chapter 38

2.5K 51 1
                                    

CHAPTER 38

** pakibasa naman po ang 'My High School Ex Girlfriend' :D Yun po title ng kwento ng kapatid ni Ice. Sana subaybayan nyo rin yun gaya ng kwentong 'to. Salamat! Nakakalungkot dahil malapit ng matapos 'to pero ganun talaga.. Mag-1 year na 'to sa May. >:)

*Lourenz's Pov*

Naglalakad akong mag-isa sa hallway habang nag-iisip. Matapos naming mag-usap ni Terrence, parang nabawasan ng kung ano ang nasa dibdib ko. Ano nga ba ang dapat kong gagawin? Dapat ko bang patawarin na sya? Ice really loves his sister kaya nya nagawa yun. Pero ako, naging makitid ang isip ko sa mga paliwanag nya sa akin. Nagawa ko lang naman yun dahil sa inis at galit ko sa kanya lalo na at wala akong alam.. Alangan namang magtatalon ako sa tuwa dahil iniwan nya ako pagkatapos nang nangyari sa amin. Di ba? It is just a normal reaction. Sorry kung masyado akong naging bad kay Ice. Di lang naman kaya sya ang bida dito noh? Ako din kaya. Unfair ang ibang tagabasa nito. Di nila iniisip ang nararamdaman ko.

Naisip ko rin na masyado ko na syang pinapahirapan sa ginagawa ko. Maybe, it's about time na magkaayos na kami. Isa pa, nakita ko namang nagsisisi na si Enzo sa nagawa nya sa kaibigan ko eh.

Okey, papatawarin ko na sya. Afterall, i still love him.. Walang nagbago sa nararamdaman ko nitong mga nakalipas na buwan sa kanya.

Tumigil ako sa paglalakad. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at nagdial ng numero. Ilang ring lang at nasagot nya agad ang tawag ko.

" Hello, Baaaaaabbbe. Napatawag ka? " Ay naku! OA ha? Kelangang sumigaw? Eh hindi naman ako bingi. Adik eh!

" Mag-usap tayo. " Tapos agad kong binaba ang tawag.

*

Matagal na akong nakaupo sa upuan dun sa mall na yun at naghihintay pero di pa rin sya dumadating. Di ko alam kung maiinis ako o mag-aalala. Di nya ba alam na 15minutes na akong naghihintay dun.

Sinipat ko muli ang relo ko, mag-aalas singko na ng hapon pero wala pa din sya. Saan na ba yung yelo na yun? Luminga linga ako at tumingin tingin sa paligid para hanapin kung naroon na ba sya pero laking panghihinayang ko na wala pa rin sya. Tumayo ako at naghakbang palabas ng lugar na yun. Bahala sya! Kung kelan na makikipag-ayos na ako sa kanya saka naman sya matagal magpakita.

Tinext ko sya. Mahirap bang magtext sa akin para di ako maghintay na parang NGANGA dun? Irresponsable.

To: 0912*******

" HOY! I've waited you for almost one hour pero di ka dumating. Kung galit ka sa akin sa ginagawa ko, just say so, hindi yung pinagmumukha akong tanga. Nakakainis ka! "

Agad ko itong sinend pagkatapos kong magtype. Napabuga na lang ako ng hangin. Maya maya ay nagvibrate ang cp ko. Agad kong binuksan ang message para basahin ang nilalaman nito.

From: 0912*******

Hinihintay kita rito sa labas. Pasensya na.. May ginawa kasi ako kaya nalate ako.

Naku naman talaga oh! Bigla akong nanggigil dun ah! Tama ba yun? Nasa labas lang pala sya, kelangan pa nya akong paghintayin sa loob? Letsugas ah!

Nagmadali akong lumabas. Agad ko syang nakitang nakasandal sa kotse nya. Nakayuko at tila malalim ang iniisip. Nilapitan ko sya at tinapik. " Siraulo ka talaga! Bakit pinaghintay mo ako?! " Nagulat na lang ako nang niyakap nya ako.

" I'm sorry, Babe. Pinuntahan ko lang kasi ang nawawalang kapatid ko. Pasensya ka na ha? Di kasi agad ako nakaalis dun. Di rin kita natext kasi i was pre-occupied. Pasensya na talaga.. " Parang bigla namang nawala ang inis ko sa kanya at napalitan yun ng habag. Gumanti na lang ako ng yakap sa kanya. Yun lang ang kaya kong ibigay sa kanya ngayon. " Masakit malamang di na ako naaalala ng kapatid ko. Miss ko na ang kapatid ko, Sunget. Miss na miss.. "

" Magiging okey rin ang lahat. Ilang taon na rin kasi ang lumipas kaya baka nakalimutan ka na nya pero alam ko, maaalala ka rin nya kapag ipinaalala mo ang mga bagay na ginagawa nyo dati. Tiwala lang.. "

" Salamat, Babe. Mahal na mahal kita.. "

" Mahal na mahal din kita. " humiwalay sya sa akin saka hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at nakipagtitigan sa akin.

" Ta-Tama ba ang narinig ko? " Napatawa naman ako ng mahina.

" Bakit? Di naman nawala ang pagmamahal ko sa'yo eh. Bakit parang nagulat ka sa sagot ko? "

" Di naman sa ganun. Kasi.. Babe? You mean? Okey na tayo? Di ka na galit sa akin? Napatawad mo na ako? Bati na ba tayo? Ha? Bhabe? " Ngumiting tumango ako sa kanya. " Talaga? Yes! Ang tagal ko 'tong hinintay! Woohh! " Napasigaw na lang ako nang buhatin nya ako at inikot. " Woooh! Yes! Pinatawad na ako ni Sunget! Ang saya! Ang saya saya! " Nahilo ako dun ahh.

" Uy! Ibaba mo ko! Ang bigat ko kaya! " Gumaan ang nararamdaman ko nang mag-usap kami. Napalitan ng saya yung inis na nararamdaman ko kanina sa kanya. Ewan ko nga kung bakit ganun kabilis mawala ang inis ko sa kanya. May dahilan naman kasi sya kaya sya natagalan so, exempted muna at acceptable ang paliwanag nya sa akin this time.

" Ang gaan mo kaya! Tara! " Binaba naman nya ako pero hinila naman nya ako at pinapasok sa kotse nya. Di na ako nagreklamo. Sumunod na lang ako sa kanya.

" Saan tayo pupunta? " Tanong ko kalaunan sa kanya.

" Joyride. " Kinindatan pa ako habang nagmamaneho sya. Okey? Joyride daw. Masaya yun kaso pagabi na.

" Eh.. Pagabi na, Ice. "

" Yun nga ang masaya eh. Masaya pag gabi magjoyride. " May magagawa pa ba ako? Sya ang nagmamaneho eh. Kahit magreklamo ako, alam kong di makikinig 'tong unggoy na 'to sa akin kaya mas mabuting tumahimik na lang sa tabi.

" Ikaw na nga bahala.. " Nasabi ko na lang.

After isang oras na joyride, tumigil kami sa isang.. hmmm, isang bangin yata yun. Yung tanaw ang buong siyudad. Agad nya akong pinagbuksan ng pinto at syempre bumaba ako. Kita ko ang iba't ibang ilaw na nagliliwanag sa buong syudad. Ang ganda! Di ko maiwasang humanga sa mga ilaw na nagkikislapan. Para silang mga alitaptap.

" Ice -- " Bigla nya na lang ako niyakap mula sa likod. Nanlamig na lang ako.

" Salamat, Babe. Di mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayong araw dahil okey na tayo.. You made my day, Babe. " Nilagay nya ang baba nya sa shoulder ko. Parang naimagine ko kung ano ang ayos namin.. Parang sa mga teledrama. Ay ang harot! Kasi kinikilig ako. Ngayon lang ako kinilig ng husto na okey na kami. Naku naman! Malantod na si Lourenz!

" Naisip ko lang kasi na mahal talaga kita.. I'm -- " Hinarap nya ako sa kanya at di man lang pinatapos ang mga sasabihin ko dahil hinalikan nya agad ako.

" It's okey, Babe. The important is we're already okey. Please, promise me one thing? " Uhh? Ano naman kaya 'to?

" Ano naman yun? "

" Ako lang ang mamahalin mo hanggang huli. Kahit anong mangyari, walang papalit dyan sa puso mo dahil ako lang ang nagmamay-ari.. Ako lang. Okey? Please? Di ko kakayanin kapag nagmahal ka pa ng iba.. " Pwede kaya ang sinasabi nya? Madaming puwedeng mangyari lalo na at mga bata pa kami.. Di pa naman kami sure kung kami nga talaga til the end kahit naengage na kami.

" Ice, i won't promise but gagawin ko ang lahat para di mangyaring magmahal ako ng iba. Kung may makita man akong higit pa sa'yo, pipikit ako para di ko sya magustuhan. " Ay! Ang korni lang. Ngumiti sya sa akin. Well, ang gwapo nya lang pag ngumiti pero mas type ko sa kanya kapag serious face sya. Mas gwapo sya kapag ganun sya..

" Talaga? Ang swerte ko naman sa girlfriend ko. Sana naman ay di ka na maging masungit sa akin at sana magtuloy tuloy ng maayos ang relasyon natin. " I hope so..

Nag-usap lang kami dun. Nangarap. Nangako. Hanggang sa nagdesisyon kaming umuwi nung nakaramdam na kami ng gutom, pagod at antok.

Naging okey kami the whole week hanggang dumating ang semestral break. Ni sa hinagap di ko inaasahang mangyayari yun.. I mean, matagal ko ng kinalimutan yun. Parang gusto kong magalit ulit kay Ice pero di ko sya masisisi. Basta hindi lang talaga kasi ako handa e.

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon