CHAPTER 21
*Ice's Pov*
" Sige na Kuya! " Pakiusap ko sa manager ng naturang resto bar.
" Ang kulit mo naman 'toy.. "
" Kuuuya, di na po ako totoy, binata na ako at saka para sa gf ko 'to eh! Sige na, kahit ngayon lang.. Gusto ko kasing maging espesyal ang gabi na to para sa kanya. Please? I want her happy.. "
" Oh sya! Makulit ka talaga kaya pagbibigyan na kita! Isa pa, binarayan mo na ang kita para sa gabi na to kaya, okey na. "
Napa-Yes na lang ako bago nya ako tinalikuran. Di ko alam kung ano mangyayari sa gagawin ko ngayong gabi. Inarkila ko ang resto bar ng gabing yun para kay Sunget. Pagkatapos ng gagawin ko, sasabihin ko na talaga ang totoo tungkol sa bestfriend nya. Bago ko man lang masabi ang totoo sa kanya, maipakita ko sa kanya na mahal na mahal ko sya. Kahit mapahiya ako o maging katawa tawa sa mata ng ibang tao, ayos lang. Ganun ko sya kamahal! Bahala na. Bahala na si God sa mangyayari. Kasalanan ko naman 'to eh, sumali pa ako sa pustahan na yun! Kung magalit man sya, deserve ko yun. Alam ko na di naman kasalanang maging kaibigan ko si Enzo. Di ko rin sinasadyang napamahal ako kay Lourenz. Siguro ganun talaga! Eto yung consequence sa pustahan na yun.. Karma? Siguro? Good karma ko si Lourenz. Akala ko dati, wala na akong makikilalang babaeng hihigit pa kay Hilary pero mali ako. Dumating si Lourenz nang di ko inaasahan at di ko namalayang nagkakagusto na pala ako sa kanya. Huminga ako ng malalim.
Kinuha ko ang bouquet na rose na binili ko kanina sa labas. Sinuot ko na ang damit para sa gagawin ko. Kaya ko to! Its now o never! Minsan ko lang naman ipahiya ang sarili ko bat di ko na lang lubusin di ba? Oo, baka sabihin nyo na nababaliw na ako, marahil! Kasalanan ni Sunget.
Dumating na ang oras na inaasam ko. Abot abot ang kaba ko ng mga oras na yun pero kapag pumapasok sa isip ko si Sunget. Nagkakaroon ako ng lakas ng loob. Nagiging Ice ako na sobrang kulit at hyper na unang kilala nya!
Itinapat na sa akin ang spotlight. Eto na! Nakuha ko ang atensyon ng mga tao dahil dun lalo na sya.
Hudyat na para ipakita ko sa mundo kung gaano sya kaespesyal sa akin. Kung paano nya binago ang buhay ko.
Tumugtog ang minus one ng kantang 'Like A Rose' ng A1. Buti maganda ang boses ko. Hehe. Pagkatapos kong kantahin yun ay inabot ko sa kanya ang bouquet. Pinagtitinginan kami ng mga tao, sino bang hindi di ba? Agaw eksena talaga itong ginagawa ko. Who cares? Eto nga ang maganda eh. Madaming nakakakita at nakakasaksi! Romantiko? Pwede na ba? Haha.
Di lang yun ang ginawa ko. Kinanta ko rin ang 'Never say Never' ni JB. Alam kong trying hard na ang ginagawa ko sa pagaya ng ginagawa ni JUSTIN B. pero masaya ako sa ginagawa ko. Lalo na kapag nakikita kong nag-eenjoy sya at natutuwa sa ginagawa ko.
Kapag inintindi nyo ang lyrics ng kantang yun. Parang nagrereflect sa akin. Never say never. May mapupulot din pala sa mga kanta nya.
Pagkatapos kong kumanta nun ay lumapit ako sa kanya sabay halik sa labi nya. Kamanyakan na yata etong ginagawa ko! Haha. Dami ko ng score sa kanya, buti di ako sinasapak o binabatukan. Nakakahiya lang! Di ko kasi mapigilan di gawin yun eh. Ang sarap kasi. Haha. Quiet! Ang pilyo ko! Eto na seryoso na.
" Lahat ng eto, ginagawa ko para sa espesyal na babae sa buhay ko. Lourenz Padilla! I want to make her happy sa mga simple at kabaliwan kong ginagawa. Alam ko nagmumukha na akong baliw, engot, lahat na! Pero wala akong pakialam as long as napapangiti ko sya. Mapahiya man ako, ayos lang. Di ko kelangan ang opinyon ng iba! " Ngumiti ako sa kanya then nakita ko na lang na umiiyak ata sya.
" Bhabe, para sayo eto! Lahat ng gagawin ko na eto, pinaghirapan ko talaga. Sana maappreciate mo. I LOVE YOU! " Free concert ata ang peg ko. Ang bakla! Haha. Di bale, as long as masaya sya, okey na ako. Ayos na!
BINABASA MO ANG
When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)
Genç KurguHi. I already change the TITLE OF THE STORY. So, baka magtaka ang iba. Title lang po ang napalitan ko. Pero yung laman, di naman. Pasensya na sa mga errors. Pakiunawa nalang po ;) Salamat sa mga naglagay sa RL nila at sa mga votes nyo. Na-appreciate...