chapter 40

2.6K 46 10
                                    

CHAPTER 40

*Lourenz's Pov*

" Ang dami nyang pinagdaanan.. Naghirap talaga sya ng husto. Marahil, hindi nag-isip ang papa mo na masasaktan kayo sa ginawa nya pero i understand what he feels at ng ginawa nya. Isa syang asawa at ama, naisip nya kapag galit kayo sa kanya ay magiging okey ang lahat kaso di nya alam na naging kumplikado lang ang lahat. Mahirap tanggapin ang katotohanan. Nang malaman nyang may sakit sya, unang pumasok sa isip nya ay lumayo. Gulong gulo ang utak nya. Di nya alam ang gagawin. Litong lito at kayo lang ang iniisip nya, di nya naisip ang kalagayan nya. Yung babaeng nakita nyo dati ay nurse nya yun. Kahit alam nyang mali, yun ang ginawa nya. Akala nya kapag lumayo sya, makakaya nya ang mag-isa. Walang pamilyang nag-aalala.. walang nag-aaruga sa kanya. Unang tatlong taon nyang pamamalagi sa ospital, may nakitang maliit na chance ang mga doktor na gagaling sya kaso sa pangungulila nya sa inyo, na-stress sya ng husto. Di nakatulong ang pag-iisip nya sa inyo sa pagpapagaling nya. Yung gusto nyang magpagaling pero walang motivation, walang nagpupush sa kanya, walang sumusuporta dahil sya lang mag-isa. Magsisi man sya ay di na nya kayang ibalik ang oras at panahon na nakalipas. Gusto nyang magpakita sa inyo pero wala syang mukhang maiharap dahil alam nyang galit kayo sa kanya. Sinubukan nyang magpagaling para sa inyo.. sinubukan nyang magpakatatag para pag magkita na kayo magaling na sya pero in the end of the day, iniisip pa rin kayo ng papa mo dahil alam nyang galit kayo sa kanya. Mahirap din yun para sa papa mo. Mag-isa syang lumalaban sa sakit nya. Selfish sya, oo pero i really salute his love for his family kahit sobrang napakasakit. Nang marinig ko yun mula sa kanya, nahabag ako. Babe, maikli lang ang buhay natin kaya dapat di puro galit ang pinapairal mo. I understand you pero buhay na ng papa mo ang nakasalalay ngayon.. " parang umiikot ang paligid ko. Ang bilis ng pangyayari. Ang tagal palang nilalabanan ni Papa ang sakit nya para sa amin. Para sa muli naming pagkikita. " Your dad is still fighting pero di na kaya ng katawan nya ang tumagal pa. Last year pa sana ang dapat taning ng papa mo pero the doctor amaze dahil lumalaban ang papa mo.. Tsh. Di mo talaga masasabi kung kelan tayo kukunin ng Diyos kaya hanggat buhay pa tayo. Gawin na natin ang lahat ng mga gusto at nais natin para maging masaya tayo bago tayo mawala. " Tahimik lang akong umiiyak habang minamasdan ang papa ko na nakahiga sa hospital bed. Mag-uumaga na rin. " Di ka ba inaantok? Ako na ang magbabantay sa papa mo para makatulog ka. Mag-pray na lang tayo na sana maging okey na sya at may himalang mangyayari. "

" Ayos lang ako, Ice. Sa tingin mo ba makakatulog ako kung alam kong ganito ang lagay ni Papa. Natatakot ako, Ice dahil any time bigla na lang syang mawawala sa amin. Di ko matanggap na mangyayari eto sa kanya.. Di ko lubos maisip na nawala sya for seven years suffering this kind of disease. " niyakap ako ni Ice. Alam kong ginagawa nya yun para gumaan ang nararamdaman ko pero kahit anong gawin nya, di mababago ang katotohanang mawawala na sa amin si Papa. " Natatakot ako.. Ngayon lang kami nagkitang muli tapos mawawala sya. Natatakot na akong mawala sya. "

" Alam kong kulang ang yakap ko para e-ease ang nararamdaman mo, Babe. Sige lang, iiyak mo lang yan. Eto ang balikat ko oh, kahit mabasa yan ng iyak mo. Ayos lang basta gumaan ang bigat na nararamdaman mo.. I'll be your hanky. " Sinandal nya ako sa balikat nya. Tulad ng sabi nya, umiyak ako dun ng umiyak. " Kakantahan na lang kita para makatulog ka ha? " He kissed me on my head. Nanahimik na lang ako at di kumibo. Mas okey na sigurong magpahinga muna ako saglit para di maging lutang ang utak ko sa mga nangyayari.

" Take my hand, touch my face.. " ang lamig ng boses nya. Parang nang-hehele ng sanggol.

" Let me feel your embrace
Let me see in your eyes
That you won't say goodbye..
Just tell me how you feel
I don't know what you're thinking anymore.. "

" And if you need me, you'd kiss me..
Then tell me how you feel
And if you want me, you'd show me
That your love is for real.. "

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon