CHAPTER 33
**Waah! Thank you po pala kay Ms. Jocelyn Jandayan. Salamat po ulit! Syempre sa lahat ng nag-aabang neto at sa mga tumulong sa akin. Lovelots po talaga! So, enjoy po pala sa pagbasa neto. Nga pala, wag nyo pansinin ang timeline, kahit sequel po sina Ney at Renz it doesnt mean na pareho ang takbo ng story at oras. Kung binabasa nyo din yun. ~_~ Mahina ako sa memory kaya pasensya na talaga.. Nag-update lang ako ng ibang story ko kaya natagal ng konti.
*Lourenz's Pov*
" Matangkad. "
" Ahh. "
" Gwapo. "
" Ok. "
" Di hamak namang mas malaki ang katawan ko kesa sa Ice na yun. Ang payat payat nun. "
" So, tapos? " Bored na bored na ako. Di ko alam kung bakit pinadalhan pa ako ng pangalawang Ice. Oh my! Mababaliw na ako.. Kung si Ice, makulit, etong si Rence? Doble ang kulit! Pramis! Sobra, see? Oras ng klase, panay kausap sa akin. Nakakainis nga at kaklase ko pa tong kumag na 'to!
" Bakit ka ba nagkagusto dun? Kwento mo naman! Paano kayo naging kayo? Saan kayo unang nagdate? Alam mo namang karangalan ko talagang makilala ng husto ang mga member ng SB dahil number one fan nyo ako lalo na ikaw.. Ikaw kasi pinakacrush ko. Hehe. " Kitam! Sobrang kulit! Mayjulay naman! Oras ng klase, kinukulit ako!
" PWEDE BA, TERRENCE! TANTANAN MO NGA AKO! " Sa inis ko, sinigawan ko sya without thinking na nasa klase pala kami. Lahat ng kaklase namin, napatingin sa amin pati professor din.
Patay kang Lourenz ka!
Napaupo ako sa pagkakatayo at agad na humingi ng 'Sorry!' sa kanila. Pinandilatan ko ng mata si Rence na katabi ko. Baliw e. Sakin tumabi. Since wala si Ice sa upuan na yun. Tatawa tawa pa. Grr. Nang-aasar talaga.
" Kung may something kayo ni Arizdon, Padilla. Pag-usapan nyo sa labas, hindi dito. " Sermon ng prof. naming panot. Since ayaw ko ng eksena pa, tumango na lang ako. Pahamak talaga etong Rence na to! Pareho pa naman kami ng dulo ng name tapos magkaiba kami ng ugali.
" Kainis talaga! " Bulong ko.
Buong araw akong sinusundan ni Rence, tinatanong ako ng kung anu ano. Ewan ba! Nawala nga si Ice, may pumalit naman! Tss.
Speaking of Ice? Wala pa rin akong balita sa hayop na yun. Kung nasaan man sya ngayon. Bahala sya! Ganun naman ang mga lalaki e. Pagkatapos makuha ang gusto, biglang nawawala! Parang bulang naglaho!
Kahit masakit, unti untiin ko ng tanggapin ang totoo. I've waited for over a month pero nagpakita ba sya? Nagpaliwanag? Nagtext o tumawag? Never. He left me hanging without saying goodbye. Okay. Kasalanan ko naman siguro pero.. aishh! Hindi nya ba ako naiisip? Nakakainis lang talaga!
" BULAGA! "
" Anak ng kabayong lumilipad! @$%**§@!! Papatayin mo ba ako sa nerbiyos! " Muntik ng mahulog ang puso sa paggulat nya sa akin. Bwesit talaga tong Rence na to!
" HAHAHA. Grabe! Namutla ka Renz! HAHAHAHA!! " Tinaasan ko sya ng kilay.
" Pagtawanan ba talaga ako? "
" HAHA. Nakakatawa kasi yung mukha mo! HAHAHAHAHAHA! Parang nawalan ka ng dugo. "
" Oh? Tapos ka na tumawa?! " Asar na asar ako kaya sinipa ko ang tuhod nya. Napaluhod sya sa sakit.
Buti nga!
" Grabe! Tama nga sabi nila. Amazona ka nga talaga! Parang ginulat lang kita e. Huhu. "
" Salamat sa puri! " Tinalikuran ko na sya at iniwan dun. Tama lang ang ginawa ko sa kanya. Asarin pa nya ako at kulitin baka di lang sipa ang maranasan nya sa akin. Err.
Salamat naman at di na sya sumunod. Ged! Gusto ko naman ng tahimik na araw kahit ngayon lang.. kahit ngayon lang, wag ako kulitin ng lalaki na yun.
Since uwian na, napagdesisyunan kong pumunta sa mall para maglibang. It:s been stressful sa akin ang mga nakalipas na araw at mga linggo simula nung naging member ako ng Scandal Band. Di rin biro. Invited palagi sa mga gig, okasyon at event sa mga school. Nakakapagod minsan.
Madaming nakakakilala sa akin. Mga karamihan, high school boys. May college boys din naman. May mga babae rin. They admire me as the vocalist of the band pati na rin sa paggitara. Nakaka-overwhelmed minsan pero minsan, naiisip ko. Ang kapalit nun ay ang relasyon namin ni Ice. Nakakapanghinayang but galit ako sa lalaki na yun.. Sa ginawa ng barkada nya kay Bhessy at ang pag-iwan nya sa akin matapos nang nangyari sa amin. Swear. Di ko iiyakan ang lalaki na yun! Tama ng umiyak ako kay Aaron dati.
" Ate Renz!!! Ang ganda mo! " May bigla namang sumigaw sa may gilid ko nung lumabas na ako ng Westbridge. Napangiti na lang ako dun.
" Ate Renz, pa-autograph naman! " Sigaw naman ng isang lalaki. Actually, mga high school ang kalimitang nag-aabang sa akin sa gate ng Westbridge. Ewan ko nga ba sa kanila. Dati parang sakit na iniiwasan, ngayon iniidolo daw nila ako sa paggitara ko pati pagkanta. Mga tao talaga, kahit kelan di mo maintindihan.
Hinarangan naman sila ng mga guard dahil nagkakagulo na sila dahil sa akin. Nginitian ko na lang sila at kinawayan. Naks! Artista ang peg ni Lourenz.
Sumakay na ko sa kotse ko at nagtungo sa mall. Magpapalamig at magwiwindow shopping muna ako. Hehe. It's 4pm pa naman kaya maaga pa.. Mahaba haba pa ang oras ko para maglibang at maglibot.
Department store muna ang unang destinasyon ko. Wala talaga akong balak na mamili pero dahil may nakita akong nainteresan ko, binili ko! Purple na belt ang binili ko at shirt na white na fit sa akin. Girl na girl na ako. Naku naman!
Nang matapos na ko sa paglilibot. Nagtungo ako sa isang food cart at bumili ng shawarma saka inumin. Nagutom ako e. Umupo ako sa isang bench at nagsimula ng kumain mag-isa. Buti na lang at walang nakakakilala sa akin sa mall kaya mapapayapa ang pagkain ko.
Siguro mga 20minutes na akong nakaupo dun nang may mapansin ako. Napatingin ako sa may ground floor. Malapit kasi ako sa railings kaya kita ang nasa baba. May nakita akong pamilyar na tao. Tindig at likod pa lang, kilala ko na. Di ako maaring magkamali, si Ice ang nakita kong naglalakad. Aminado akong namimiss ko sya. Yung pangungulit nya sa akin. Yung pagpapatawa nya na korni. I badly miss him and kahit di sya nagpakita sa akin ng ilang linggo, mahal ko pa rin sya. Though, galit pa rin ako sa kanya.
Minadali kong bumaba mula sa first floor sa ground floor. Gusto kong masiguro kung sya nga. Pag sya, susuntukin ko talaga sya! Siraulo na yun! Grrrr.
Nang nakalapit na ako.. Mga labinglimang hakbang na lang palapit sa kanya. Nasigurado kong sya nga. Pumayat sya ng konti. Parang... ewan! May nagbago ng konti sa kanya e.
Lalapitan ko na sya ng husto kaso may biglang lumapit sa kanya. Babae. Maganda, sexy at nang humarap ang babae sa gawi ko. Nakilala ko kung sino ang babae. Si Hilary. Nashocked ako. Ok. Bestfriend sila pero.. di ko mapigilang di magselos dahil sa bukod na nakaakbay si Ice kay Hilary, magkaholding hands pa silang naglalakad. Wow ha! Kakaibang bestfriend to ah. Ano ito?
" Thank you, Hilary ha? Pinasaya mo talaga ako kanina.. " Ano daw? Pinasaya bakit? Anong ginawa ni Hilary? Dinig ko talaga kasi matalas ang pandinig ko. LOL. " Bukas kausapin natin parents ko about sa nangyari.. "
Bigla akong nagkakutob. Ano bang pinag-uusapan nila? Thank you daw? Parents kausapin? Ano yun? Gusto kong lumapit at kausapin sila pero nanaig ang pride ko. Naghintay ako sa kanya na parang tanga tapos makikita ko sya, masaya na kasama si Hilary?! Ano ang gusto nyang palabasin? Akala ko pa naman, mahal nya talaga ako pero bakit ganito ang ginagawa nya.
Nakita kong unti unting humarap din si Ice sa gawi ko pero agad akong tumalikod at mabilis na lumisan dun. Sabi ko, di ko sya iiyakan ulit, dahil umiyak na pala ako nang dahil sa kanya nung nakaraang buwan pero di ko mapigilang di umiyak sa nakita ko. Masaya sila at sweet. Di ba naisip ni Ice ang nangyari sa amin? Di nya ba ako naisip?! Nakakainis na talaga sya!
" Oh! Panyo! Ikaw ha? Nakakadalawang panyo ka na sa akin.. " Napaangat ako ng tingin. Si Rence. Nakangiting inaabot ang panyo sa akin.
" Iniyakan mo na naman ang lalaki na yun.. " Lalo akong napaiyak dahil dun. Umupo sya sa tabi ko. Niyakap nya ako. Without saying niyakap ko rin sya. Kahit papaano nabasawan ang sakit at sama ng loob ko kay Ice.
BINABASA MO ANG
When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)
Teen FictionHi. I already change the TITLE OF THE STORY. So, baka magtaka ang iba. Title lang po ang napalitan ko. Pero yung laman, di naman. Pasensya na sa mga errors. Pakiunawa nalang po ;) Salamat sa mga naglagay sa RL nila at sa mga votes nyo. Na-appreciate...