CHAPTER 15.1
*Lourenz's Pov*
Habang sa daan kami pauwi, minamasdan ko lang siya na nagmamaneho.
Weird. As in weird. Swear!
" May ginawa ka ba sa mukha mo? " Bigla kong tanong sa kanya.
" Ha? Wala ah! Bakit mo natanong? May dumi ba? " Bahagya siyang lumingon sa akin pagkatapos nya tumingin sa salamin ng kotse.
Umiling ako. Bulag ba ako o ngayon ko lang napansin? Kung kasalanan man ang sasabihin ko, sakalin nyo na ako pero.. pero.. ang GWAPO NYA! kyaaaaah! Oo, ang gwapo nya sa paningin ko ngayon! Di ba weird talaga? Kasi napapangitan ako sa kanya at ayaw na ayaw kong makita siya parati pero iba talaga ang nararamdaman ko ngayon!
Uwaah! Patayin nyo na ako sa pinagsasabi ko.
Tapos ang cool nya magmaneho. Takteng mata 'to! Daming nakikita! Makasalanan na talaga!
Please patayin nyo na ako!
Sa araw araw ko siyang nakikita at nakakasama, ngayon ko lang talaga naramdaman to at nasigurado. Ang lakas ng tibok ng puso ko.. Bakit kaya ganun?
" Uy? Bakit mo tinanong? May mali ba sa mukha ko? "
Hindi! Hindi ko sasabihin sa kanya ang totoo! Sigurado lang na lalaki ang ulo nya at pagtatawanan lang ako. Nakakahiya lang!
" Wala! Nasabi ko lang! Bakit ba? Lalo ka kasing pumangit sa paningin ko ngayon! " pagsisinungaling ko sa kanya.
" Huweeh? Panget ba talaga ako? Eh bat parang namumula ang mukha mo sa pagsabi nyan? Aseeh! Ikaw ha! Nagkakagusto ka na rin sa akin noh? Kaya ayan sinasabi mo? " Tudyo nya sa akin habang nagmamaneho na hindi lumilingon sa akin. Nakita kong sa salamin siya nakatingin kung saan nakatingin rin ako. Nagtama ang mga mata namin at lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Umiwas ako bigla ng tingin at napatingin sa labas ng bintana ng kotse. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin.
Shaaaackss! Namumula nga talaga ang mukha ko. Nakakahiya! Bakit ba ganito ang nangyayari sa akin?! May sakit ba ako? Wala naman ah? Pero bat ganito ang nararamdaman ko? Di kaya nababaliw na ako? Jusko! Wag naman sana!
Oh di kaya tama ang sinabi nya na nagkakagusto na ako sa kanya? Imposible!
Yaaaah! Iniisip ko palang parang gusto ko ng mamatay. Chos! Joke lang! Mahal ko pa buhay ko noh?
" Uist! Natameme ka? Tama ba sinabi ko? " Untag nya with matching grin. I saw it in the side mirror. Nakaside view sya pero gwapo pa din. Yikes! Bat puro GWAPO na lang nasasabi ko! Argh!
" Wala akong sinabi! Kapal mo talaga! Di porke di ako sumagot, tama na ang sinabi mo! Kaasar ka! " hmp. Nagcross arms ako. Di pa din ako tumitingin ng harapan sa kanya. Sa side mirror lang ako nakatingin.
Nabigla na lang ako ng biglang tumigil ang kotse. " Hey! Bat mo tinigil? Wala pa nga tayo sa amin ah! " This time humarap na ako sa kanya at saktong nakaharap din siya sa akin. Napalunok ako.. Gwapo talaga siya ng malapitan. As in face to face..
Pwe! Puro na lang ako gwapo! Kaasar!
Di siya sumagot pero nanatili siyang nakatingin sa akin. " Ba-Bakit ganyan ka kung makatingin? " Nakakatakot siya tumingin. Kakainin ako ng buo! Waaaaaah! Di pa din siya sumagot at lalo akong natakot nang..
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)
Teen FictionHi. I already change the TITLE OF THE STORY. So, baka magtaka ang iba. Title lang po ang napalitan ko. Pero yung laman, di naman. Pasensya na sa mga errors. Pakiunawa nalang po ;) Salamat sa mga naglagay sa RL nila at sa mga votes nyo. Na-appreciate...