chapter 34.2

2.4K 51 6
                                    

*Karugtong*

" Ice, seryoso ka ba sa sinasabi mo? Talagang gusto mong pakasalan yang si Lourenz at nagpapatulong ka sa amin? "

" Yes Ma. Please? I love her so much. Please? Alam kong makakausap mo ang mama nya para sa akin.. "

" You know what Son. Single parent ang mama ng gf mo? Binubuhay nya ang kanyang anak sa sarili nyang kayod. Ayaw kong pinagloloko mo sila. Mabuti silang tao. I want 101% sure na desidido ka sa sinasabi mo. Ayaw kong mapahiya sa oras na binawi mo ang pinaggagawa mo na ito.. Pwede kitang tulungan sa nais mo pero gusto kong pag-isipan mo muna ang bagay na yan. "

" Pinag-isipan ko na ito, Ma. Isa pa, may nangyari na sa amin kaya ayaw ko ng sayangin ang pagkakataon baka pumalag pa sya sa akin.. " Kaya pala di ko nakikita ang papa nya at wala rin syang nababanggit. Pareho pala kaming may mahal sa buhay na wala sa tabi namin ngayon.

" You really love that girl so much huh? "

" That's my son. Mana sa tatay. Haha. " Siniko naman ni Mama si Papa. Napapansin ko na palagi na ata silang nasa bahay this past few days. Nakakatuwa naman.

Masaya talaga ako sa nangyayari. Okey na ang lahat, kay Sunget na lang hindi. Planado na ang lahat lahat.

**

Tapos na ang isang buwan na binigay ko sa Terrence na yun. Wala akong alam kung ano ang pinaggagawa nya kay Sunget dahil di ako pumapasok. Sana lang ako pa rin ang mahal nya dahil sa oras na hindi, sasapakin ko ang Terrence na yun! Pero may tiwala ako kay Sunget.

" WHAT? "

" ANO? Magpapakasal ka na?! Ang bata mo pa para dyan! Nababaliw ka na talaga, Yelo! 19 ka palang tapos 17 pa lang yung Amazona na yun.. " Pinag-uuntog ko ang mga ulo ni Jude at Enzo.

" Engage pa lang.. After college ang kasal. Ano ba kayo! "

" Wow ha! Di ka naman nagmamadali sa lagay na yan. Ni pa nga kayo nag-iisang taon, engage na. Tindi mo pre. "

" Haha. Ganun talaga! Nakita ko na ang babaeng para sa akin kaya di ko na sya papakawalan pa. "

Pagkatapos kong kausap ang dalawang unggoy, pumunta ako sa Music Club para hanapin si Sunget. May nakapagsabing dun daw sila nagpapractice kaya agad akong nagtungo dun. Namimiss ko na sya. Alam kong sobrang galit ang sasalubong sa akin pero okey lang. Para sa kapatid ko 'to at para sa kanya. Nakita ko sya agad sa pagpasok ko palang sa kwarto. Nakaupo at kinakausap ni Courtney.

Nang papalapit na ko sa kanila. Bigla na lang natumba si Sunget sa pagkakatayo. Nawalan sya ng malay.

" Lourenz! "

** teka. teka! May magrereklamo kayang bitin to? Naku! Babatukan ko! hoho. Pag maikli, reklamo pag mahaba, rereklamo pa rin ba? Hmp. Magulo na kayo!

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon