CHAPTER 42
** sorry sa late update. Medyo bumabawi lang po ako sa ibang story ko. Pasensya na! Btw, enjoy reading! Its Ice's Pov. :))
*Ice's Pov*
" Sino po kayo? " tanong nya sa akin. Ilang beses kong pinag-isipan ang bagay na 'to bago ko ginawa. Ano ba ang tamang sasabihin sa kapatid na matagal na nawalay sa amin na di sya magugulat? Imposible nga namang hindi sya magugulat sa sasabihin ko. Di ba? Naisip ko nga kung tama ba ang gagawin ko? Ang magpakilala sa kanya eh hindi naman nya kami naaalala. Baka magkagulo lang ang buhay nya.
" Louiice Fernandez. " ang tangi ko na lang nasabi sa kanya. Yung kaharap mo na sya pero natatahimik ka at nag-iisip ng tamang salitang sasabihin. Yun un eh! Ang hirap! I was speechless. It was the first time na mag-uusap kami after many years. Ibang iba na ang itsura nya or should i say, dalagang dalaga na sya. She's pretty at mahinhin. Ang daming nagbago.. Madami. Hindi na sya yung dating patpatin..
" Sorry po, Kuya pero hindi po kasi kita kilala eh.. Nagkakilala na po ba tayo dati? Pasensya na talaga.. " masakit marinig na hindi ka na kilala ng kapatid mo. Bakit kelangang mangyari sa kanya 'to? Bakit kelangang mawala ang memorya nya? Pero, i think masuwerte pa din kami dahil di sya tuluyang nawala sa amin. Buhay pa rin sya at may chance pang magkakasama kaming magpamilya. Sana nga talaga..
" Ahh, yes! We met before pero di mo na ata ako naaalala. " Masakit.
" Naku! Kuya, pasensya ka na ha? Makakalimutin na yata ako.. Di kita talaga kilala eh.. I don't remember na nagkita tayo before. " hinging paumanhin nya sa akin.
" No! Okey lang yun. Di naman ako nag-eexpect na matatandaan mo pa ako eh. Matagal na rin kasi yung nangyari. " Hindi nga talaga nya ako naalala. Hay! Saklap.
" Pasensya na talaga, Kuya. Uhmm, bakit nyo po pala ako nais makausap? " sasabihin ko ba? O maaga pa para sabihin ang bagay na yun? Ayaw ko rin namang biglain ang lahat eh. I want it step by step para hindi sya mabigla. Baka imbes na magkalapit kami eh lumayo sya sa akin.. sa amin.
" A-Ah! Nakita lang kasi kita at naalala. Gusto lang kitang makilala ng husto. If you won't mind? Wala naman akong masamang intensyon. Just be friends lang naman. Gusto kong maging magkaibigan tayo. Naaalala ko kasi ang little sister ko sa'yo eh. " ngumiti sya sa akin at tumango.
" Oo naman, Kuya. I think harmless ka naman kaya okey na okey sa akin na makipagkaibigan sa inyo.. Saka i'm longing also for an elder brother. Panganay kasi ako kaya okey lang talaga.. " tamang makipagkaibigan muna ako sa kanya. It's better na kilalanin ko muna ang long lost sister ko before anything else, right? Kahit kapatid ko sya, matagal rin syang nawala sa amin kaya madaming adjustment. Madaming dapat ayusin.
**
Naging okey naman ang pag-uusap namin the whole time. Minsan natatameme na lang ako at napapaisip na sabihin ang totoo para mabawasan ang pangungulila ko sa kapatid ko kaso hindi pa talaga pwede eh. May tamang oras naman para dun siguro, di lang talaga ngayon.
Pagkatapos naming mag-usap ni Xhyren, agad akong nagtungo sa usapan namin ni Sunget. Late na nga ako eh. Pero di bale, may surpresa naman ako sa kanya kaso nung nagkita na kami at dinala ko na sya sa supresang pinakita ko. Di nya eto nagustuhan. Nainis sya at nagalit. Marahil, di lang sya ready na magkita silang muli ng papa nya. Naiintindihan ko naman sya kaso tatay pa rin nya eto. Di ba? Di lang dun natapos ang lahat kasi di kinaya ng papa nya ang paglabas nya ng hospital. Oo, may sakit ang papa nya. Nung una kong makita eto at malaman, hindi talaga ako makapaniwala. Pakiramdam ko? kapag malaman ni Sunget yun, alam kong hindi nya matatanggap, masasaktan sya pero humingi ng pabor ang papa nya na wag kong sabihin kay Sunget ang kalagayan nya kaso nga, hindi kinaya ng katawan nya nung nasa restaurant kami. Nalaman ni Sunget then naging malubha na talaga ang lagay ng kanyang papa. Hay! Nakakalungkot. Naaawa ako sa girlfriend ko. Akala ko magiging masaya na sya dahil nagkita na sila ng papa nya pero mali ako. Nang araw din pala na yun mawawala ang papa nya. Pinagkita muna sila bago eto tuluyang namahinga. Yun siguro ang hinihintay ng papa nya. Ang mag-usap sila at malinawan sa lahat ng bagay. Lourenz is still lucky because in the last breath of her father, nagkita sila at nagkausap. Yung iba nga hindi eh.
Sa mga panahon na nagdadalamhati sya, nandun lang ako sa tabi nya. Di ko man mapawi ang lahat ng mga sakit na nararamdaman nya. Ipapadama ko namang nandito lang ako sa tabi nya. Niyayakap sya sa oras na akala nya nag-iisa lang sya. Magiging panyo nya kapag umiiyak sya. I'll be her superman temporary. Wala man akong superpower para i-wala lahat ng bad feelings na nararamdaman nya, siguro sapat na yung pagmamahal ko sa kanya para makatulong na mawala ang pain na nasa puso nya. Maybe she is tough enough pero babae pa rin naman sya eh. Nasasaktan. Umiiyak. Fragile.
Lahat gagawin ko para mapasaya sya. At balang araw, matatanggap din nyang wala na ang papa nya.
" Saan ba tayo pupunta? May pasok pa tayo eh. " tanong nya nung hinila ko sya palabas ng building.
" Sus! Hayaan mo na yun. Malapit na ang christmas kaya hindi naman mahalaga ang i-le-lesson ng teacher natin eh.. Minsan, masaya din mag-cutting classes. " pagbibiro kong sabi.
" Ice! " wagas kung makareact! Pinaglakihan ako ng mata.
" Just kidding, Babe! Basta saglit lang tayo. Babalik din naman tayo sa klase kapag nakita mo na ang supresa ko. " pag-aassure ko sa kanya. " 'tong asawa ko, masyadong matalino.. Ayaw mag-miss ng klase. " ngumisi ako sa kanya.
" Asawa?! Asa ka naman noh! "
" Asa talaga?! Eh engage na kaya tayo tapos asa ang sasabihin mo? Wala ka na kayang kawala sa akin. Hahaha! " natatawa na lang ako sa mga pinagsasabi ko. Gusto ko lang naman pasiyahin sya eh. At kulitin. Namiss ko na syang kulitin tapos magsusungit sya.
" Tigil tigilan mo nga ako dyan! Ang kulit mo talaga! "
" Sungetbhabe talaga oh! " I hugged her and whispered, " I love you, babe. Mahal na mahal kita. Salamat kasi minahal mo din ako.. "
" No! I should be the one to say that.. Ako dapat ang magpasalamat kasi nandyan ka lagi. Iniintindi mo ang ugali ko. Kung may nawala man sa akin, ikaw naman ang pumalit. Mahal na mahal din kita. " humiwalay ako sa kanya saka hinawakan ang magkabilang pisngi nya.
" Babe, i will protect, care and love you as a father. "
" Loko! Gusto mo na yatang maging tatay kita eh.. "
" Hindi naman. Hehe! Tara na nga. " Hinila ko sya sa likod ng Westbridge. May ipapakita ako sa kanya. It was secret before pero ngayon, hindi na.
" Teka, bakit andito tayo sa likod? Di ba bawal ang mga estudyante dito? Maliban na lang sa mga faculty member? "
" I know, Babe. Don't be afraid. Okey lang yan. Kami kaya may-ari ng Westbridge. " bumitaw sya sa pagkahawak ko sa kamay nya sa sinabi ko.
" WHAT?! Seryoso? "
" Oo. Haha! Pero quiet ka lang ha? Confidential yan para walang gulo. "
" Grabe! Ang yaman mo pala. " Gulat nyang sabi.
" Di ako. Parents ko. Wala pa nga akong nagagawa eh. Wala pa akong napapatunayan sa sarili ko.. Here. Nandito na tayo. " nakarating na kami sa supresang tinutukoy ko. She was amazed of what she saw. Hmm, nothing special naman dun. Puro bulaklak lang. Hehe.
" Wow! Ang gaganda ng mga bulaklak. Di ko alam na may ganito palang garden sa likod ng Westbridge. " bulalas nya.
" Ako ang nagtanim nyan. I planted it with love. Do you like it? " tumango sya.
" Oo, ang ganda! Gustong gusto ko talaga ng mga bulaklak. May talent ka pala sa pagtatanim.. "
" Talent talaga? Haha! Di naman. Nagkataon lang na nakikisama ang tanim sa akin. Buti na lang at nagustuhan mo.. Actually, nung una kitang nakita. Aksidente kong natanim ang mga bulaklak na yan dito hanggang nabuhay sya. Naisip ko, kapag patuloy na nabubuhay ang mga yan, di ako titigil na kulitin ka para malaman ang pangalan mo hanggang nauwi na nga sa pagmamahal ang nangyari. I never planned na mahalin ka. Nung una, i find you interesting talaga. Yun pala, nagkakagusto na pala ako sa'yo.. " totoo yun, ngayon ko lang nasabi.
" Korni mo talaga kahit kelan! Salamat dito ha, Ice? Na-appreciate ko talaga ng sobra ang mga ginagawa mo sa akin kaya mahal kita eh.. May mga bagay ka kasing ginagawa na di ko naiisip na magagawa mo. " ngumiti sya sa akin at niyakap ako.
Sana ay lagi na lang kaming ganitong dalawa ni Lourenz-Sunget. Ang masaya kami.. Sana wala ng mangyaring di maganda. Ayaw ko ng masaktan sya at umiyak.
BINABASA MO ANG
When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)
Teen FictionHi. I already change the TITLE OF THE STORY. So, baka magtaka ang iba. Title lang po ang napalitan ko. Pero yung laman, di naman. Pasensya na sa mga errors. Pakiunawa nalang po ;) Salamat sa mga naglagay sa RL nila at sa mga votes nyo. Na-appreciate...