siya pa ang pinaka-Amazona sa lahat ng mga amazona, ayos lang. Kontento na ako kung ano ako meron ngayon. Ang saya ko nga eh pero hindi pa lubos dahil hindi pa kami okey ng kapatid ko. Sana maalala na niya ako. Hay.
" Ahh.. " hinawakan ko ang kamay niya at dinala yun sa mga labi ko.
" Mahal na mahal kita, Lourenz. " mahinang usal ko.
" Mahal na mahal din kita, Ice. " napangiti ako pero agad din yung nabawi dahil napaisip ako.
" Teka nga muna, bakit hindi mo yata ako tinatawag na Babe? " pagtatampong puna ko sa kanya. Wala kasi akong maalala o matandaan na tinatawag niya akong bhabe eh. Nakakatampo talaga.. Palaging Ice na lang kasi ang naririnig ko. Walang endearment. 'tong si Sunget talaga, walang sweetness sa katawan. Hay. Sarap yakapin ng mahigpit at pugpugin ng halik. Haha!
" Ha? Tinatawag kaya kita ng ganun minsan.. Di mo lang maalala.. " eh bakit kasi minsan lang, di ba? Paano ko kaya maaalala yun? Naku naman oh!
" Wala akong maalala noh! Kahit minsan, hindi mo tinatawag yan sa akin. Kahit anong endearment, wala talaga. Ang daya ni Sunget talaga eh! " Ngumuso ako. Wala naman talaga e. Pramis! Huhu.
" Hala? Natawag talaga kita ng ganun e. " pamimilit niya pero talagang WALA akong maalala! Hmp. Sorry na lang siya. Binitawan ko ang kamay niya at tinalikuran ko nga siya.
BINABASA MO ANG
When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)
Teen FictionHi. I already change the TITLE OF THE STORY. So, baka magtaka ang iba. Title lang po ang napalitan ko. Pero yung laman, di naman. Pasensya na sa mga errors. Pakiunawa nalang po ;) Salamat sa mga naglagay sa RL nila at sa mga votes nyo. Na-appreciate...