CHAPTER 16
* Yehey! Nakapagud din. Pasensya na. Load at time ang problema eh talaga. I hope maintindihan nyo. Btw, enjoy reading my UD. tsup. :)
*Ice's Pov*
Dinala ko sya sa dining table namin. Pinaghanda ko sya ng masarap na meryenda. Para sa kanya lang at espesyal yun para sa babaeng mahal ko. Bukod kasi sa pagkanta at paggigitara, hilig ko ding magluto. Ewan ko ba kung bakit yun kasi mukhang di bagay sa personalities ko, basta nagising na lang ako isang araw na love ko na ang pagluluto. Kaya sakto talaga ang course na pinaglipatan ko dahil kay Sunget. Yung tourism kasi is just my parents want, pinagbigyan ko lang sila. Di ko rin kinakatuwang mayaman kami as in sobrang yaman. My family owns the Westbridge and nobody knows about it even my friends. Di ko na kelangang ipagsabi pa yun. For what di ba? Magyabang? Gusto ko lang ng simpleng buhay.. buhay na magagawa ko ang lahat ng gusto ko. Makulit si Sunget anytime. Makasama sya na walang alangan, walang sagabal. Basta free akong gawin lahat without hesitation. Walang iisipin. Okey na ang ganitong walang nakakaalam na kami ang may-ari ng school na pinapasukan ko.
Kanina nang tinanong ako ni Sunget kung sino ang babaeng nasa litrato na nasa may sulok ng bahay namin, di ko alam ang sasabihin. Hangga't maaari kasi ayaw ko ng pag-usapan ang nakaraan. Nakaraang pilit kong tinatakasan. Pilit kong kinakalimutan.
Kasalanan ko ang lahat.. Kasalanan ko kung bakit nawala ang kapatid ko at di namin alam kung buhay pa ba sya sa pitong taong nakalipas. Wala kaming ideya kung nasaan na sya ngayon. Kung okey ba sya kung nasaan man sya ngayon.
Seven years ago, nag-outing kami ng pamilya ko, niyaya ko sya maligo sa dagat. Ang masaya sanang pagliwaliw ay trahedya pala para sa amin. Habang naliligo kami, di ko alam na nadala ko na pala sya sa malalim na parte ng dagat. Akala ko, she just teasing me na nalulunod sya dahil magaling naman syang lumangoy. Yun pala totoo na pero di ko pinansin, pinabayaan ko sya. Naging pabaya akong kuya. Di ko nagawang iligtas sya. Sinubukan ko syang hanapin nun pero bigo akong makita sya maging nina papa hanggang inabot ng ilang araw ang paghahanap namin sa kanya. Kahit anino nya, di namin nakita. Simula nun, sinisi ko ang sarili ko sa pagkalunod nya at hanggang ngayon, umaasa kaming makikita pa sya kahit imposible. May pag-asa akong nararamdaman na magkikita kaming muli ng kapatid ko dahil di pa natatagpuan ang bangkay nya hanggang ngayon. Tiwala lang! Alam kong darating din yun pero di ko alam kung kelan.
Buhat ng mawala sa amin ang kapatid ko, ginawa ko na ang lahat para maging mabuting anak kina papa at mama. Alam ko, sinisisi din nila ako sa pagkawala ng kanilang anak. Kung maaari ko lang ibalik ang nakaraan, ibabalik ko. Ibabalik ko kung saan humihingi sya ng tulong at agad ko syang sasagipin. Namiss ko na sya. Namimiss ko na ang nag-iisang kapatid ko. Siguro kung narito sya, di ko na kelangan maging perfect na anak sa magulang ko. Di ko na kelangang magpretend sa mga magulang ko na di ako nagkakamali. Yung wala silang ineexpect sa akin. Mahirap kasi eh.
Buti na lang nakilala ko si Lourenz. Simula nung nakilala ko sya, pakiramdam ko kahit di ako ang magaling sa mga mata ng magulang ko basta kasama ko siya, okey na ang lahat.
Kanina nung nasa kotse kami, ewan ba! Pero sinaniban ata ako ng masamang aura at ginawa ko yun, mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko.
Ano ba yan! Hirap magpakaseryoso noh? Hirap din maging okey kahit alam mong di naman? Sa buong Westbridge, ako ang Ice na makulit, madaldal, cool pero di nila alam, tao lang din ako. Nasasaktan, nalulungkot, nahihirapan at may nararamdaman.
" I-Ice? " Uh? Napalalim ata ang pag-iisip ko.
" Ah! Sorry! Sige kain ka pa! " nakalimutan kong kumakain pala si Sunget at kasama ko sya. " Para sayo talaga yan. " Vack to normal na naman. Di bagay sa akin ang magpakasenti. Nginitian ko sya.
BINABASA MO ANG
When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)
Teen FictionHi. I already change the TITLE OF THE STORY. So, baka magtaka ang iba. Title lang po ang napalitan ko. Pero yung laman, di naman. Pasensya na sa mga errors. Pakiunawa nalang po ;) Salamat sa mga naglagay sa RL nila at sa mga votes nyo. Na-appreciate...