chapter 48

2.1K 44 1
                                    

Lourenz: The Nerdy Rock Princess

written by: PurpleRaindrops

CHAPTER 48

** Hello readers! :)) Hilary and Terrence eh, di ko pa alam kung may story sila. Sa ngayon, focus pa kc ako sa mga ongoing stories ko kaya ayaw kong magsalita ng tapos. =)) Enjoy reading!

*Lourenz's Pov*

Napaiyak ako sa nakita ko. Kasalukuyang naglalakad si Ice paakyat sa stage. Tatanggapin na niya ang diplomang matagal na niyang inaasam. It's been 1year had passed. Parang sariwa pa rin sa aking isipan ang mga naganap. Hindi ko inaasahang ang lalaking nasa harap ko ngayon ay mamahalin ko ng lubusan. Higit pa kay Aaron. Higit pa sa pagmamahal na binigay ko sa kanya dati. Speaking of Aaron, palagi ko pa rin siyang nakikita pero ang balita ko, may anak na daw sila ni Xynelle. Good to them. Blessing ni God yun para sa kanila. Kami naman ni Ice, hindi na nasundan ang mga nangyari sa amin. Napagkasunduan namin na wag na namin ulit yun gawin dahil bata pa kami. Kelangan muna naming tapusin ang pag-aaral namin para maabot ang pangarap namin ni Ice. We promised each other at ayaw kong mabigo kami..

" Maiiwan na ako dito sa Westbridge. Magta-trabaho ka na dahil graduate ka na.. Mag-isa na ako. Bakit ganyan kayo, iniiwan nyo ako. Una, bestfriend ko ngayon naman, ikaw. Iniiwan niyo akong mag-isa. " malungkot kong sabi sa kanya pagkatapos naming magcelebrate ng graduation niya. Simple lang ang handa pero lahat ng malalapit sa amin ay andoon.

" Okey lang yan. Minsan talaga kailangang maghiwalay ng landas dahil kelangan. Para din naman sa atin ang gagawin ko eh. Sa future natin. Gusto kong maging responsible na boyfriend sa'yo. Basta promise na kapag wala na ako dito sa Westbridge, wala kang tatanggapin na manliligaw. Okey! Ako lang ang lalaki sa buhay mo.. Ako lang dapat ang mamahalin mo.. " hindi yun tanong o pakiusap kundi utos yun. Ice is really a possesive man. Makulit na seloso pero ayos lang. Ang kyot naman eh.

" Opo, Sir! Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko e. Kaya hindi na ako maghahanap ng ibang lalaki. Ikaw lang talaga, asahan mo yan. " nakangiti kong saad.

" Good! Be a good girl, Bhabe! I love you so much.. " bulong nito sa akin.

" I love you, too. "

Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Hay! Ang sarap sa pakiramdam. Akala ko dati, hindi na ako makakaramdam ng ganito. Akala ko, pare-pareho lang ang mga lalaki pero mali pala ako. Nalaman ko na hindi pala sila pare pareho. Maaring niloko ako ng isang lalaki pero hindi dapat maging dahilan yun para lahatin ko sila. Nagkataon lang talaga na maling tao ang minahal ko. Siguro kung hindi nangyari yun at kinulong ko lang ang sarili ko sa nakaraan ko, hindi ko makikilala ang lalaking mamahalin ko ngayon. Yung alam mo yung pakiramdam na siya na talaga kahit hindi pa sigurado. Isang taon palang kami. Hindi pa ganun katagal para maging kampante sa relasyon namin. Pero hindi naman yun dahilan para hindi ko isipin yun. Madami ng napatunayan si Ice sa akin. Madami na kaming nalampasan. Madaming naging hindrance pero hindi nangyaring bumitaw kami sa isa't isa, kundi tumatag pa ang aming relasyon. Nakakatuwa talagang balik balikan yung una naming encounter. Nagkabanggaan. Nag-asaran, correction! Inasar pala ako. Niloko pero in the end, kami pa rin.

Isang taon na ring lumipas nung nawala na si Papa sa amin. Sariwa pa yung sakit sa akin pero kelangang mag-move on. Yung mom ko, subsob sa trabaho palagagi para mawala sa isip niya si Papa. Mahal na mahal nya talaga eto. Hay! Real love. True love. Hirap talaga hanapin yun pero ako? Nakita ko na at hinding hindi ko na siya papakawalan pa. Kung darating man ang araw na may hihigit pa sa kanya, pipikit ako para hindi ko yun makita. Ayaw ko ng maghanap ng iba. Sapat na siya sa akin. I know he deserve my love. I love him with all my heart. Si Ice ang lalaking nagpabago ng paniniwala ko. I maybe not a princess that have a happily ever after story nor a fairtytale but ako lang naman ang nag-iisang prinsesa ni Ice.. Sa puso niya at sa buhay niya. Ice's Princess. So cool!

Mabilis natapos ang summer. Mabilis natapos ang bakasyon namin. Sign na rin yun na umpisa na ng buhay ko na hindi na kasama si Ice. Nakakapanibago pero kelangang masanay. Hindi naman sa lahat ng oras eh kasama ko siya parati. Nagkikita pa naman kami pero hindi palagi. Minsan, isang beses sa isang linggo kami kung magkita pero minsan din, hindi na. Lalo na nung nakahanap na siya ng trabaho. Nakakamiss pero naiintindihan ko naman. Iba na ang sitwasyon naming dalawa. Nagtatrabaho na siya at ako ay nasa third year college na.. Hindi ko rin napansin ang paglipas ng buwan dahil tutok ako sa pag-aaral. Mag-isa akong nag-aral sa Westbridge. Walang bestfriend. Walang boyfriend. May kilala din naman ako pero iba pa rin yung nakasanayan ng kasama. Yung matagal ng kilala. Yung kakilala ko kasing si Grace Nyca, graduate na rin. Hay. Iniiwan nila akong mag-isa. Pero tama naman si Ice. Minsan kelangang magkahiwalay hindi dahil hindi pwede, may dahilan lang talaga na kelangang gawin yun.

Yung pagbabanda ko naman, matagal ng nadisband yun simula nung umalis si Courtney. Si Khim at Nicole, kaibigan ko pa rin naman kaso may kanya kanya din silang buhay at pinagkakaabalahan saka hindi kami magkadepartment. Yung pagiging nerd ko? Matagal ng wala yun. Binago ni Ice ang panlabas kong anyo. Siya ang naging dahilan para dagdagan pa ang kumpiyansa sa sarili ko. Sabi nga niya, ako daw si Lourenz Padilla; Ang NERDY ROCK PRINCESS ng Westbridge. Natatawa na lang ako sa tinanyag niya sa akin. Nerdy na nga, princess pa pero siya nagsabi nun. Eh di pagbigyan. :) Kakaiba talaga si Ice. Ibang iba sa lahat ng lalaking nakilala ko.

" Iniisip mo naman siya nuh? " tiningnan ko siya sabay irap.

" Pwede ba, Terrence! " unti unti kong niligpit ang mga gamit ko na nasa mesa ng bench.

" Oh bakit? Wala pa nga akong sinasabi e. Ganyan na talaga reaksyon mo! "

" Alam ko namang kaya mo ako nilapitan para asarin lang ako. Pwede ba? Get lose! Ayaw ko ng kausap ngayon. " agad na tumayo ako pero mabilis din niya akong hinawakan sa kamay.

" Alam mo namang gusto talaga kita noon pa. Dalawang taon na ang lumipas pero hindi pa rin nagbabago yun.. I still like you, Renz. Crush na crush kita noon hanggang ngayon. "

" Stop calling me Renz. Matagal ng wala ang banda and besides, matagal mo na rin namang alam na si Ice lang talaga ang mahal ko. Siya lang. "

" Alam ko. Kaso wala naman siya dito. Malayo siya sa'yo. "

" Terrence, kahit wala siya sa tabi ko, hindi siya mawawala sa puso at isip ko. Kahit anong gawin mo, hindi na siya mabubura dito sa puso ko.. sa buhay ko. At isa pa, iba ang like sa love na sinasabi mo. " napabuntonghininga siya saka tiningnan ako ng malungkot. Akala ko, nung naging okey na kami ulit ni Ice. Titigil na siya sa pang-aasar sa akin na gusto niyang palitan si Ice sa buhay ko. Totoo pala lahat yun. Simula nung nawala si Ice sa Westbridge, lagi siyang umaaligid sa akin.

" Maaring tama ka, iba ang like at love. Siguro, love na nga 'tong nararamdaman ko. Ok. I understand yung sinabi mo. Matagal na pero ako lang talaga ang namimilit sa gusto ko na imposibleng mangyari. Basta kung sakaling wala na kayo, pwedeng pwede ako na kapalit. Naghihintay lang. " natawa na lang ako at binatukan siya. Malabo ang sinasabi niya.

" Abnormal ka talaga! Kung ano ano ang pinagsasabi mo. Tara na nga. Buti na lang at dito ka parati. May libreng hatid at personal driver ako lalo na at wala si Ice ngayon. "

Tumawa siya at kinurot ang pisngi ko. " Loko ka ah! Manggagamit ka! " napahagikgik na lang ako. Kahit alam namin ang nararamdaman ng isa't isa, walang nagbago. Nakalimutan ko palang sabihin, magkaibigan pala kami. Haha! Hindi naman kasi sya yung tipong dapat tandaan parati eh. Nakakainis kasi siya!

Habang nasa kotse kami, napatingin na lang ako sa labas ng bintana. Nasaan na kaya siya? Kamusta na kaya si Ice? Namimiss niya kaya ako gaya ng nararamdaman ko? Hayy.

One year had passed again, graduate na ako sa kursong Culinary Arts. Yes! Success! Natapos ko rin pero i miss one thing, wala si Ice sa tabi ko nung tinanggap ko ang diploma ko. Nakakalungkot naman.

Itutuloy..

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon