chapter 4

5.3K 120 16
                                    

CHAPTER O4

   *Ice's Pov*

Nakita kong may lumapit sa kanyang lalaki at napatigil din sya sa paglakad. Magkaharap silang dalawa.

Parang may kung ano sa kanilang dalawa na di ko mawari. Dahil malapit ako sa kanila at di nila ako napansin, nakinig ako sa pinag-usapan nila. Okay, tsismoso na ang dating ko.

" A-Anong ginawa mo dito?! " Narinig kong tanong nya sa lalaki. Tila galit sya dahil nagkita muli sila.

" Dito ako nag-aaral. " Sagot naman ng lalaki at nagsmirk. Mukhang mayabang pa!

" Bakit dito pa! " 

" At bakit? Sayo ba 'tong Westbridge? Nagtataka nga ako kung bat nakapasok ka dito eh. " Ang sama naman ata ng lalaking toh! Anong karapatan nya para pagsabihan si.. si..

Si..

Si.. Ay tanga! Di ko pa rin pala alam name nya. Basta sya! Wala syang karapatan! Akala ko pa naman si Enzo lang bastos makitungo sa babae..

" A-Ano naman ngayon kung nakapasok ako dito? Eh di mo naman pera ang pinangbabayad ko rito. "

Bakit nag-aaway ata tong dalawa na to? Magkagalit nga ata sila??

" Yun pala eh! Di wag mo ko tanungin kung bat ako dito nag-aaral.. Until now, bitter ka pa rin? " Ngumiti eto ng nakakaloko.. ngiting aso! Lintik! Punitin ko labi mo eh!

" Anong bitter kapal ng mukha mo talaga! Anong akala mo, di kita mapapalitan agad! Kung kaya mo akong palitan agad at kalimutan, kaya ko rin! "

So, ex boyfriend nya tong lalaki? Wow ha! Di ko inaasahan. Di ko inaasahang papatol sya sa mayabang na lalaki na eto.

" Oh talaga? Me bagong boyfriend ka na pala kung ganun? Pakilala mo naman sa akin para di kita sabihang bitter.. Haha! " He grinned.

" A-Ano kasi.. "

" Ano? Bat parang nag-aalangan ka? Baka wala ka naman talagang bf? Tsk.Tsk. Pinag --- "

Bigla akong sumingit sa kanilang usapan.  " Hi Bhabe.. Dito ka pa pala? Kanina pa kita hinihintay sa labas ah? " Malakas kong sabi na ikinatigil nilang dalawa. Lumapit ako sa kanila at inakbayan si .. si? Haha! Di ko nga alam name nya di ba? 

" A-anong ginagawa mo dito? " Tanong nya sa akin.

" Bhabe talaga! Ayaw mo ba ako kasama pauwi? " Marahan kong pinisil ang balikat nya para maintindihan nya ibig kong ipahiwatig. " Teka, sino ba 'to bhabe? " Tanong ko kunwari at tiningnan ko yung lalaki.

" Si Aaron, ex boyfriend ko. " Walang kagatol gatol na sagot nya.

Nakamasid lang ang Aaron sa amin. Pagtataka ang nasa mukha nya.

" Oh hi! Ice here.. Her boyfriend! Nice meeting you, pre. " I offered my hands and he accepted it.

" Talaga bang boyfriend ka nya? " Nakataas ang isa nyang kilay ng tinanong nya yun sa akin. Tila di sya makapaniwala. Hmp! At bakit naman? Gwapo ako, maganda si.. siya.. para sa akin maganda sya. Bagay kami di ba? Haha! Ako cool, sya medyo hot! Hot ang ulo sa akin!

CORNY ko talaga magpatawa nuh!

" Oo bakit? " Mas lalo ko pa hinigpitan ang pagkakaakbay sa kanya para ipakita sa lalaking yun na girlfriend ko nga eto.

Di ko alam kung bakit ko ginawa yun! Basta ginawa ko na lang magpanggap kunwari na boyfriend nya para di sya pagsabihan ng bitter ng lalaking eto. Ang yabang e.

" Wala lang.. Di kasi halata eh! "

Napa-Oh ako! " So you mean, kelangan pa naming patunayan na mag-syota talaga kami? Ganun ba? "

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon